Iza Calzado ibinahagi ang new achievement ng five-month-old daughter niyang si Deia Amihan sa Instagram. Aktres super proud at saya sa milestone na ito ng kaniyang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Iza Calzado sa new milestone ng five-month-old daughter niyang si Deia Amihan.
- Reaksyon ng mister ni Iza na ipakita dito ang new milestone ng anak nila.
Iza Calzado sa new milestone ng five-month-old daughter niyang si Deia Amihan
Hindi mapigilan ang excitement at saya ng first-time mom na si Iza Calzado na ibahagi ang new milestone ng cute daughter niyang si Deia Amihan. Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres ang cute na picture nilang mag-ina. Habang si Deia makikitang nakakaupo ng mag-isa at sa likod niya ay ang mommy niyang si Iza na sobrang saya na nagagawa na ito ng anak.
Ayon kay Iza, sa kanilang class unang nakaupo ang anak niyang si Deia. Hindi niya ito nakuhanan ng litrato kaya naman ni-recreate lang niya para ma-dokumento.
“I recreated the moment at home but this time Deia held the position much longer probably 3 mins long.”
Ito ang simula ng capiton ni Iza sa kaniyang IG post.
Reaksyon ng mister ni Iza na ipakita dito ang new milestone ng anak nila
Pagpapatuloy pa ng aktres, excited niyang ipinakita ang larawan sa kaniyang mister na si Ben Wintle. Ang sagot ng kaniyang mister ay nagawa na ito ng anak sa harap niya. Ang aktres hindi nagpatinag at sinabing mas matagal na itong nagagawa ni Deia ngayon. Pero ano pa man, si Iza sobrang sayang makitang nakakaupo na ang anak. Dahil isa daw ito sa mga signs na ready na itong kumain ng solid foods.
“I was so excited to show Ben, only to be told by him that she’s done that in front of him before. Of course, I insisted and still insist that this is the real first time. It’s definitely the longest she’s done this!”
“Anyway, what matters is that she can now sit up. Was waiting for this so I can say that Deia Amihan is finally ready to eat! Wish us luck! 😋”
Ito ang sabi pa ng happy first-time mom na si Iza Calzado.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!