Iza Calzado, ikinasal na sa nobyong si Ben Wintle

lead image

Opisyal nang ikinasal ang aktres na si Iza Calzado sa nobyo niyang si Ben Wintle. Ginanap ang kasal sa Coron, Palawan, na dinaluhan ng mga celebrities.

Opisyal nang ikinasal ang aktres na si Iza Calzado sa kaniyang Fil-Brit na nobyong si Ben Wintle. Ang kasal ay ginanap sa Coron, Palawan, kung saan dumalo ang napakaraming mga celebrity na kaibigan ni Iza.

Pero bago natin pag-usapan ang kasal, atin munang alamin ang kuwento ng love story ni Iza at ni Ben.

Paano nagkakilala si Iza Calzado at Ben Wintle? 

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Jing Monis (@jingmonis) on

 

Ayon kay Iza, noong 2011 sila unang nagkakilala ni Ben sa isang party. Kakagaling lang raw ni Iza sa isang 2-year relationship, at heartbroken raw siya. Nakita raw niya si Ben sa party, at agad na nagkagustor rito. Si Ben ay CEO at founder ng food at lifestyle app na Booky.

Sabi ni Iza na una raw lumapit sa kaniya si Ben, at tinanong kung puwede raw siyang i-add sa Facebook. Natawa raw dito si Iza dahil marami raw nagkalat na fake account sa Facebook. Kaya't si Iza na mismo ang nagbigay ng kaniyang number kay Ben.

Nagsimula nang mag-date ang dalawa, at bumisita pa nga raw sila sa ospital noong 2011, upang bisitahin ang naka-confine ang tatay ni Iza na namatay noong Nobyembre ng taong iyon.

Mula noon ay naging malapit na sila sa isa't-isa, at matapos ng 7 taon ay ikinasal sila sa isang beach wedding sa Palawan, na dinaluhan ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan, sa loob at labas ng showbiz.

Kabilang na rito ang mga nakasama ni Iza sa Encantadia na sina Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon. 

Abay din sa kasal ang celebrity couple na si Judy Ann Santos Agoncillo, Ryan Agoncillo, at si Scarlet Snow Belo.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark) on

 

Ang kasal ni Iza at Ben

Heto ang ilang mga larawan sa naging kasal ni Iza Calzado at Ben Wintle:

Ito si Iza na suot ang kaniyang napakagandang wedding dress.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Pat + IG patdytravelsandeats (@patdy11) on

 

Heto naman ang groom na si Ben Wintle kasama si Scarlet Snow Belo, Vicki Belo, Hayden Kho, at Tim Yap.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Pikapika.ph (@pikapikaph) on

Heto naman ang mismong venue ng kanilang kasal.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by IZAdoration We❤@MissIzaCalzado (@izadoration) on

 

Ito naman ang first kiss ni Iza at Ben bilang mag-asawa.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

 

May plano na ba silang magkaanak?

Sa ngayon, wala pang planong magkaroon ng anak si Iza at si Ben. Siyempre, gusto pa nilang enjoyin ang kanilang buhay mag-asawa. Bukod dito, sinabi rin ni Iza sa isang interview sa kaniya na hindi pa raw siya handang maging isang ina.

Aniya, gusto muna niyang maging handa emotionally, financially, at physically bago sila magkaroon ng anak ni Ben.

Pero umasa kayo na kapag naglabas na si Iza at Ben ng pregnancy announcement, una ninyo itong mababasa sa theAsianparent Philippines!

 

Basahin: LOOK: Iza Calzado ikakasal na mamaya sa nobyong si Ben Wintle

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!