LOOK: Iza Calzado ikakasal na mamaya sa nobyong si Ben Wintle

lead image

Nagsimula nang dumating ang wedding party sa Coron, Palawan kung saan gaganapin ang kasal.

Nagsimula nang dumating ang mga bisita sa Coron, Palawan para sa gaganaping kasal ni Iza Calzado at Ben Wintle ngayong Disyembre 19. Matapos ang matagal na pagsasama, sa altar din natuloy ang relasyon ng aktres at businessman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pat + IG patdytravelsandeats (@patdy11) on

Iza Calzado at Ben Wintle love story

 

View this post on Instagram

 

Can’t wait to begin this adventure with you my love @benmwintle ? @patdy11 @clubparadisepalawan #becomingmrswintle

A post shared by Iza Calzado (@missizacalzado) on

Nagkakilala sina Iza Calzado at Ben Wintle sa isang event kung saan host ang aktres at isa naman sa mga bisita si Ben. Common friend nila ang aktres na si Belle Daza na siya namang nagpakilala sa dalawa at nagsilbing matchmaker.

Ayon kay Iza, "binakuran" na raw siya ni Ben noong gabing iyon. Hanggang sa ibinigay ni Iza ang kaniyang number kay Ben bago siya umuwi nang gabing 'yon. Hindi naman pinalampas ni Ben ang oportunidad. Nag-text siya kay Iza at doon sila nagsimulang mag-date.

Matapos ang dalawang buwan na pagliligawan, naging magkasintahan ang dalawa.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, nag-propose si Ben kay Iza.

Iza Calzado at Ben Wintle wedding

 

View this post on Instagram

 

Filipino fiesta as a fitting welcome to @missizacalzado & @benmwintle’s wedding. Happening tomorrow! #BecomingMrsWintle

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on

Kahapon, Disyembre 18, nagsimula na ngang dumating ang mga bisita para sa destination wedding nina Iza Calzado at Ben Wintle. Nagkaroon ng fiesta-style welcome dinner para sa mga ito.

Dahil Pinoy-themed ang welcome dinner, napagkatuwaan ng magkasintahan na mag-sayaw ng tinikling, isang traditional folk dance.

 

View this post on Instagram

 

Sanggre’s Forever ❤️ #becomingmrswintle

A post shared by Miss Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon) on

Kabilang sa mga bisita ay ang mga original Sanggre na sina Sunshine Dizon, Diana Zubiri, at Karylle. Nagkatrabaho ang apat sa GMA-7 fantaserye na Encantadia noon kung saan naging malalapit silang magkaibigan.

Kabilang din sa wedding party sina Dr. Vicki Belo, Scarlet Snow Belo, Hayden Kho, Cristalle Belo at ang anak nitong si Hunter Pitt.

Pasok rin sa Pinoy theme ang ginawang dekorasyon ng floral at event stylist na si Teddy Manuel.

Inaabangan na ng lahat ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Congratulations, Iza Calzado at Ben Wintle!

 

Basahin: LOOK: Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ikinasal na!
Photo: Iza Calzado's Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!