Ina laban sa ina ang tagpo ng isang viral Facebook post ni Izza Navarro. May kakilala raw kasi itong isang ina rin na minessage siya sa kanyang facebook account at sinasabing ‘wag masyadong i-post ang muka ng kanyang baby.
Ina sinabihan na huwag masyadong i-post ang anak niya sa Facebook
Normal na para sa ating mga mommy ang mag post sa social media ng picture ng ating mga baby. Ang gawaing ito ay isang palatandaan kung gaano tayo ka-proud sa kanila.
Ngunit sa isang Facebook post ng isang ina na si Izza Navarro, hindi nito napigilang magsalita nang tila may pumuna sa kaniyang anak. Hilig kasi nitong magpost ng picture ng kanyang baby.
Ayon sa kanyang Facebook post, patulog na sana siya ng makatanggap ng isang message galing sa kaniyang facebook friend.
“I was about to go to sleep, but this lady sent me a pm. Gurl, I hid your identity not because I care about you, but because I want you to know how badly I am hurt by telling me these things.”
Matapang niya namang ipinagtanggol ang kanyang anak at hindi niya pinipilit ito na tignan ang picture ng kanyang anak. Dagdag pa rito, proud siya kung anumang itsura o kulay ng kanyang anak.
“I’m sorry if you felt that way but I am proud of the color we have. It suits us and my daughter is beautiful.”
Wala namang nasabi ang babae at agad rin siyang blinock nito sas Facebook.
Source:
BASAHIN:
Ito ang epekto kapag nilalagyan mo ng asukal ang pagkain ni baby