Isang Instagram video ang ibinahagi ni Jackie Forster kung saan ay tampok ang pagrampa ng kaniyang anak na si Kobe Paras sa New York Fashion Week.
Mababasa sa artikulong ito:
- Kobe Paras, Kyline Alcantara relationship suportado ni Jackie Forster
- Ano ba ang role ng magulang sa romantic relationship ng anak?
Kobe Paras, Kyline Alcantara relationship suportado ni Jackie Forster
Nagbahagi si Jackie Forster ng isang Instagram post kung saan ay makikita na rumampa sa New York Fashion Week ang anak na si Kobe Paras kasama si Kyline Alcantara.
Comment ng celebrity mom, “We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW”
Kung saan ay nag comment naman si Kobe Paras ng, “I LOVE YOU SO MUCH MAMA”
View this post on Instagram
Sinagot naman ni Jackie ang comment ng anak nang may pagpapahayag ng todong suporta kanila Kyline at Kobe.
Aniya, “I love you more! See!? It only took me two days to make the video so proud of you two keep pushing pass your comfort zone my beautiful talented boy! Anything is possible.”
Hindi naman nakalampas sa mata ng fans ang comment ng rumored girlfriend ni Kobe na si Kyline Alcantara. Nagkomento ito ng tatlong puting puso na ni-replyan naman ni Jackie ng, “sky is the limit for you two!”
Larawan mula sa Instagram ni Jackie Forster
Ano ba ang role ng magulang sa romantic relationship ng anak?
Sa artikulo ng Greater Good Magazine: Science-based Insights for a Meaningful Life na isinulat ni Diana Divecha na may titulong “How Parents Can Help Their Kids to Navigate Romance,” nabanggit na mahalaga ang papel ng mga magulang sa paghubog ng romantic relationships ng kanilang mga anak.
Batay umano sa mga pananaliksik ni Terri Orbuch, isang therapist at propesor, ang mga magulang ay may kakayahang gabayan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga makabuluhang usapan habang sila ay bata pa.
Larawan mula sa Instagram ni Jackie Forster
Una, dapat maglaan ang mga magulang ng ligtas na espasyo para sa kanilang mga anak upang magbahagi ng kanilang damdamin. Mahalagang iwasan ang mga negatibong komento tulad ng “Sabi ko na nga ba, hindi siya mabuting tao.” Sa halip, makinig nang mabuti, magpakita ng empatiya, at magtanong nang bukas na tanong gaya ng “Paano mo hinaharap ang sitwasyong ito?” Ito’y nakatutulong sa bata na pagnilayan ang kanilang karanasan at makahanap ng sariling solusyon.
Ang tiwala at suporta ng magulang ang susi upang mapanatili ang malusog na relasyon ng mga anak sa hinaharap. Sa pagtuturo ng tamang pag-uusap tungkol sa pag-ibig mula pagkabata, mas nagiging handa ang mga anak na magtaguyod ng kanilang sariling malusog at masayang relasyon sa iba.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!