LOOK: Anak ni Ina Raymundo, super cute at artistahin din

LOOK: Anak ni Ina Raymundo, super cute at artistahin din

Jakob Poturnak, unico hijo ng celebrity mom na si Ina Raymundo ay ang pinakabagong heartthrob ng Instagram!

Matapos ngang mag-post ni Ina sa kaniyang Instagram account kasama ang anak, hindi mapigilan ng mga netizens na mag-comment ng, "pogi," "gwapo," o "crush."

Sa caption ni Ina sambit niya, "My date for tonight and he smiled.??#myonlysonshine #JakPot #natakotsakurotko ?"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

Ina's only son, Jakob Poturnak

Nito nga lang ika-5 ng Oktubre, Sabado, dumalo ang aktres na si Ina Raymundo sa kasal ng sister ng malapit niyang kaibigan na si Aiko Melendez.

Dinala ng celebrity mom ang kaniyang unico hijo na si Jakob Poturnak sa wedding reception bilang date nga nito.

Sa kaniyang caption pabiro pa nitong sinabi bilang isa sa kaniyang mga hashtag na "natakot sa kurot ko," kung kaya't nabibit nga nito ang kaniyang 15-years old na anak bilang date.

Si Jakob nga ay hindi mo maitatangging cute at artistahin din tulad din ng iba pa niyang kapatid.

Ngunit kahit artistahin at heartthrob ngang maituturing ang anak ni Ina sa asawang si Brian Poturnak, iba ang tinatahak nitong landas.

Mahilig ang "only son-shine" ng mom-of-five na si Ina sa sports, specifically ang baseball.

Sa isang Instagram post nga ni Ina sabi niya sa kaniyang caption, "These two live & breathe baseball," paglarawan niya sa kaniyang mag-ama.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on

Hindi rin mahilig magpa-picture ang anak o magpa-video. Naiirita di-umano ang kaniyang binatang si Jakob kapag nire-record ni Ina ang kaniyang ginagawa o di kaya naman kinukuhanan ng litrato.

Aniya rin nga sa kaniyang Instagram post na nagpa-praktis ng baseball ang kaniyang mag-ama, "Yup, that’s my son’s reaction whenever I record or take photos of him."

Dagdag pa niya, "He thinks it’s annoying but he needs to understand that I’m just so proud of him."

"Ok kuya, this will be the last (for now). Promise! ?✌?☮️ #likefatherlikeson #myonlysonshine #JakPot #camerashy #whocanrelate," pangakong may "for now" pa ni Ina.

Hindi lang heartthrob ang datingan ng unico hijo ni Ina at hindi lang rin sa sports ito magaling, marunong din ito sa instrumento katulad na nga lamang ng pagpa-piano.

Sa isang Instagram post ni Ina na-feature niya ang anak na si Jakob at ang isa sa kaniyang mga anak na babae na si Anika kung saan nagpa-piano ang mga ito.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95) on


Source: Ina Raymundo

Basahin: Kilalanin ang anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner