Janella Salvador at Markus Paterson magkasamang pinabinyagan ang anak at ipinagdiwang ang 2nd birthday nito

Markus at Janella may sweet na mensahe sa 2nd birthday celebration ng anak nilang si Jude.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Muling nagkasama sina Janella Salvador at Markus Paterson sa binyag ng anak at 2nd birthday celebration nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Janella Salvador at Markus Paterson reunion.
  • Binyag at 2nd birthday celebration ni Baby Jude.
  • Breakup nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Janella Salvador at Markus Paterson reunion

Larawan mula sa Instagram account ni Jenine Desiderio

Nitong Setyembre ay kinumpirma na nina Janella Salvador at Markus Paterson na sila ay hiwalay na. Si Janella ibinahagi ang pagiging single mom niya sa isang panayam sa kaniya ng broadcast journalist na si Bernandetter Sembrano.

“Being a single mom. Talagang nilalaban ko iyon. At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as yes, I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin.”

Ito ang pahayag ni Janella tungkol sa pagharap niya ngayon sa responsibilidad bilang isang single mom sa anak na si Jude.

Samantala, si Markus naman kinumpirma ang hiwalayan nila ni Janella sa pamamagitan ng isang Instagram story post. Ito ay matapos ang pahayag niya sa isang podcast interview na sinundan ng reactions mula sa mga netizens.

Ayon kay Markus, isang taon na silang hiwalay ni Janella, pero sa kabila noon ay maayos ang relasyon nilang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Just to clear up the facts, me and Janella have been broken up for almost a year. She’s happy in life, and I’m happy in life and our only priority is Jude.”

Ito ang bahagi ng pahayag noon ni Markus.

Binyag at 2nd birthday celebration ni Jude

Larawan mula sa Instagram account ni Jenine Desiderio

Nitong Oktubre 20, ay nagdiwang ng pangalawang birthday ang anak nila Janella at Markus na si Jude. Sinundan rin ito ng binyag ni Jude na kung saan makikitang nagkasama sina Janella at Markus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Instagram video at mga photos na ibinahagi ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio sa naging binyag at birthday ni Jude ay makikitang walang ilangan sa pagitan ni Janella at Markus. At bakas sa mukha nila na pareho silang masaya para sa anak.

“Welcome to the Christian World, @judetrevorpaterson ♥ & Happy 2nd birthday!”

Ito ang caption ng IG post ni Janine tungkol sa birthday at binyag ng kaniyang apo.

Samantala, sa kanila namang Instagram account ay parehong nagbigay ng mensahe sina Markus at Janella sa anak na si Jude para sa 2nd birthday nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Janella binalikan ang kaniyang naging pregnancy at motherhood journey noon kay Jude. Nag-share siya ng videos ni Jude mula noong ito ay maipanganak hanggang sa unti-unti na itong lumalaki. Ayon pa sa aktres, isang honor ang maging ina ng anak niyang si Jude na best buddy niya kung maituturing.

“2 years ago I was given the honor of bringing this little angel to life on earth. My best buddy for life.”

Ito ang post ni Janella tungkol sa kaarawan ng anak.

Si Markus sinabi namang hindi siya makapaniwala na dalawang taon na ang nakalipas mula noong dumating ang anak na si Jude sa buhay niya. Sabi pa niya gustuhin man niyang maging forever baby ni Jude ay excited na rin itong lumaki ang anak at makasama niya sa paglalaro ng basketball.

“Here comes my son. Hard to believe 2 years has gone by so quick. To you my son, my life force, my everything. Happy birthday, if only you could comprehend the love I have for you. As much as I want you to be my little man forever I can’t wait to watch you grow. Love you always and forever. (p.s one day you’ll be able to guard me sa basketball) 😉”

Ito naman ang mensahe ng actor-singer sa anak niyan si Jude sa 2n birthday nito.

Ang mga fans at netizen naman hanga kay Janella at Markus na masaya paring nagkakasama para sa milestones at special celebrations sa buhay ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang ilan sa reaksyon nila.

“Glad to see his both parents were together 😍.”

“Welcome to Chrisitian World!. whatever happened/happens, seeing them both for their kid is really a great move👏all the best.”

Breakup nina Janella Salvador at Markus Paterson

Larawan mula sa Instagram account ni Janella Salvador

Matatandaang nagsimula ang tanong sa estado ng relasyon ni Janella at Markus Paterson ng mapansin ng mga followers nila sa Instagram na wala na silang mga pictures na magkasama. Nagmula ito noong pumasok ang bagong taon ng 2022.

Sa mga nakaraang panayam kay Janella ay sinabi niyang maayos ang relasyon nila ni Markus.  Bagamat ang aktres, hindi nagbibigay ng iba pang detalye tungkol sa pagsasama nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Markus and I are okay. And I am aware of the speculation that’s going around. Siguro I’m asking people to give us more time, i-respect kung ano man ang nangyayari.”

Ito ang sabi noon ni Janella sa isang panayam.

Samantala si Markus, sinabi ring maayos ang relasyon nila ni Janella.

“Our relationship status is definitely something people are asking about, but as of now I’m gonna let her do the talking on this time situation. But we are both very good, we have a very good relationship with each other. So let us leave it like that for now.”

Ito ang sabi pa ni Markus tungkol sa relasyon nila ni Janella Salvador.