Janice de Belen ibinahagi ang karanasan at natutunan niya bilang isang single mom. Aktres may payo sa mga kapwa niya magulang.
Mababasa dito ang sumusunod:
Sa isang panayam ay ibinahagi aktres na si Janice De Belen ang naging struggle niya sa pagiging isang ina. Kuwento ng aktres na may limang anak, mas nagiging mas mahirap ang pag-aalaga sa anak sa oras na sila ay malalaki na. Dahil ang mga needs ng mga ito ay hindi na kasing simple noong sila ay maliliit pa.
Higit 15 years narin umanong single si Janice at ibinuhos ang oras at atensyon siya sa pagtutok sa pagbibigay ng kailangan ng mga anak niya. Ngayong malalaki na sila may realizations si Janice. Ito ay ibinabahagi niya sa mga kapwa niya magulang na may maliliit pang anak at maari pang itama ang pagkakamali niya.
Payo ni Janice sa iba pang mga magulang
Payo ni Janice, maglaan ng mas maraming oras sa anak habang siya ay maliit pa. Dahil sa oras na lumaki siya nagbabago na ang mundo niya at unti-unti ka ng mawawala sa eksena.
“Spend as much time with your children as you can when they’re younger. Yang quantity time, hindi totoo yan. The quality time has to come in quantity. Because when your children are small. Ikaw ang buhay niyan, ikaw ang mundo niyan. But the minute they have friends, slowly unti-unti ka nang nagfi-fade sa buhay nila, until you reach a point na you are no longer the most important person in their life.”
Ito ang sabi pa ni Janice.
Si Janice ay may limang anak na sina Luigi, Inah, Moira, Kaila at Yuan. Si Luigi ay anak nila ng aktor na si Aga Muhlach. Habang ang apat niyang sumunod na anak ay produkto naman ng pagsasama nila noon ng mister na si John Estrada.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!