Janna Dominguez sa biglaang pagkasawi ng 20-anyos niyang anak na si Yzabel: “Our daughter passed away because of a sudden heart failure and lung infection.”

Si Janna hindi kasama ang anak ng masawi. Dahil sa mismong araw na nasawi ito ay isinilang niya naman ang baby boy niyang nagngangalang Leon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Janna Dominguez malungkot sa biglaang pagkasawi ng daughter niyang si Yzabel. Si Yzabel ay 20-anyos palang at pumanaw nitong October 7.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Janna Dominguez sa biglaang pagkasawi ng 20-year-old daughter niyang si Yzabel.
  • Bagong baby ni Janna Dominguez.

Janna Dominguez sa biglaang pagkasawi ng 20-year-old daughter niyang si Yzabel

Larawan mula sa Instagram account ni Janna Dominguez

Sa Instagram ay binigla ng aktres na si Janna Dominguez ang kaniyang followers sa malungkot na balita. Si Janna inanunsyo ang pagkasawi ng 20-anyos niyang anak na nagngangalang Yzabel.

Ayon sa isa pa niyang IG post, ang biglaan pagkasawi ng kaniyang anak ay dahil sa heart failure at lung infection. Hindi daw siya kasama ng anak ng mangyari ito at sobrang biglaan ang lahat.

“Sa sobrang ayaw nya nakakaabala ng ibang tao hindi nya sinabi samen mga nararamdaman nya. Nagpa-checkup sya the day before and doctor gave her meds na kaya iniisip namen ok na. Then bigla nalang ganon. She was at her condo in Manila when she suddenly had a hard time breathing kasama nya Yaya ate Iyn nya that time. Ate Iyn called us kaya dumiretcho na kme agad ng manila. Pero wala after
multiple attempts to revive here wala na tlaga. God called her back home na.”

Ito ang malungkot na pagbabahagi ni Janna sa Instagram sa nangyari sa anak niya.

Bagong baby ni Janna Dominguez

Larawan mula sa Instagram account ni Janna Dominguez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero kasabay ng pagkawala ng anak niyang si Yzabel ay siyang pagdating din naman ng bagong blessing sa buhay ni Janna at mister niyang si Mickey Ablan. Dahil sa mismong araw na nasawi ang anak niyang si Janna ay siyang pagsilang ng baby boy niyang si Leon.

Sa ngayon, ipinagluluksa ng pamilya ni Janna ang pagkawala ng anak niyang si Yzabel. Ito ay nakaburol sa La Pieta Funeral Homes sa Angeles, Pampanga hanggang October 12.

Ang nagluluksang ina, ibinabahagi ang ilan sa mga masasayang moments nila ng anak na si Yzabel. At labis na nalulungkot sa biglaang pagkawala nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I Love you our First Baby Chabelits Yzabel Ablan ❤️❤️. Sobrang Sakit ??.”

Ito ang sabi pa ni Janna sa isang post.

Larawan mula sa Instagram account ni Janna Dominguez

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement