Sino nga ba ang may pinakamalaking impluwensiya sa paghubog sa mga bata? Naniniwala ang ilan na ang mga bata ay pangunahin nang hinuhubog ng kanilang mga kasama.
Samakatuwid, sa larangan ng pagpapalaki ng mga bata, napaka-importante ng papel ng magulang sa maaga at may empathy na pagtuturo sa anak.
Ayon nga sa taekwondo champ na si Japoy Lizardo, “Always be there for your kids. Spend time with them. Because it will build good relationship and trust between you and your kids.”
View this post on Instagram
Ang mga itinuturo sa anak na si Jace
Ang Taekwondo champ na si Japoy Lizardo ay mas nakilala sa mga commercial ng Milo. Ngayon nga’y isa na siyang pamilyadong tao. May isa siyang anak na lalake na 2-years old na nagngangalang Jace sa kaniyang misis na si Janice Lagman na isa ring Taekwondo athlete.
Importante kay Japoy kung ano ang mga itinuturo niya o ibinabahagi niya tungkol sa buhay sa kanyang anak na si Jace.
Tungkol sa pera
“Jace is just 2 yrs. old so i dont know if he understands already but i keep telling him to save money. He already have his own piggy bank. We tell him to put his coins there.”
Kahit 2-years old palang si Jace ay hinihikayat na ni Japoy Lizardo na mag-ipon.
Sa murang edad ay mayroon nang sariling alkansya ang bata. Inamin ni Japoy na maaaring hindi pa ito naiintindihan ng bata ngunit patuloy niya itong hinihikayat na ilagay ang mga barya sa alkansya.
Tungkol sa pagkakaroon ng mga kaibigan
Pinapayuhan ni Japoy ang anak na piliin ang mga magiging kaibigan.
“I want to tell him that he should surround himself with good friends the ones that’s gonna be there through good and bad. Friends that will encourage him and sharpens him and make him a better person.”
Tungkol sa tagumpay
“No shortcuts.” Itinuturo ni Japoy kay Jace na upang maging matagumpay, importante ang pagiging masipag.
Hindi dapat gumamit ng shortcuts ngunit huwag kakalimutan na mahalin ang ginagawa. Dapat ay nage-enjoy parin.
Sa huli, huwag kalimutan ang mga tumulong sa kanyang makamit ang tagumpay. Kanya ring ipinapayo na ibahagi ang mga blessings na natatanggap.
Tungkol sa kung paano makipag-deal sa mga bullies
Kahit pa may-ari ng Taekwondo gym, pinapayuhan ni Japoy si Jace na umiwas sa mga bullies.
“I would teach Jace to just walk away or tell his teachers or us if someone is bullying him. But im also going to teach Jace Taekwondo so if in case he needs self defense then he’ll know how to defend himself against bullies.”
View this post on Instagram
Mga payo sa pagiging ama
Para kay Japoy, ang pinaka-magandang maibibigay bilang ama ay oras.
“Always be there for your kids. Spend time with them. Because it will build good relationship and trust between you and your kids.”
Mahalaga na makipaglaro sa anak at bigyan ito ng oras dahil ito ang bubuo ng magandang relasyon. Dapat ay laging nandyan para sa anak.
Mas-importante ang pagbibigay ng oras sa mga anak kumpara sa kahit anong materyal na bagay na maaaring ibigay dito. Ngunit, hindi dapat kalimutan maging magandang halimbawa.
Naibahagi rin ni Japoy na dati, laging itinuturo ng kanyang ama ang halaga ng pagiging magandang impluwensya sa mga kaibigan.
“Don’t let them influence you but you should influence them.”
Dapat, hindi nagpapa-impluwensya sa mga kaibigan ngunit ang sarili ang nagiging magandang impluwensya.
Ngayong isa naring ama si Japoy, itinuturo ng ama na laging bigyan ng oras ang anak. Dapat din itong basahan ng bibliya upang ito’y lumaking na maka-Diyos.
View this post on Instagram
Buhay mag-asawa
Ang mag-asawang si Japoy at Janice ay nagpapalakad ng isang Taekwondo gym nang magkasama. Si Japoy ang nagtuturo ng sparring habang ang kanyang asawa naman ay nagtuturo ng poomsae o porma.
“In family life, Janice is encouraging me when sometimes I feel down or stressed because of work. She also takes care of me and jace. She makes sure that we are ok.”
Dahil dito, masasabi ni Japoy na ang mga pinaka-magandang regalong natanggap ay si Janice at si Jace.
Basahin: Japoy Lizardo weds Taekwando gold medallist Janice Lagman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!