Jason Abalos to wife Vickie Rushton: “Alam ko nakakaramdam ka ng pagod pero hindi mo ito pinapakita dahil masaya ka sa pagiging ina”

Aktor labis rin na nagpapasalamat sa mga oras na nasasaksihan niya ang unti-unting paglaki ng kanilang anak na si Knoa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jason Abalos may sweet birthday message sa wife niyang si Vickie Rushton. Aktor ibinahagi rin na masaya siya sa pagganap na haligi ng kanilang pamilya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Jason Abalos birthday message to his wife Vickie Rushton.
  • Si Jason Abalos bilang isang ama.

Jason Abalos birthday message to his wife Vickie Rushton

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Abalos

Nitong May 8 ay nagdiwang ng kaniyang 32nd birthday ang beauty queen at first time mom na si Vickie Rushton. Ang kaniyang mister na si Jason Abalos may sweet na mensahe sa kaniya at appreciation narin sa efforts niya bilang ina ng anak nilang si Knoa.

“Maligayang maligayang kaarawan baba. Masayang masaya ang puso ko tuwing nakikita ko kung paano mo mahalin at alagaan si Knoa. Alam ko nakakaramdam ka ng pagod pero hindi mo ito pinapakita dahil masaya ka sa pagiging ina.”

Ito ang bahagi ng birthday message ni Jason sa misis na si Vickie. Dagdag pa niya, sigurado siyang lalaki ng maayos ang anak nila dahil sa gabay at pagmamahal na ibinibigay ni Vickie dito.

“Lalaking mabuting bata si Knoa dahil mabuti ang puso ng kanyang Ina. Pagmamahal mo lang sapat na, maraming salamat.”

Ito ang sabi pa ni Jason kay Vickie sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Abalos

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Jason Abalos bilang isang ama

Samantala, sa Instagram parin ay ibinahagi ni Jason kung gaano siya kasaya na maging isang ama. Ipinakita niya kung gaano niya tine-treasure ang mga oras na kasama niya ang baby boy niyang si Knoa. At nagpapasalamat siya na ang memorable moments na ito kasama ang anak ay na-dodocument ng misis niyang si Vickie.

“Namiss ko to anak. Ngayon ka na lang ulet natulog sa akin, pag antok ka na kasi hahanapin mo na si Mommy. Sigurado ako na namiss mo din ako makita sa gabi bago ka matulog. Kilig na kilig si Daddy sa mga ganitong pagkakataon anak, buti na lang nandiyan si Mommy para sa mga litrato. :)”

Ito ang sabi pa ni Jason.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jason Abalos