Paninilaw ng balat sanggol o infant jaundice: Mga importanteng kaalaman para sa mga magulang

Narito ang mga importanteng impormasyon ukol sa paninilaw ng balat ng bata (o Jaundice sa Ingles) na dapat malaman ng lahat ng mga magulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paninilaw ng balat ni baby, bakit nangyayari? Alamin ang sanhi rito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Paninilaw ng balat at mata ng sanggol, bakit nangyayari?
  • Gaano katagal ang paninilaw ng balat ng baby.
  • Mga sanhi ng paninilaw ng balat ng baby.
  • Sintomas ng jaundice.
  • Paano maiiwasan ang jaundice sa sanggol.

Pagkasilang mo sa iyong anak, makikita mo na mamula-mula ang kaniyang balat. Pero pagkalipas ng ilang araw ay posibleng mapapansin mo ang paninilaw nito. Hindi lang ng kaniyang balat kundi pati na rin ng puting bahagi ng kaniyang mata.

Bakit kaya? At normal ba ito? Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa kondisyong ito.

Paninilaw ng balat at mata ng sanggol, bakit nangyayari?

Ang paninilaw ng balat at mata ng isang sanggol ay tinatawag na newborn jaundice. Karaniwan ito sa mga bagong panganak na sanggol at nangyayari kapag mataas ang level ng bilirubin, isang yellow pigment na nagagawa sa red blood cells.

Sa mas malalaking sanggol at sa matatanda, naipoproseso sa atay ang bilurubin ay dumadaan ito palabas sa intestinal tract. Subalit para sa mga newborn, hindi pa gaanong developed ang kanilang atay para matanggal ang bilirubin sa kanilang blood cells.

Maari itong magdulot ng pangamba sa umpisa, subalit kadalasan ay kusa naman itong nawawala kapag nagiging mature ang atay ng bata at natututo siyang dumede, kaya nakakalabas na ang bilirubin sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gaano katagal ang paninilaw ng balat ng baby?

Larawan mula sa Pexels

Kadalasan ay kusa namang nawawala ang jaundice sa loob ng 2 hanggang 3 linggo. Kapag nagpatuloy pa rin ang paninilaw, maaring sintomas ito ng ibang medikal na kondisyon.

Ang mataas na level ng bilirubin ay maaring magtaas ng posibilidad ng mga sakit gaya ng cerebral palsy, pagkabingi at maging brain damage.

Nirerekomenda ng American Academy of Pediatrics (AAP) na lahat ng bagong panganak na sanggol ay dapat sumailalim sa pagsusuri sa jaundice bago sila lumabas ng ospital, at masuri uli sa kanilang ika-3 hanggang ika-5 araw.

Mga posibleng sanhi ng paninilaw ng balat

Mataas ang posibilidad na magkaroon ng newborn jaundice ang mga sanggol na:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • premature (ipinanganak bago mag 37 weeks’ gestation)
  • kapag hindi sapat ang kanilang nakukuhang gatas sa dede o formula – maaring dahil hindi pa sila marunong magdede o wala pang masyadong gatas si mommy.
  • hindi compatible ang blood type niya sa kaniyang ina.

Kapag hindi compatible ang blood type ni baby at mommy, maaring magdevelop ng antibodies sa kaniyang katawan na pumapatay ng red blood cells at nagdudulot ng pagtaas sa bilirubin levels ng sanggol.

Narito naman ang ilan pang posibleng sanhi ng jaundice:

  • pagkakaroon ng pasa sa katawan, pagdurugo ng mga internal organs
  • problema sa atay
  • infection
  • enzyme deficiency
  • abnormality sa red blood cells ng sanggol

Ano ang mga sintomas ng jaundice?

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pangunahing sintomas ng jaundice ay ang paninilaw ng balat at mata ng sanggol. Maari itong magsimula sa ikalawa hanggang ikaapat na raw ni baby. Kadalasan, nagsisimula ito sa kaniyang mukha at bumababa sa buong katawan.

Ang bilirubin levels ay karaniwang tumataas sa ikatlo hanggang ikapitong araw matapos ipanganak.

Para malaman kung may jaundice ang sanggol, subukan mong pindutin ang kaniyang balat nang marahan. Kung manilaw ito, ibig sabihin ay mayroon siyang jaundice.

Narito pa ang ilang sintomas ng jaundice sa sanggol na dapat mong bantayan:

  • Pagkaantukin
  • Pangangati
  • Maputlang pagtatae – ang sanggol na binibreastfeed ay karaniwang may greenish-yellow stools. Ang mga sanggol na bottle fed ay greenish-mustard ang kulay.
  • Walang gana magdede
  • Maitim ang kulay ng ihi – dapat walang kulay ang ihi ng sanggol

Ang severe infant jaundice naman ay mayroon pang dagdag na sintomas. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Paninilaw ng braso at tiyan
  • Hindi bumibigat na timbang
  • Jaundice na tumatagal mahigit sa tatlong linggo

Ano ang mga posibleng sakit kapag nagka-jaundice ang sanggol?

Ayon sa Medical News Today, walang dapat ikabahala ang magulang dahil natural nang mawawala ang jaundice. Pero kung lumagpas pa ito sa dalawang linggo, maaaring sabihin ng doktor ninyo na kailangan magpa-blood at urine test si baby para malaman kung bakit hindi pa rin nawawala ang jaundice.

Ang mga seryosong kondisyon na dapat bantayan, ay:

  • sakit sa atay
  • sepsis (impeksyon sa dugo)
  • abnormal na red blood cells
  • naka-block na bile duct o bituka
  • Rhesus incompatibility – o komplikasyon ng magkaibang blood types ng nanay at sanggol
  • Deficiency ng mga enzyme
  • Impeksyon (bacterial o viral)
  • Hypothyroidism
  • Hepatitis

Kailan dapat dalhin si baby sa doktor?

Tawagan at kumonsulta na sa doktor ni baby kung napapansin ang mga sumusunod na sintomas:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Patuloy at parang lumalala ang paninilaw ng balat ni baby
  • Dilaw na ang kaniyang tiyan, mga kamay at paa
  • Dilaw na dilaw na ang puti sa mata ni baby
  • Parang balisa ang sanggol at hindi dumedede nang maayos
  • Lagpas na ng 3 linggo pero may jaundice pa rin si baby

Larawan ng mula sa Pexels

Paano maiiwasan ang jaundice sa mga sanggol?

Gaya ng nabanggit, kusa namang mawawala ang jaundice. Pero mayroon ring mga paraan na pwedeng gawin ang mga magulang para mabawasan ang paninilaw ng  balat ng sanggol.

Ang pinaka-epektibong paraan para maiwasan ito ay siguraduhing pinapadede ng maayos ang sanggol. Sabi ng Medical News Today, dapat ay 8 hanggang 12 na beses padede-in si baby sa isang araw.

Kung formula o hindi gatas ng ina ang pinapainom mo, dapat naman raw 1 hanggang 2 ounces kada 2 o 3 na oras.

Pagpapaaraw kay baby, effective ba?

Ayon sa Healthy Children.org, ang pagpapaaraw kay baby ng ilang minuto ay maaring makatulong para bumaba ang bilirubin level. Subalit epektibo lamang ito kung nakahubad si baby kapag pinapaarawan siya. Kung susubukan ito, gawin ito ng maagang maaga (sa pagitan ng alas-6 at alas-8 ng umaga)para maiwasan ang sunburn sa sanggol.

Para gamutin ang severe na jaundice, karaniwang nirerekomenda ng mga doktor ang tinatawag na phototherapy o light therapy,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nananatili ng ilan pang araw si baby sa ospital hanggang sa mabawasan ang paninilaw ng balat nito. Ilalagay si baby sa isang special na kama suot lang ay diaper at protective goggles. Paiilawan siya sa ilalim ng blue spectrum light. Tumutulong ang “light rays” para mailabas ng maaayos ang bilirubin sa dugo.

Ayon naman kay Dr. Gel Sederio Maala, isang Pediatric Junior Consultant sa Perpetual Help Medical Center in Las Pinas, nakadepende sa level ng jaundice ng baby kung paano ito mawawala. Pahayag niya.

“Depende po sa level of jaundice ni baby. Nag-i-start po kasi ang jaundice sa taas pababa, so day 1 palang ni baby buong katawan niya na jaundice walang usapan sa phototherapy tayo kaagad.

Depende po ‘yon sa kalagayan ni baby pero meron tayong tinatawag na physiological at pathological jaundice. Physiological jaundice, the expected jaundice it actually happens on 2nd to 4th day of life.”

Dagdag pa ni Dr. Maala,

“Pathological jaundice nagpe-persist siya even after 2 weeks meron pa ring jaundice ibang usapan na yan.

Iba’t iba din ang cause ng pathological jaundice so winowork up natin kapag ganyan kasi case to case base siya so kapag ang pediatrician po nag assist kay baby before birth and after discharge sinabi po sa inyo I’m sure kasama yan sa discharge instruction naming mga doctor.”

Payo niya,

“Ang baby na papaarawan everyday 30 minutes harap likod walang damit, undress, walang diaper 15-30mins between 6am-8am.

Even after a week, madilaw pa rin you can seek consult with your pediatrician kasi depende po ‘yan sa assessment ng doctor na makakita kay baby talaga. May test naman na ginagawa to know if i-elevate ang levels o hindi.”

Larawan mula sa Freepik

Paano nalulunasan ang jaundice o paninilaw ng balat

Sa mga pambihirang kaso, maari ring mag-exchange blood transfusion, kung saan parang “dina-dialysis” ang dugo ng sanggol para malinis ito at maaalis ang sobrang bilirubin. Karaniwang ginagawa ito kapag hindi tumalab ang phototherapy.

Mayroon rin silang tinatawag na Intravenous immunoglobulin (IVIg) para sa mga sanggol na incompatible ang blood type sa nanay upang mabawasan ang antibodies na umaatake sa mga red blood cells nila.

Para sa mga mas malalang kaso, may mga gamot o surgery rin na puwedeng gawin.

Tandaan, mas mabuting obserbahan ang iyong sanggol sa unang 5 araw ng kaniyang buhay upang matukoy kung mayroon siyang jaundice.

Kung mayroon kang katanungan tungkol sa balat ni baby at iba pang kondisyong nararanasan ng mga newborn, huwag mahiyang magtanong sa iyong doktor. Mas maagang matukoy ang mga sakit, mas madali itong maagapan at masisiguro ang kalusugan at kaligtasan ni baby.

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Bianchi Mendoza