Jay Manalo, ibinahagi ang nangyaring insidente sa kaniyang anak

Nais ni Jay na maging aware ang mga magulang sa nangyaring karanasan sa kanyang anak at maging sobrang maingat lalo na sa kanilang mga anak ngayong summer.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa pagiging actor, si Jay Manalo ay isang padre de pamilya, butihing asawa sa kanya esposa na si Raizza, at isa na ring proud lolo.

Noong ika-1 ng Abril, nagpahayag ng saloobin si Jay Manalo sa kanyang Instagram account tungkol sa nangyari sa kanyang babaeng anak at sa hindi magandang karanasan nito pagkatapos mag-swimming.

Nais din ni Jay na itaas ang kamalayan ng iba ring mga magulang sa nangyaring karanasan sa kanyang anak at maging sobrang maingat lalo na sa kanilang mga anak ngayong summer.

Ang masamang karanasan sa pagswi-swimming

Ayon sa Pinoy Showbiz Latest, sabi ng aktor sa kanyang post, “Naiyak ako ng di ko napigilan ng makita ko ang mukha ng anak ko ng ganito. Talagang hindi na safe ang magpa-araw ngayon para sa mga tao.”

Dagdag pa ng aktor, “Kaya po ingatan niyo po mga anak niyo at sarili niyo pag nag-out-of-town po kayo, hangga’t maaari mga 7-9am at 4-6pm na kayo mag-swimming.”

“Love you my love love get well soon. Alam mo naman ‘di bale na ako nagkaganyan ‘wag lang kayo magkakapatid.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tila, nagkaroon ng masamang kaso ng facial sunburn ang anak na babae ni Jay pagkatapos ng matagal na exposure sa araw habang nagswi-swimming ito.

 

Reaksyon ng ilang netizens

Ito ang mga ilang naging reaksyon at komento ng mga netizen sa post ni Jay:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Avoid Swimming between 11 am to 3pm.”

“Omg kawawa ang bata get soon my dear! God bless.”

“So sad Mr. Jay. Ganyan din nangyayari sa anak ko minsan nakainom siya ng gamot not recommended by her Dr. Allergy kasi siya sa gamot na ‘di riniseta ng doktor niya. Get well soon sa baby mo.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang mga tips para makaiwas sa facial sunburn

Para makaiwas sa sunburn, heto ang ilang mga tips na kailangang tandaan ng mga magulang:

  • Umiwas sa paglangoy sa mga oras na 10am hanggang 2pm.
  • Siguraduhing gumamit ng sunscreen, lalong-lalo na sa mukha, at batok.
  • Kung maaari, magsuot ng swimwear na matatakpan ang iyong balat upang makaiwas sa sunburn.
  • Gumamit ng sunscreen na may sapat na SPF at nagpoprotekta sa UVA and UVB rays. 
  • Mainam din gumamit ng water resistant na sunscreen.
  • Mag reapply ng sunscreen kada 2 oras upang masiguradong protektado ang balat.

 

Source: Kami, Pinoy Showbiz Latest

Basahin: 14 Beach Safety Tips ngayong Bakasyon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement