Breastfeeding advocate Jennica Uytingco, nagpaliwanag sa pag-endorse ng formula milk brand

Ang pag-endorse ni Jennica Uytingco ng isang popular na formula-milk brand ay naging usap-usapan at debate sa Instagram, alamin ang paliwanag ng celebrity mom.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kabiyak ni Alwyn Uytingco na si Jennica Uytingco ay naging isang breastfeeding advocate nang isinilang niya ang kanyang panganay na si Mori noong 2015. Bukod sa kaniyang pagiging resource speaker kung saan inihahayag niya ang benepisyo ng pagpapasuso, nag-post din siya sa kaniyang blog upang matulungan ang ibang nanay sa kanilang breastfeeding journey.

Noong 2016 ay tumanggap pa nga ito ng breastfeeding award mula sa Mother and Child Nurses Association of The Philippines.

Sa kaniyang pangalawang anak na si Alessi, na ipinanganak last year, itinuloy ni Jennica ang kaniyang pagbre-breastfeed.

Dahil sa kaniyang pagiging vocal sa benefits ng breastfeeding, marami ang nagtaka sa pag-endorse ni Jennica at ni Mori sa isang kilalang milk brand na pang tatlong taon at pataas. Inulan ang celebrity mommy ng tanong tungkol dito.

Formula milk brand endorsement

Marahil nagulat ang ilang mommies sa post ni Jennica Uytingco na pino-promote ang milk brand noong nakaraang linggo. Sa picture, makikita sila ng kaniyang 3-year old daughter na si Mori na naka-smile katabi ang produkto.

Komento ng isang mommy sa post ni Jennica: “The way the Lord designed breastmilk to be is just amazing. It has antibodies that no formula milk could ever imitate. This came from your blog.”

Ang ibang mommies naman ay ipinagtatanggol si Jennica sapagkat ang ginagawa na ng iba ay “mommy shaming.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi nga ng isang mommy, “Saddened by the fact that other moms are shaming Jennica Garcia only because she chose to endorse Nido 3+. Kesyo career first daw talaga, kesyo di daw kaylangan ng mga toddlers ng follow up milk kase daw pwede daw yun makuha yung nutrisyon sa healty feeding, at biggest issue nila e kesyo daw breastfeeding advocate si Jennica.”

Pagpapatuloy ng nagkomento, “Ganito din issue nila noon kay Marian Rivera. I am also a breastfeeding advocate, pero my child, my rules. Kung tatlong taon na yung anak ko at pakiramdam ko its time to wean, or nagwean sya ng kusa, it’s my decision, it’s my body after all.”

Dagdag pa niya, “Ano ba ineexpect nila, habangbuhay nakalatch ung anak? And to say na hindi kailangan yung follow up milk, doesn’t mean hindi na pwede. Di naman porket pinainom ng gatas ung anak nila ibig sabihin yun na lang yon at hindi na nila pinapakain ng tama. I can’t even with these people.”

Naging hati nga ang mga opinyon ng mga mommy followers ni Jennica tungkol dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sagot ni Jennica

Dahil nga sa nangyayaring debate sa kanyang Instagram, minarapat ni Jennica Uytingco na magbigay ng paliwanag dito at ginawa nga niya ito sa kanyang post sa Instagram kinabukasan matapos niyang i-post ang kanyang endorsement na litrato.

Naninidigan siya sa kanyang paniniwala na “breastmilk is best” at pinahayag din niya na ang formula-milk ay hindi “as evil as how some see it.”

Sinimulan ni Jennica sa isang nagkomento sa kanyang endorsement post ang kanyang mahabang caption, “Many are surprised that I am endorsing a milk brand. One person said: ‘The way the Lord designed breastmilk to be is just amazing. It has antibodies that no formula milk could ever imitate.’ This is what you (Jennica) said in your blog.'”

“Totoo naman. Breastmilk is best. Ang breastfeeding community sa Pilipinas ay masasabi kong malakas. Alam nila kung ano ang dapat sabihin para ipaalam sa buong mundo na pagpapasuso ang pinagkamagandang simula para sa isang sanggol. At agree ako doon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“However, I do not see milk brands as evil as how some see it. I’ve counseled mothers who were raped and molested. The act of breastfeeding reminds them of their dark past. Who am I to keep insisting something that the mother is not comfortable doing?” dagdag niya.

Pagpapatuloy ng celebrity mom, “Yes, a mother can go to a hospital and ask for donated breastmilk pero hindi ba minsan ay wala na rin mabigay ang ilang hospital?

“This makes me grateful to God that gone are the days when a can of full cream milk is diluted and fed to a newborn child. Because now, mothers have better options. Yes formula is not the best but still, it is a better option.”

Pagpaparating ni Jennica sa lahat ng ina, “My heart goes to ALL mothers. Breastfeeding or otherwise & I am saying this not because I am now a milk brand endorser but because I want formula feeding mothers to be confident also with their choice. They need not to explain to anyone.

“Ngayon kasi pag ang Nanay tinanong, “Breastfeeding ka ba?” Pag sumagot sila ng hindi. Nahihiya sabay may mahabang explaination kung bakit, kung gaano nila sinubukan. Kesyo they did not try enough and so on.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Wala ako sa position para magsalita na sana tigilan na itong mommy shaming na laganap sa buong mundo kasi alam ko na may mas di hamak na mas influential pa sakin ang sumubok to get the word out pero ayokong humusga ng kapwa ko lalo na ang kagaya ko na nanay rin,” diin niya.

“Hindi ko sinasabing hinuhusgahan ako ng tao na nagpa-alala sa akin kung ano ang sinabi ko noon. Although this person reminded me of how I once wrote that I am in awe of Christ and how the Father made breastmilk so perfectly that no formula can imitate it that it also reminded of another important thing that I learned from the Lord and that is to love all and leave all judgement to Him,” pagtatapos sa kanyang caption.

 

Source: Jennica Uytingco

Basahin: Alwyn Uytingco fondly describes wife Jennica Garcia: “Adik yan sa pagiging nanay”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement