X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magkakaroon ng baby girl!

5 min read
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magkakaroon ng baby girl!

Silipin ang baby gender reveal party ng aktres na si Jennylyn Mercado kasama ang kaniyang asawang si Dennis Trillo.

Celebrity couple na si Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, masayang ibinahagi sa mundo na magkakaroon na sila ng baby girl.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Gender reveal party sa magiging baby ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Sa isang vlog na ini-upload ng mag-asawa ikiwento nila kung gaano sila kasabik na magkaroon ng baby girl, at laking pasasalamat nila ng malaman na baby girl ang ipinagbubuntis ni Jen.

Gender reveal party sa magiging baby ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Naganap ang gender reveal sa mismong araw ng kasal ni Jennylyn at Dennis, nitong nagdaang November 15, Lunes.

“Pinlano namin na isang celebration na lang yung wedding,” wika ni Dennis “Para nadoon na rin lahat ng mga mahal natin sa buhay,” pagsang-ayon naman ni Jennylyn.

Ayon sa dalawang  magkasintahan, matagal na nilang pangarap at ipinagdarasal na magkaroon ng anak na babae, dahil ang pareho nilang anak ay lalaki.

Anak ni Jennylyn si Alex Jazz sa dati nitong boyfriend na si Patrick Garcia. Anak naman ni Dennis si Calix, sa dati nitong girlfriend na si Carlene Aguilar.

Pahayag ng aktor,

“Noon pa lang gusto talaga namin ni Jen na magkaroon ng baby girl, kasi siyempre iyong mga anak namin puro lalaki.

Gusto naman namin ng ibang mapaglalaruan, ibang mabibihisan. Lalong-lalo na si Jen, talagang tuwang tuwa siya sa baby.” 

jennylyn mercado gender reveal party

Jennylyn Mercado Baby Gender reveal party. | Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Maraming pagkakataon din umano na, sa tuwing may dalang baby ang kapuwa nila artista ay hinihiram nila ito.

Advertisement

Dagdag pa ni Dennis, noong mga panahon na nasa Dallas sila, at sumasailalim sa mga proseso para sa surrogacy ay hiniling na nila na sana baby girl ang kalabasan ng embryo.

Kwento pa ni Dennis,

“So talagang tuwang-tuwa kami sa mga baby girl. Kahit noong nandon pa lang kami sa Dallas, kahit noong ginagawa pa lang namin ‘yong mga surrogacy plans namin, ah nirequest namin na sana baby girl ‘yong lumabas.”

Pero hindi sumang-ayon sa kanila ang kapalaran at male ang naging gender ng embryo, kaya naman noong panahong iyon ay naisip nila na baka boy talaga ang para sa kanila at masaya rin naman sila sa naging resulta.

“Wala ng iba, wala na akong ibang mapo-produce, so iyon na lang talaga. Parang wala na kaming choice, boy talaga.” wika ni Jennylyn.

Masayang sabi ni Dennis,

“Thankful din naman kami kahit na boy iyong naging gender doon sa perfect embryo.”

At dahil nga matagal na itong pangarap ni Dennis at Jennylyn ay lagi nilang minamanifest na baby girl ang ipinagbubuntis ni Jen.

jennylyn mercado gender reveal party

Screencapture mula sa YouTube Channel ni Jennylyn Mercado

“Actually minamanifest na natin na ‘girl to’ alam mo ‘yon kahit hindi pa natin alam. Gusto namin girl, so ‘baby girl’ tinatawag namin siyang ganyan. Ako naman mahilig akong tumingin ng mga pink. ‘Bumili na ba ako ng pink? Kasi girl naman iyan eh.’ Tapos siya confident siya ‘Hindi girl, talaga ‘yan oo alam ko ‘yan girl ‘yan’.” wika ng aktres.

Kahit hindi pa nila alam ang gender ng baby ay matagal umanong confident si Dennis na babae ang magiging anak nila. Pahayag naman ni Dennis,

“Ako sobrang confident. Kasi feeling ko talaga ibibigay sa atin iyong matagal na nating gusto. And feeling ko ito iyong panahon na iyon. Na mangyayari na iyon.”

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magkakaroon ng baby girl! Jennylyn Mercado Baby Gender reveal party. | Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Isa pa sa mga umaasa at nasasabik na magkakaroon sila ng baby girl ay ang mommy ni Dennis. Naluha pa ang kaniyang mommy ng malaman na buntis si Jennylyn at hiniling na sana baby girl ito.

Nakaugalian na rin ng kaniyang ina na bumisita sa simbahan ng Sta. Clara upang mag-alay ng itlog kasabay ang hiling na sana baby girl ang maging anak ng magkasintahan.

Kwento ni Jen,

“Madalas na siyang pumupunta sa Sta. Clara nag-ooffer ng eggs para talagang siguraduhing girl. Talagang pinagdarasal niya ng husto na girl ‘yan.”

Marami rin ang nagsasabi sa aktress na babae ang ipinagbubuntis nito, dahil sa blooming ito at magandang buntis. Ito ay ayon sa pamahiin ng mga Pinoy, na kapag maganda habang nagbubuntis ay babae ang magiging anak.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Dennis Trillo (@dennistrillo)

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Isa pa sa mga mas nagpatibay ng kanilang paniniwala na baby girl ang kanilang anak ay nang mapanaginipan umano ng anak ni Dennis nang tatlong beses na baby girl ang magiging anak nila.

Naging masaya ang gender reveal ng mag-asawa, at talaga namang nag-enjoy ang mga guest dahil may participation sila.

Ang mag guest ay binigyan ng mga dessert na nakalagay sa isang maliit na pot at may kasamang shovel. Makikita ang gender ng baby sa pinaka ilalim ng pot matapos hukayin.

Napuno ng masasayang sigawan ang venue nang malaman ng lahat na girl ang ipinagbubuntis ng aktres.

jennylyn mercado gender reveal party

Screencapture mula sa YouTube Channel ni Jennylyn Mercado

Masayang sabi ni Jen,

“Sa wakas magkakababae na tayo!”

Sa huli ay taos pusong pinasalamatan ng mag-asawa ang kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan na kanilang nakasama sa kanilang espesyal na araw.

Source:

PEP.ph, ABS-CBN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Joyce Ann Vitug

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, magkakaroon ng baby girl!
Share:
  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
    Partner Stories

    Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
    Partner Stories

    Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko