Jennylyn Mercado sexy at fit na ulit ang katawan anim na buwan matapos manganak

Si Dennis proud sa misis na si Jennylyn na balik na ang dating katawan matapos manganak sa kanilang Baby Dylan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jennylyn Mercado ito na ang katawan 6 months postpartum o anim na buwan matapos manganak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jennylyn Mercado 6 months post partum.
  • Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang magulang sa anak na si Baby Dylan.

Jennylyn Mercado 6 months post partum body

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Marami ang napa-wow ng ipinakita ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kaniyang post partum body. Si Jennylyn anim na buwan pa lang ng manganak sa baby nila ni Dennis na si Dylan ay sexy at fit na ulit. Ang sikreto ne Jennylyn ay ang mind at body exercise na pilates. Ito nga ang post ng aktres tungkol sa kaniyang ginawang pagbabalik-alindog na exercise.

“Work in progress ❣ #6mospostpartum #pilates

Ito ang caption ni Jennylyn sa kaniyang Instagram post.

Ang mga netizens napa-wow sa post na ito ni Jennnylyn. Habang ang mga fans niya lalong humanga sa disiplina ng aktres sa kaniyang kalusugan at katawan.

“Sexy Naman ni Jen grabe parang d nanganak Ang katawan sexy and hot mama talaga.”

“San lumabas ang baby? HahhahaSuper sexy & hot Mama.”

“Naghahanda na si Miss Jen sa kanyang comeback.”

Ito ang ilan sa komento ng mga netizens sa post na ito ni Jennylyn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang isang buwan palang ng maipanganak si Baby Dylan ay sumabak na ulit si Jennylyn sa pag-eehersisyo. Pag-amin nga ng aktres, hindi madali ang pagbabalik alindog matapos manganak. Pero si Jennylyn iba ang determinasyon at disiplina pagdating sa pagpapanatili ng fit at sexy niyang katawan.

Ayon naman sa mga fitness experts, ang pilates ay isa sa mga safe na exercise na puwedeng gawin ng mga babaeng bagong panganak. N

akakatulong ito para i-improve ang posture at mabalik ang strength sa katawan at muscles ng babae matapos manganak. Ang uri ng ehersisyo na ito ay hindi nangangailangan ng puwersa o labis na stress para magawa.

Kaya naman perfect ito para sa mga babaeng bagong panganak. Sa kabila nito, dapat isaisip na bago sumubok ng kahit anong exercise ay marapat na magpa-konsulta muna sa iyong doktor. Dahil siya ang mas nakakaalam sa iyong health history at ang the best sa iyong katawan.

Sa isa mga panayam naman ni Dennis Trillo ay pinuri niya ang misis na si Jennylyn. Dahil nga sa ngayon, ilang buwan matapos manganak ay sexy na muli ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Ex-buntis, ang sexy na ngayon oh."

Ito ang pagtukoy ni Dennis kay Jennylyn na nakatakdang bumalik sa pag-aartista sa first quarter ng susunod na taon.

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado bilang magulang sa anak na si Baby Dylan

Matatandaang. Abril 25 nitong taon ng isinilang ng aktres na si Jennylyn Mercado ang anak nila ng kaniyang husband na si Dennis Trillo. Ang magandang balita ay unang ibinahagi ng dalawa sa kanilang YouTube vlog na ayon sa kanila ay biglaan. Dahil si Jennylyn, noong araw na iyon ay dapat magpapa-check-up lang pero sa hindi nila inaasahan na si Jen ay sinabihan na ng kaniyang doktor na manganganak na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, kuwento naman ng aktor na si Dennis Padilla ay masaya siya sa pamilya nila ni Jennylyn.

“Masaya, sobrang saya. Feeling ko lalo akong nakumpleto.”

Ganito kung isalarawan ng aktor na si Dennis Trillo ang buhay niya ngayon matapos maipanganak ang baby nila ni Jennylyn Mercado.

Pagdating sa pagiging daddy sa anak na si Baby Dylan ay hands-on din daw si Dennis. Sa katunayan, kahit galing siya sa shoot ay nagbibigay siya ng oras sa kahit madaling araw na para maalagaan ang anak. Dagdag pa niya ay may bagong skills daw siyang natutunan ng dumating sa buhay nila ni Jennylyn si Baby Dylan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Umuuwi ako ng madaling-araw, diretso ako noon mag-alaga. Kahit tulog na sila, itse-check ko kung kailangan na ba palitan ng diaper. Actually ngayon lang ako natuto (magpalit ng diaper) dahil dati naman hindi ko ‘yan na-experience.”

Ito ang pagkukuwento ni Dennis sa isang panayam sa kaniya sa programang '24 Oras'.

Larawan mula sa Instagram account ni Jennylyn Mercado

Sa isa pang hiwalay na panayam, pagbabahagi pa ng aktor na dream come true ang pagdating ni Baby Dylan sa buhay nila. Mas naging mas masaya pa daw ang katuparan ng pangarap na ito dahil mini me talaga ni Jennylyn ang anak nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I can’t get enough of my wife. So I am excited that I now have a mini version of her. This will be a totally different experience for us, but we asked for this, and we’ve been waiting and dreaming of a baby girl—and now we have her. We’re just so happy and complete.”

Ito ang sabi pa ni Dennis tungkol sa pagdating sa buhay nila ni Jennylyn ng anak na si Baby Dylan.