Ang pagkakaroon ng anak ay isang napakalaking desisyon. Bukod sa mga financial responsibility na dala ng pagiging isang magulang, kailangan rin na busugin ng pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang ang kanilang anak. Kaya nga para sa ibang mag-asawa, tulad ni Jericho Rosales at Kim Jones, hindi pa bahagi ng kanilang mga plano ang pagkakaroon ng baby.
Jericho Rosales at Kim Jones, wala pa raw plano magkapamilya
Sa isang press conference, naikwento ng aktor na wala raw muna siyang planong magpatuloy sa panibagong soap opera. Aniya, “That was unplanned and I think ‘yun na ang nasa puso ko. Mahirap siya i-explain. Baka ang gusto ko lang sabihin, ‘yung ganitong klase ng storya [hindi ko na gagawin]. Gusto kong i-challenge [‘yung sarili ko] na maghain ng something new para sa mga nanonood sa akin.”
“Napapansin ko lang na nagkakaroon ng pattern sa career ko and I just want to eliminate that. With the availability of iWant, mga pelikula, Netflix and all, feeling ko ang dami kong puwedeng gawin,” dagdag ng aktor.
Nilinaw naman ng aktor na hindi raw niya planong tumigil sa pag-arte. Bukas raw siya para sumubok ng pag-direct, pag-produce, at pagsusulat, ngunit hinding-hindi raw mawawala sa kaniya ang pag-arte.
Ano ang plano nila ni Kim para sa future?
Dagdag pa ng aktor, masaya raw siya at napakasupportive ng kaniyang misis na si Kim Jones.
Aniya, “I am so blessed to have a beautiful wife who actually has the same passion. We talked about it already. She’s going to study, I am going to study. She’s building a company. I am rebuilding myself. Her job is abroad. We’ve had this set up for a very long time now na if she wants to study or I want to study for three to five months and magkita kami somewhere, we are fine with that.”
Ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi pa sila nagkakaroon ng planong magsimula ng pamilya.
“We feel that sa buhay namin, parang ang daming umagaw nung mga gusto naming gawin sa buhay. Bringing a baby into this world is not a good idea kasi kawawa ‘yung baby. Papatayin namin ‘yung mga pangarap namin dahil gusto namin mag-baby? Wala namang nagpre-pressure sa amin magka-baby. Kultura lang at tradisyon.”
Ngunit ayon kay Jericho ay bukas naman sila sa planong magsimula ng pamilya. Yun nga lang, hindi pa nila ito priority sa ngayon.
“We are so open. Who knows ‘di ba? All I know is I am not ready. I don’t want to be an absentee dad. We are both not ready but we are happy. It’s just that having a baby nowadays, there’s seven billion more people in the planet. I am just saying that bago tayo maglagay ng isa pang buhay ulit, let’s make sure that ang attention natin is there.”
Source: ABS-CBN News
Basahin: READ: Jericho Rosales’ response to ‘Bakit hindi pa kayo nagkakaanak?’