Jessy Mendiola and Luis Manzano are expecting their first baby!

Ang church wedding nina Jessy at Luis ay postponed muna dahil sa panibagong blessing sa kanilang buhay!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Proud na proud to be a first time parents dahil winelcome na ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang unang baby nila.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Jessy Mendiola welcomes first baby with Luis Manzano
  • Luis and Jessy’s goal is to have a baby this year

Jessy welcomes first child with Luis

Pinaka-inaabangan parati sa showbiz ang mga celebrity couple na after maging mag-boyfriend at girlfriend ay nauuwi na sa kasalan. Once naman nangyari na ang wedding, inaabangan din ng fans ang unang baby na makakasama ng kanilang pamilya. Isa na diyan sa sinurpresa ang lahat, ang mag-asawang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Inanunsyo nila ito sa pamamagitan ng isang video na inupload sa Youtube account ni Jessy Mendiola na pinamagatang “A New Chapter.” Nauna na nilang pinost sa Instagram account ni Jessy ang larawan nilang dalawa na tila halata na ang baby bump sa aktres. Sinabi rin nila dito na mayroon sila ia-announce kaya naman marami ang na-curious at nag-abang sa paglabas ng video.

“Same kami ng likes, same kami ng mga naiisip sa mga bagay-bagay. Tapos narealize ko na siya pala ‘yung klase ng tao na I can talk to about anything.”

Ganito sinimulan ni Jessy ang video na kanilang in-upload. Sinabi niya na maraming bagay raw ang pagkakapareho nila ng partner na si Luis.

Habang para naman kay Luis pakiramdam niya raw ay naging better person siya dahil kay Jessy.

“I get to be a better person whether it be on a personal level [or] professional level. I get to be a better person in all aspects because of her sa buhay ko and looking down the road parang ang sarap makita kung paano siya din bilang isang mommy.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Pagbabahagi pa ni Jessy, sa kabila raw ng maraming memories na kanilang pinagdaanan ni Luis ito na raw yata ang pinaka hindi niya malilimutan,

“Ang dami kong memorable moments with (Luis), but this one siguro this is the best.”

Naantig naman ang maraming netizens nang marinig din nila sa video ang vow ng dalawang magkarelasyon sa isa’t isa,

Jessy’s vow: “I will protect you and I promise that if you grow weak, I will be there to fight your battles for you. Today is the beginning of our journey, our lives together. I choose to spend the day and all of my tomorrows with you. I love you.”

Luis’ vow: “Howhow (tawagan nila ni Jessy), as we take the step today, I want to promise you that I will love you each day that comes. Even on those days na pareho tayong ‘di kamahal-mahal. I will choose to love. I promise to be the best husband, partner, bestfriend, and father I can be. We have been through so much, so many smiles and tears but I would do it over again if it means leading me back to you.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan ay screenshot mula sa YouTube video ni Jessy Mendiola

Pagbabahagi pa ng couple, pati raw sila ay nasorpresa sa biyayang ito. Una raw kasi nilang pinlano na magkaroon ng church wedding pero hindi raw nila akalaing bibigyan sila ng Diyos ng better blessing para sa kanialng pamilya. Sa ngayon daw nagdesisyon muna silang ipagpaliban ang kasal at magfocus sa pagiging future parents nila.

“This is, by far, the best surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible.”

Ang buong video and photoshoot raw ay mula sa isang simbahan sa Benguet.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luis Manzano and Jessy Mendiola wants to have a baby this year

Last year nang i-reveal ng magkelasyong Jessy Mendiola at Luis Manzano na binabalak na nilang magkaroon baby sa taong 2022. Ito nga raw ang dahilan kung bakit pansamantalang tumigil muna sa larangan ng showbiz si Jessy.

“I miss acting, I miss taping. I miss all of my katrabaho but siguro medyo hindi ko pa siya priority now kasi ang dami ko pang ginagawa na iba. I’m really focused on building my life with Luis and ‘yong digital ko rin ang daming nangyayari.”

Marami na nga raw ang nagbibigay ng spekulasyon na buntis na siya noon. Sinabi naman niyang hindi at handa naman siyang i-announce kaagad ito sa publiko kung sakaling nagdadalang-tao na nga siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Inuna niya raw intindihin ang health niya para makapagprepare sa pinaplanong pagbubuntis.

“Priority din talaga ang health. I’m preparing for that. That’s why hindi pa ako [bumabalik].”

Tinanong din si Jessy kung ilan ang nais niyang anak, pagkukwento niya ang gusto raw ni Luis ay lima ngunit para sa kanya tama na ang 3,

“Sabi nga [ni Luis] gusto niya ng five. Sabi ko, ‘Yung totoo, basketball team?’” Pagbibiro niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang ikinasal sina Jessy at Luis noong February 2021 matapos maging magkarelasyon ng apat na taon.

Sinulat ni

Ange Villanueva