Jessy Mendiola at Luis Manzano muntik nang maghiwalay!

Sa kabila ng mga sweet social media post nina Jessy Mendiola at Luis Manzano sinong mag-aakala na muntik na pala silang maghiwalay?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakagulat na rebelasyon ang ibinunyag ng celebrity mom na si Jessy Mendiola sa kaniyang vlog. Aniya, dumaan pala sila sa matinding pagsubok ng asawang si Luis Manzano at muntik na umanong humantong sa breakup.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jessy Mendiola muntik nang hiwalayan si Luis
  • Paano nila naayos ang problema?

Jessy Mendiola muntik nang hiwalayan si Luis Manzano

Naglabas ng YouTube vlog si Jessy Mendiola nitong September 8, 2024 kung saan ay kasama niya ang kaniyang asawang si Luis Manzano.

“Truth or Dare” ang tema ng kanilang vlog na humantong sa pagtatanong tungkol sa hindi inaasahan ng fans.

Larawan mula sa Instagram ni Jessy

Ang tanong sa Truth or Dare, “Describe the time you almost broke up with your spouse.”

Kwento ni Jessy, hindi pa mandin nagtatagal buhat nang sila ay maikasal ay muntik na niyang hiwalayan si Luis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

One year pa lang daw silang kasal nang mga oras na ‘yon nang away-awayin siya ng kaibigan ng kaniyang asawa. At may natuklasan siya kung bakit nito ginagawa ‘yon.

“Kinasal kami, tapos the next day, inaway-away ako nung tao na yon. Kaya pala galit na galit siya sa akin kasi may tinatago pala siyang sikretong karumal-dumal, na malala.”

Nagbigay babala umano si Jessy sa kaniyang asawa tungkol sa kaniyang nararamdaman sa dalawang kaibigan ni Luis. Aniya, hindi daw makabubuti para sa aktor at sa kanilang pamilya ang dalawang tao na ito.

Pero mas nanaig daw kay Luis ang pinagsamahan nila ng mga taong ito kaya humantong sa away mag-asawa ang sinabi ni Jessy.  Iginigiit daw ni Luis na kababata niya ang dalawa at kilalang-kilala na niya at halos pamilya na ito sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

So ako, [sabi ko] hindi ba ako part ng family? Tapos nanghihingi na rin siya sa akin ng anak nun, sabi ko, ‘No, hindi ka pa ready maging tatay.’”

Larawan mula sa Instagram ni Jessy

Paano nila naayos ang problema

Dahil nasaktan sa reaksyon ni Luis, nagpaalam na raw si Jessy sa mommy ng aktor na si Vilma Santos, na hihiwalayan na niya ang anak nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Si Momskie, sinasabi naman niya na, ‘Jes, naku, kumapit ka pa kasi nagsisimula pa lang kayo, kakakasal niyo lang, ganyan-ganyan.'”

Larawan mula sa Instagram ni Jessy

Makalipas umano ang ilang araw buhat nang magpaalam si Jessy kay Vilma, ay tila nahimasmasan naman ang asawa.

Humingi ito ng tawad sa kaniya at unti-unti ay tinapos ang ugnayan sa dalawang kaibigan na may ginagawang hindi makabubuti sa aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Marami ring nawala kay Howhow [Luis], marami rin nasira. Pero grabe talaga kapag pamilya ko kasi yung ginalaw niyo, gagawin ko talaga ang lahat para malabas yung totoo,” saad ni Jessy.

Naniniwala umano sila na ginawa ito ng Panginoon upang mas mapalakas ang kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan