LOOK: Jessy Mendiola mas nangibabaw ang ganda sa kaniyang ethereal maternity photoshoot

Jessy excited ng maipamana ang mga gamit niya sa kaniyang baby girl.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jessy Mendiola blooming na blooming sa kaniyang maternity photoshoot. Tingnan dito ang behind the scene shots at mga larawan sa naging photoshoot niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jessy Mendiola maternity photoshoot.
  • Update sa pagbubuntis ni Jessy Mendiola.

Jessy Mendiola maternity photoshoot

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Blooming na blooming, ganito kung paano maisasalarawan ang ganda ng aktres na si Jessy Mendiola sa pagbubuntis niya sa baby girl nila ni Luis Manzano.

Ang ganda ng aktres lalo pa ngang nangibabaw sa kaniyang naging maternity photoshoot. Ang shoot ay ginawa sa Chairman’s Suite ng Marriot Hotel at pinangunahan ng most sought event photographers sa bansa na sina Pat Dy at Nelwin Uy.

Sa tatlong lay-out na ginawa sa naging maternity shoot ni Jessy ay makikitang laging bida at hindi nawawala ang mga bulaklak. Sa last lay-out nga ng maternity shoot ni Jessy ay lutang na lutang ang ganda niya sa bath tub na pinuno ng bulaklak.

“Hirap umawra sa tub, but it’s worth it.”

“I can’t wait to hold you in my arms, my little.”

Ito ang pahayag ni Jessy tungkol sa nasabing photoshoot.

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa kaniyang mga solo na kuha ay mayroon silang photos ng mister niyang si Luis Manzano na super excited na rin sa pagdating ng baby nila.

Minsan ng sinabi ni Jessy Mendiola sa isa niyang mga vlog na ang pangalan ng kaniyang ipinagbubuntis ay isusunod nila sa isang bulaklak.

Ito ang naging inspirasyon rin sa naging theme ng kwarto ng anak. Ayon sa aktres sa mga susunod na buwan ay ibabahagi na nila ang name ng kanilang baby Peanut.

“We are planning a baby room for Peanut. Gusto ko mabango lang tingnan, floral. ‘Yong name ni Peanut malalaman ninyo ‘yan in a few months. ‘Yong name niya binabagay namin sa room niya.”

Ito ang pahayag ni Jessy noon tungkol sa nursery room ng anak na ang nag-didisensyo ay ang kapatid niyang interior designer na si Megan Tawile.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Update sa pagbubuntis ni Jessy Mendiola

Samantala, sa ngayon si Jessy ay nasa ika-7 month na ng kaniyang pagbubuntis. Bago nga manganak ay nagbakasyon muna si Jessy at mister na si Luis Manzano sa Singapore.

Ito ay dahil alam nilang magiging busy na sila sa pag-aalaga sa anak sa oras na maisilang na ito. Kaya naman ang mag-asawa nag-date muna sa Singapore at in-enjoy ang moment na silang dalawa lang muna.

Sa nasabing trip ng mag-asawa ay nagbigay rin ng update si Jessy sa pagbubuntis niya. Nag-share siya ng ilang pagbabago sa routine niya simula ng magdalang-tao. Nangunguna na nga rito ang pagkain na talagang kinailangan daw talagang i-adjust ni Jessy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Di kasi ako breakfast eater pero simula noong nabuntis ako ay mararamdaman mo ‘yong gutom kahit 12 midnight pa ‘yan o kaya bago ka matulog gutom na gutom ka na kakain ka pa rin talaga. Sabi ng doktor ko the moment pagkagising kain ka na agad kasi minsan naglo-lowblood ako, sumasakit ‘yong ulo, medyo nahihilo.”

Ito ang pahayag ni Jessy.

Napansin niya rin umano na mas naging-OC siya ng mabuntis. Ito ay maaring dala na rin sa naging paghahanda niya sa oras na dumating na ang anak.

“Mula noong nabuntis ako mas lalo akong naging maayos sa gamit. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil ayoko ng may additional na iniisip.”

Ito ang sabi pa ni Jessy.

Kaugnay pa rin ng naging trip ni Jessy at Luis sa Singapore ay nag-shopping haul ang aktres. Pero hirit niya hindi siya nanghihinayang sa mga pinamili niya. Dahil mayroon naman daw ng magmamana nito at ito ang kaniyang baby girl.

“Yes! Isang na namang unboxing ang magaganap dahil nagkaroon ng shopping haul nung nasa Singapore kami. ❤ Sabi ng wallet ko, “tama naaaaaaa!” joke! May pamamanahan naman dahil baby girl ang magiging anak ko (dibaaaa, justifying si gurl!).”

Ito ang sabi pa ni Jessy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Pero dagdag niya, sinisiguro niya naman na maayos pa rin ang kaniyang finances. Sinusulit niya lang daw sa ngayon habang hindi pa siya nanganganak. D

ahil alam niya na sa oras na manganak na siya ay hindi niya na magagawa ng pansamantala ang mga nagagawa niya ngayon tulad ng pag-byahe.

“But kidding aside, I always make sure that I save up and prepare a budget for my expenses whenever I travel, especially now na alam kong medyo matagal tagal pa akong makakabyahe ulit.”

Ito ang sabi pa ni Jessy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Jessy hanggang sa ngayon ay hindi parin makapaniwala na siya ay magiging mommy na. Pero sabi pa niya ay super excited siya sa bagong journey na ito kasama ang mister na si Luis Manzano.

“Hindi ako makapaniwala na magiging nanay na ako. Medyo mahirap din ‘yong transition but at the same time ang dami kong natutunan. Ang dami kong nadi-discover. Excited ako na mayroon na naman akong bagong chapter o journey sa buhay ko na tatahakin with Hawhaw.”

Ito ang sabi pa ni Jessy sa isa kaniyang mga vlog episodes.