Isang emosyonal na Instagram post ang ibinahagi ni Jessy Mendiola tungkol sa kaniyang karanasan bilang isang ina.
Jessy Mendiola: Being a first-time mom has its own ups and downs
Isang cute na video ang ibinahagi ni Jessy Mendiola noong Mother’s Day sa kaniyang Instagram. Sa video, mapapanood ang pinagsama-samang video clips nila ng kaniyang anak na si Isabella Rose na kilala rin sa tawag na baby Peanut.
Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
Mahaba ang caption ng nasabing social media post kung saan ibinahagi ni Jessy Mendiola ang nararamdaman niya bilang isang new mom.
Aniya, “Motherhood is a very challenging journey, being a first-time mom has its own ups and downs but I’m very grateful where I am right now.”
Kwento pa ng aktres, noong nagbubuntis siya ay hindi niya maiwasang mag-worry at makaramdam ng anxiety. Nakaramdam daw siya ng pagdududa sa kaniyang sarili kung kakayanin ba niya ang pagiging isang ina. Pero eventually ay napagtanto niya na kapag isinilang na ang kaniyang anak ay unti-unti niya ring matututunan ang lahat ng kailangan niyang malaman bilang isang ina.
Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
Nag-iwan din si Jessy Mendiola ng heartwarming na mensahe para sa mga kapwa niya mommies.
Saad ng aktres, “There is no right or wrong way. Some say it’ll come naturally, some say it won’t. Either way, it’s okay. You are human and sometimes it’s hard to transition to being how you used to be and being a new mother.”
Pinaalala rin ni Jessy na ang motherhood ay rebirth umano ng isang ina sa bago nitong buhay. Simula ito ng journey kasama ang kanilang anak.
“I know it’s harder than it seems but you’ll get there. Take your time to embrace this change. This new YOU. So give yourself a TIGHT hug, and tell yourself that you are doing GREAT.”
Larawan mula sa Instagram ni Jessy Mendiola
Inspiring ang nasabing Instagram post para sa mga kapwa parent ni Jessy pati na rin sa kaniyang mga fan.
Comment ng isang netizen, “This is such a heartfelt and relatable message. Motherhood is indeed a challenging journey filled with ups and downs. It’s incredible how we doubt ourselves before becoming moms, but once our little blessings arrive, we find the strength and resilience to navigate through it all.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!