Jessy Mendiola to mom body shamers: "So kapag may anak bawal ma maging comfortable sa sariling katawan?"

Paalala ni Jessy Mendiola, isa lamang ang pagiging nanay sa mga role ng babae, at 'wag kalimutan ang sarili kahit nanay na siya. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Palaban na sinagot ni Jessy Mendiola ang ‘nag-mom body shaming’ sa kaniya sa isa niyang komento sa kaniyang post sa Instagram account. Alamin ang buong kwento dito!

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Jessy Mendiola sa basher na nag-body shame sa kaniyang mom body
  • Sagot pa ni Jessy sa kaniyang IG story

Jessy Mendiola sa basher na nag-body shame sa kaniyang mom body

Larawan mula sa Instagram ni Jessy 

Nagbahagi si Jessy Mendiola ng kaniyang sexy photo para sa kaniyang 31st birthday sa kaniyang Instagram account. Marami ang namangha sa sexy bod mom ni Jessy Mendiola. Isa na rito ang kaniyang asawa na si Luis Manzano. Comment ni Luis, 

I love you, and WOW.”

Pero hindi pa rin mawawala ang pambabatikos sa kaniya. Comment ng basher netizen, 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dina bagay sayo ganyan may Peanut kana.. Masagwa tingnan.”

Nagkomento naman pabalik ang aktres at sinagot ang basher, 

“So kapag may anak bawal ma maging comfortable sa sariling katawan? Stop mom/parent shaming.

It’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila. Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdidiin ng aktres wala umanong masama na maging kumportable sa kaniyang katawan kahit na isa ng nanay. 

Larawan mula sa Instagram ni Jessy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sagot pa ni Jessy sa kaniyang IG story

Ibinahagi rin ni Jessy Mendiola ang komento ng basher na ito sa kaniyang IG story at sinabing, 

“JUST WANTED TO SHARE THIS. SANA MATIGIL NA ANG GANITONG THINKING DITO SATIN. ASAWA KO NGA HINDI NA-OFFEND EH. IKAW PA KAYA?

US MOMS ARE ALLOWED TO BE CONFIDENT AND HAPPY IN OUR OWN SKIN. LET US BE. WE CAN BE COMFORTABLE WITH OURSELVES AND BE A MOM, TOO.

Paalala ni Jessy, isa lamang ang pagiging nanay sa mga role ng babae, at ‘wag kalimutan ang sarili kahit nanay na siya. Dagdag pa rito, huwag tayong mag-body shame sa mga kapwa natin nanay. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sinulat ni

Marhiel Garrote