Vilma Santos, minsan na raw sinagip ang buhay ni Jessy Mendiola, ayon kay Luis Manzano

lead image

Sa latest vlog ni Jessy Mendiola, kasama niya sa vlog na ito ang kanyang love of her life na si Luis Manzano.

Sa naturang vlog na ito, nagbahagi ng trivia si Luis at nakwento niya na bago pa niya makilala si Jessy, una ng nakilala ng kanyang ina na si Vilma Santos-Recto ang aktres at vlogger.

Paano sinagip ni Vilma ang buhay ni Jessy Mendiola?

Noong bata pa si Jessy at ang kanyang ate na si Pam, nakasama na ng Star for All Seasons ang magkapatid na Mendiola sa isang commercial.

Kwento ni Luis, “Trivia, nung bata siya, nagkasama sila ni Mommy sa isang commercial. Sila ng ate niya, sila ni Ate Pam. Nagkasama sila sa commercial. Nasunog yung set. Niligtas sila ni Mommy."

“Three years old lang ata ako noon, karga-karga niya ako,” dagdag ni Jessy.

Patuloy ni Luis, "Sila ni Ate Pam, tapos nung nasunog nga yung set, yung stove I guess. Nilabas sila ni Mommy. Ang galing, 'di ba?"

Dagdag pa ni Luis na nauna pa raw makilala ni Vilma si Jessy bago sila nagkakilala ng nobya.

Ama nila Jessy at Luis matagal na raw magkakilala

Nagulat din sila Jessy at Luis nang malaman nilang matagal ng magkakilala ang kanilang mga ama.

Paglalahad ni Jessy, "Tiyaka yung Daddy ko pati Daddy niya, matagal ng magkakilala."

Sabay biro ni Luis, "Naging mag-on dati," sabay tawa ng dalawa.

Ani Luis, “Ganun ka-small world yung families namin. Nakakagulat din na yung dad niya at tiyaka yung dad ko, may mga common friends at nag-uusap pala sila na hindi namin alam.”

Noong taong 2016 nga nang kumpirmahin ni Jessy at Luis ang kanilang relasyon sa publiko at ngayo'y going strong pa rin ang dalawa.

 

Source: Jessy Mendiola YouTube Channel

Basahin: Celebrity moms that are sure to inspire us all

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner