Jessy Mendiola may sagot sa mga bashers niyang nagsasabing hindi makakabuti ang pag-exercise niya kung gusto niyang magkaanak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pahayag ni Jessy Mendiola tungkol sa pagkakaroon ng anak.
- Nakakasama ba talaga ang pag-exercise sa mga babaeng gustong magkaanak.
Jessy Mendiola reacts sa nagsabing hindi makakabuti ang pag-i-exercise niya kung gusto niyang magkaroon ng baby
Image from Instagram
Sa isang pinakabagong Instagram post ng aktres na si Jessy Mendiola ay makikita itong nagbubuhat ng weights habang ibinibida ang toned abs niya.
Marami sa mga fans at followers ng aktres ang napa-wow sa fit niyang katawan. Pero may ilan ang nagsabing mukhang walang balak magka-baby si Jessy dahil masyado itong dedicated sa pag-i-exercise.
View this post on Instagram
“Nag papà abs wala balak magbuntis?”
Ito ang nasabi ng isa sa kaniyang followers. Habang ang isa naman ay tila nag-aalala at sinabing makakasama ang pag-iexercise ng aktres sa kagustuhan nitong magka-baby.
“Paano ka magkakababy niyan if you always exercise?”
Ito ang sabi ni netizen. Sinagot naman ito ni Jessy na hinihingan ng paliwanag ang netizen tungkol sa nasabi nito.
“So kung nag-e-exercise hindi magkakababy? Paki-explain.”
Ito ang sagot ni Jessy.
May ilang netizens naman ang nagmagandang-loob na paliwanagan si Jessy at sinabing kung gusto niyang magbuntis ay dapat light exercises lang ang ginagawa niya. Pero muling sagot ng aktres ay 5lbs lang ang weights na binubuhat niya at hindi mabigat ito.
Masama nga ba talaga ang pag-exercise sa pagbubuntis?
Ayon sa mga eksperto, ang mga physical activity na ginagawa on a moderate level ay safe at healthy at hindi napatunayang nakakaapekto sa infertility sa isang babae.
Pero para makasigurado ay mabuting magpakonsulta muna sa doktor. Ito ay dahil ang bawat babae ay iba-iba ang health condition at may mga ehersisyo na maaring makabawas sa tiyansa niyang magdalang-tao.
Pero madalas, para sa mga babaeng may healthy na pangangatawan ang regular na pagwo-work-out ay makakatulong para maihanda ang baby-making shape nila.
Ito rin ay nakakatulong para ma-improve ang kanilang posture at mabawasan ang common discomforts na mararanasan ng babae tuwing buntis tulad ng pananakit ng likod at fatigue.
BASAHIN:
8 Household chores that count as exercise to keep you fit and productive
Ehersisyo sa buntis: Paano mag-exercise sa bawat trimester ng pagbubuntis?
Vilma Santos excited ng magkaapo kay Luis at Jessy
Image from Instagram
Samantala sa mga nauna nilang vlog episode ay naikuwento na ng mag-asawang sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang pagnanais nilang magkaanak.
Ito naman ay suportado ng star-for-all seasons at ina ni Luis na si Vilma Santos. Ready at excited na nga umano itong magkaapo na sa anak na si Luis Manzano. Pinagdadasal niya nga na sana ay mangyari na ito soon.
“Excited pero ayokong ma-pressure, ayaw ko ng tinatanong. Basta ready na ako, na-e-excite na ako magkaroon ng apo. I’m praying soon.”
Ito ang sabi ng dating aktres sa isang panayam.
Kung sakali nga raw maisakatuparan na ang hiling niyang ito, sigurado raw siyang magiging isang makulit at spoiler na lola siya. Pero hindi raw lola ang itatawag ng apo niya sa kaniya, kung hindi Momski na tulad din sa tawag sa kaniya ng anak na si Luis ngayon, ganoon din ng mga pamangkin niya.
“I am a spoiler. I will definitely be a nice lola, a makulit lola.”
“Papatawag akong Momski. Iyan ang tawag sa akin ng mga pamangkin ko, parang Lola din.”
Pagbabahagi pa ni Vilma Santos, ay napag-usapan na nila ni Luis ang tungkol sa pagkakaroon niya ng apo. Sa katunayan, nag-alala na nga raw ito na baka masyadong matuwa ang dating aktres at hindi na pauwiin ang apo sa oras na nasa kaniya.
“Sabi nga sa akin ni Lucky, ‘Mom, baka’ di mo na isauli sa amin ‘yong bata kapag natuwa ka. ‘Di puwede, Mom.’”
Ito ang natatawang kuwento pa ng dating aktres na excited ng maging lola.
Luis humihiling na sana si Jessy ang maging kamukha ng magiging anak nila
Image from Instagram
Samantala, sa isa mga vlog episodes ni Luis Manzano ay sinabing niya sana si Jessy ang maging kamukha ng magiging anak nila. Dahil kung hindi, pabirong sabi ni Luis ito umano ang gagawin niya.
“Sana talaga ‘pag baby girl, well kahit anong anak natin, sana kamukha mo. Kapag kamukha mo baby natin, for sure hindi ko papalabasin ng bahay. Kapag kamukha ko anak natin, by three years old papalayasin ko na ‘yon, bahala siya,”
Ito ang pabirong sabi ni Luis kay Jessy sa isa mga vlog episodes nila.