Jinkee Pacquiao naging emosyonal sa pag-alis ng anak na si Princess para mag-aral sa London: “A daughter is the sunshine of her mother's life.”
Ayon kay Jinkee, masakit na mawalay sa kaniya ang anak pero ito daw ang kagustuhan ni Princess ang mag-aral sa ibang bansa.
Jinkee Pacquiao ibinahaging sa ibang bansa na mag-aaral ang eldest daughter niyang si Princess sa kolehiyo.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Jinkee Pacquiao naging emosyonal sa pag-alis ng eldest daughter niyang si Princess para mag-aral sa London.
- Paano matuturuan ang anak na maging independent sa murang edad.
Jinkee Pacquiao naging emosyonal sa pag-alis ng eldest daughter niyang si Princess para mag-aral sa London
View this post on Instagram
Sa Instagram ay ibinahagi ni Jinkee Pacquiao na sa London na mag-aaral ang eldest daughter niyang si Princess. Nag-share nga rin siya ng video sa social media ng madamdaming paghatid nila sa anak sa airport. Ang isa pa niyang anak na si Queenie hindi napigilang maiyak sa pag-alis ng kaniyang ate.
“Alis na si Princess for college. Wala gyud na sila nagbulag sukad karun lang na mag eskwela na sa London si Princess. 😢😢😢 hilak pud ang inahan nag tan aw sa ilaha.”
(Aalis na si Princess for college. Hindi talaga sila nag hiwalay mula noon ngayon lang na mag aaral na sa London si Princess. Umiiyak din ako habang nakatingin sa kanila).
Ito ang sabi ni Jinkee habang tinitingnan ang dalawa niyang anak na babaeng umiiyak dahil sila ay magkakawalay na.
Si Jinkee, bagamat emosyonal rin, nabigyan ng pagkakataon ng makasama pa ng mas matagal ang anak. Dahil hanggang London ay inihatid nila ito ng mister niyang si Manny Pacquiao.
Sa salitang Bisaya ay ito ang sinabi ng emosyonal na si Jinkee Pacquiao sa pag-aaral ng eldest daughter niyang si Princess sa London.
“Nagsakit akong dughan pero mao man gyud gusto nila lahi na lugar sila eskwela. Gasulat ko sa caption na gahilak! 😢😭.”
(Masakit sa dibdib pero ito ang gusto niya nasa ibang bansa mag-aral. Umiiyak ako habag sinusulat ang caption na ito.)
May iniwan rin siyang mensahe sa anak bago ito tuluyang mag-aral sa ibang bansa.
” A daughter is the sunshine of her mother’s life. Princess, i’m proud of you. I’m so excited for everything you are about to accomplish. We love you soooo much! Believe in yourself and all that you are. Know that there is something inside you that is greater than any obstacle. ♥️”
Ito ang sabi pa ni Jinkee.
Paano matuturuan ang anak na maging independent sa murang edad
Magandang makita na lumalaking independent ang iyong anak. Pero paano ito magagawa? Narito ang maari mong gawin habang bata pa sila.
-
Hikayatin ang pagdedesisyon.
- Magbigay ng pagpipilian: Hayaan ang iyong anak na pumili sa pagitan ng dalawa o tatlong opsyon, tulad ng pagpili ng damit o kung anong meryenda ang kakainin.
- Ituro ang mga resulta: Ipaliwanag ang magiging epekto ng kanilang mga desisyon upang matutunan nilang maging responsable.
-
Magbigay ng mga gawaing angkop sa kanilang edad.
- Mga simpleng gawain: Mag-assign ng mga gawain tulad ng pagliligpit ng mga laruan, pag-aayos ng mesa, o pagtulong sa paglalaba. Ito ay magtuturo ng pananagutan.
- Sariling mga gawain sa pangangalaga: Turuan silang magbihis, mag-toothbrush, at magligpit pagkatapos kumain.
-
Lumikha ng ligtas na kapaligiran para sa pagsisiyasat
- Gawing ligtas ang paligid: Siguraduhing ligtas ang bahay upang malayang makagalaw at makagawa ng mga bagay nang walang labis na pag-aalala.
- Hikayatin ang pagiging curious: Pabayaan silang mag-explore ng mga bagong lugar o aktibidad na nag-uudyok sa kanila na umalis sa kanilang comfort zone.
-
Ipakita ang independence.
- Ipamalas ang pagresolba ng problema: Ipakita kung paano mo ginagawa ang mga pang-araw-araw na gawain at hamon, pagkatapos ay hayaan silang subukan ito nang mag-isa.
- Maging halimbawa: Hayaan silang makita ka na nagpapraktis ng sariling pangangalaga, pamamahala ng emosyon, at paggawa ng desisyon.
-
Magbigay ng positibong pampatibay.
Purihin ang pagsisikap: Bigyang pansin ang kanilang pagsisikap sa pagtapos ng isang gawain, kahit hindi perpekto.
I-celebrate ang maliliit na tagumpay: Kilalanin ang kanilang mga nagawa upang tumaas ang kanilang kumpiyansa at kagustuhang maging independent.
-
Palakasin ang kasanayan sa pagresolba ng problema.
- Magbigay ng mga gabay na tanong: Sa halip na direktang ibigay ang solusyon, tanungin sila ng “Ano sa tingin mo ang dapat mong gawin?” upang mahikayat silang mag-isip.
- Hayaan silang magkamali: Ang mga pagkakamali ay pagkakataon para matuto. Pabayaan silang matuto mula sa mga ito at hanapin ang solusyon.
-
Mag-set ng malinaw na hangganan at routine.
- Magkaroon ng rutin: Ang isang nakatakdang iskedyul ay nagtuturo sa kanila ng pamamahala ng oras at responsibilidad.
- Magbigay ng kalayaan sa loob ng mga limitasyon: Mag-set ng malinaw na patakaran ngunit bigyan sila ng kalayaang pumili sa loob ng mga nasabing limitasyon.
-
Hikayatin ang pakikisalamuha.
- Playdates at group activities: Hayaan ang iyong anak na makisalamuha sa mga kalaro para mapalakas ang kanilang social independence.
- Ituro ang pagresolba ng mga alitan: Gabayan sila sa pag-aayos ng hindi pagkakaunawaan sa mga kaibigan nang hindi palaging nakikialam.
Sa pagbibigay ng tamang balanse ng gabay at kalayaan, matutulungan mong lumaki ang iyong anak na may tiwala sa sarili at may kakayahang magdesisyon nang mag-isa.