X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Anak ni Manny Pacquiao, nagpamalas rin ng galing sa boxing

3 min read
Anak ni Manny Pacquiao, nagpamalas rin ng galing sa boxingAnak ni Manny Pacquiao, nagpamalas rin ng galing sa boxing

Susunod na kaya si Jimuel Pacquiao sa yapak ng kanyang amang si Manny Pacquiao na isang 8-division world boxing champion?

Nagpamalas ng kanyang sariling boxing moves ang panganay na anak ni Pambansang Kamao, Manny Pacquiao, na si Emmanuel Pacquiao Jr. o mas kilala bilang si Jimuel Pacquiao kamakailan sa isang unofficial match kasama ang kaniyang ka-eskuwela na si Lucas Carson.

jimuel pacquiao

Boxing match ni Jimuel Pacquiao

Tila susunod sa yapak ng kanyang ama ang 18-anyos na si Jimuel Pacquiao at suportado naman ito ng kaniyang amang si Manny. Matatandaan na sumasama rin ang mga anak ni Manny Pacquiao sa kaniyang mga training noon kaya hindi kataka-taka na maging inspirasyon siya ng kanyang mga anak.

Bago ang nasabing match laban sa kaniyang ka-eskwelang si Lucas Carson ay dumaan din si Jimuel sa basic training.

Habang nagwa-warm-up ay kausap niya ang kaniyang ama sa isang video call sa pamamagitan ng Facetime at nagbigay pa ng kaunting advice ang People's Champ sa kaniyang anak.

jimuel pacquiao

Bagaman 2 rounds lamang ang laban ay hindi nag-atubili ang batang Pacquiao na subukang pabagsakin ang kaniyang kalaban. Gaya ng kaniyang ama, naging agresibo si Jimuel sa unang round pa lamang ng boxing match.

Bago matapos ang round 1 ay napaluhod ni Jimuel Pacquiao si Lucas at tinawag itong knock down ng referee. Natapos ang 2 round at hinirang na panalo sa match si Jimuel.

Suporta ni Manny Pacquiao sa kaniyang anak

Sinabi ni Manny sa isang panayam noon na suportado niya ang pagbo-boxing ng kaniyang anak at wala umano siyang balak na pigilan ito. Hindi man naroroon si Pacquiao sa boxing match ng kaniyang anak ay pinanood naman niya ang naging performance nito sa pamamagitan rin ng Facetime.

Matapos ang laban, binati nito ang kanyang anak at sinabing proud na proud siya rito.

Sinabi naman ni Jimuel Pacquiao sa isang maiksing panayam matapos ng laban na nahirapan siya sa kaniyang kalaban na si Lucas.

"It was good. I just ran out of gas... Oh Lucas is tough," sabi ni Jimuel.

Pinuri naman siya ng kaniyang katunggali at sinabing ginawa niya ang kaniyang makakaya upang magkaroon ng magandang laban.

"Emmanuel did really good, right? I was definitely knocked so many times. It hurt a lot but I wanted to keep going and have a good match in the end," sabi ni Lucas Carson.

 

Narito ang video mula sa Facebook page ng isang promoter:

Partner Stories
5 common culprits to a smelly bathroom and how to prevent them
5 common culprits to a smelly bathroom and how to prevent them
The Philippines has not been spared from this silent global pandemic
The Philippines has not been spared from this silent global pandemic
J&J Philippines marks 65th year in PH with nationwide care initiatives
J&J Philippines marks 65th year in PH with nationwide care initiatives
Turn your good buys into best buys with PayMaya this PayDay
Turn your good buys into best buys with PayMaya this PayDay

www.facebook.com/1989454297970434/videos/245933506326524/

Source: Inquirer, GMA News Online, Joven Sports Promotions, ABS-CBN

Images: Screenshots from Joven Sports Promotions' video

BASAHIN: WATCH: Jinkee Pacquiao proves she has moves in the boxing ring too!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Yddette Civ Alonzo-Cruz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Anak ni Manny Pacquiao, nagpamalas rin ng galing sa boxing
Share:
  • Balik sa pagiging estudyante ang Filipino boxing champ na si Senator Manny Pacquiao

    Balik sa pagiging estudyante ang Filipino boxing champ na si Senator Manny Pacquiao

  • Luxury bikes? Silipin ang Hermes at LV custom bikes ng Pacquiao family!

    Luxury bikes? Silipin ang Hermes at LV custom bikes ng Pacquiao family!

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • Balik sa pagiging estudyante ang Filipino boxing champ na si Senator Manny Pacquiao

    Balik sa pagiging estudyante ang Filipino boxing champ na si Senator Manny Pacquiao

  • Luxury bikes? Silipin ang Hermes at LV custom bikes ng Pacquiao family!

    Luxury bikes? Silipin ang Hermes at LV custom bikes ng Pacquiao family!

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.