Jodi Sta. Maria, dean's lister at malapit nang magtapos ng college

Nakasali muli sa dean's list si Jodi Sta. Maria dahil sa kaniyang nakuhang mataas na marka sa kursong Psychology. Nakatakdang matapos siya ng pag-aaral ngayong 2019.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masayang iniulat ni Jodi Sta. Maria na nakasali ulit siya sa Dean’s List dahil sa kaniyang 3.818 na grado. Kasalukuyang tinatapos ng aktres ang kursong Psychology sa Southville International School and Colleges. Siya ay takdang mag-graduate ngayong taon.

Dr. Jodi Sta. Maria?

Sa kaniyang previous interviews, sinabi ng aktres na dream niya talagang maging duktor kaya’t kumuha siya ng pre-medicine na course.

“It’s something na hindi ko nagawa ng deretso kasi. I graduated high school 2010. And now, I’m pursuing another course and hopefully in two and a half years, matapos ko siya,” pahayag ni Jodi Sta. Maria sa panayam niya sa Inquirer.

Sinabi rin nito na gusto niyang maging magandang ehemplo sa anak niyang si Thirdy Lacson kaya’t nagpupursige siyang makatapos.

Ngunit sa kaniyang latest vlog, tila isasantabi muna ni Jodi ang pagkuha ng medicine dahil gusto raw niyang ituloy sa master’s ang kaniyang pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagaman hindi pa siya magiging opisyal na duktor, isa pa rin manggagamot kung maituturing si Jodi Sta. Maria. Recently, nag-aral at nakakuha siya ng certification sa pag-practice ng acupuncture—isang form ng Eastern medicine na gumagamit ng needles para sa mga pressure points ng katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod sa pag-aaral, tuloy pa rin si Jodi sa pag-arte. Parte siya ng bagong soap opera, ang Mea Culpa, na magsisimula ngayong Pebrero.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Sources: Inquirer, Push

Basahin: Jodi Sta.Maria embraces being a “stepmom”