LOOK: Jodi Sta. Maria present sa binyag ng baby ng kaniyang ex-husband at Iwa Moto

Iwa at Jodi kitang-kita ang closeness sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Jodi Sta Maria dumalo sa binyag ng anak ng dating mister na si Pampi Lacson at current partner nitong si Iwa Moto.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pagiging ninang ni Jodi Sta Maria sa anak nina Pampi Lacson at Iwa Moto
  • Pagkakaibigan nina Jodi at Iwa

Pagiging ninang ni Jodi Sta Maria sa anak nina Pampi Lacson at Iwa Moto

Bininyagan nitong Biyernes, July 8 ang bunsong anak nila Iwa Moto at Pampi Lacson na si Caleb Jiro o CJ. Ang mga larawan sa binyag ng anak ay ibinahagi ni Iwa sa kaniyang Instagram account. Si Iwa may hiling sa Diyos para sa kapakanan ng anak.

“Dear Lord, please keep this son of yours safe, happy and surrounded with love. Guide him every step with your wisdom and your grace.”

Pero maliban sa kuha ng happy family nila ni Pampi, umagaw sa pansin ng mga netizens ang presence ng aktres na si Jodi Sta. Maria na mukhang isa sa mga ninang ng kaniyang anak. Dahil si Iwa, sa parehong post ay nagpasalamat sa mga ninong at ninang ng anak na dumalo sa binyag nito.

“Thank you ninong and ninangs!!! We love you!!”

Si Iwa sinabi pang napakaswerte ng kaniyang anak dahil sa napapaligiran siya ng mga taong nagmamahal sa kaniya.

“Cj you are lucky that you are surrounded with people that loves you so much. Anak alam mong mahal na mahal ka namin. And we will always be here for you.”

Ito ang sabi pa ni Iwa sa post tungkol sa birthday ng anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Iwa Moto

Pagkakaibigan ni Jodi Sta Maria at Iwa Moto

Samantala, nag-share ang Nice Print Photo, ang official photographer sa ginanap na binyag ng anak ni Iwa ng mga larawan sa naganap na event. Doon ay may isang larawan na makikitang yakap-yakap sa bewang ni Iwa si Jodi.

Larawan mula sa Instagram account ng Nice Print Photo

Isa pang patunay ng closeness nila ay ang comment ni Iwa sa latest IG post ni Jodi Sta. Maria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nag-post naman si Jodi Sta. Maria ng larawan nila ng anak niyang si Thirdy. Ito ang naging bunga ng pagmamahalan at pagsasama nila ng dating mister na si Pampi Lacson. Doon ay sinabi ng aktres ang sampung rason kung bakit mahalaga ang pagbiyahe. Si Iwa Moto nag-komento agad sa post na ito ni Jodi.

"Sana lumaki na CJ para kasama natin siya!!!!"

Naging magulo man ang nakaraan ni Iwa at Jodi, sa pagdaan ng panahon ay nakapagpatawaran na sila at naging maayos ang relasyon sa isa’t isa.

Matatandaang taong 2010 noong magsimula ang ingay sa pagitan nila Jodi, Pampi at Iwa. Nagkaroon ng sumbatan ang dalawa dahil nga si Jodi ang dating misis ni Pampi. Habang si Iwa naman ang bagong inibig ng ex-husband ni Jodi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taong 2011 nang tuluyang maghiwalay sina Pampi at Jodi. Makalipas ang dalawang taon ay sinimulang iproseso ang annulment ng kanilang kasal.

Sa ngayon, matapos ang ilang taon ay nagkapatawaran na sina Iwa, Jodi at Pampi. Makikita nga ito sa mga biruan nila sa social media. Ganoon rin sa mga larawan online na makikita silang nagbo-bonding at masaya kasama si Thirdy na binata na ngayon.

Ang modern at unconventional family set-up na nito ng pamilya ni Jodi Sta. Maria at dating mister na si Pampi Lacson ang hinahangaan ng karamihan. Si Pampi ay may dalawa ng anak again sa kinakasamang aktres na si Iwa Moto. Sa kanilang bahay ay doon rin nakatira ang anak nina Pampi at Jodi na si Thirdy.

Jodi Sta. Maria at anak niyang si Thirdy

Larawan mula sa Instagram account ni Jodi Sta. Maria

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kaniyang 40th birthday si Jodi Sta. Maria. Ito ay ipinagdiwang niya sa pamamagitan ng pag-travel sa Europa kasama ang anak niyang si Thirdy. Minsan ng sinabi ni Jodi na ang anak niyang si Thirdy ang favorite niyang travel buddy. Ito ay nang pumasyal sila sa Amsterdam na kung saan makikitang nag-enjoy silang mag-ina.

“I do believe it’s time for another adventure with my favorite travel buddy.”

Ito ang sabi noon ni Jodi tampok ang larawan nilang dalawa ni Thirdy.

Pagdating nga sa pagdiskubre ng iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at mundo, hindi nawawala sa tabi ng aktres na si Jodi Sta. Maria ang anak niyang si Thirdy.

Sa kaniyang mga nauna ng Instagram post ay paulit-ulit niyang sinasabi na walang kasing saya na makasama ang anak sa mga travel adventures niyang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement