Joel Cruz as a single father to 8 children, mahirap umano pero sobra niyang nai-enjoy.
Mababasa sa artikulong ito:
- Joel Cruz as a father to his 8 children.
- Magkano ginastos ni Joel Cruz para magkaroon ng 8 anak.
Joel Cruz as a father to his 8 children
Maliban sa kaniyang mga successful na negosyo, nakilala rin si Joel Cruz sa pagkakaroon ng 8 anak. Mga anak na talaga namang ginastusan niya at minahal ng pantay-pantay kahit siya lang ang tumatayong parehong ama at ina sa mga ito.
Sa pinakabagong vlog episode ng batikang news anchor at host na si Karen Davila ay pinasyalan niya ang mansyon ni Joel Cruz. Doon ay sama-samang nakatira ang walong anak ni Joel Cruz na binubuo ng tatlong set ng twins at dalawang lalaki.
Sa pagbisita ni Karen Davila ay nakapanayam niya si Joel Cruz at natanong sa kung paano nito pinalalaki ang 8 anak bilang isang single father.
Ayon kay Joel, mahirap magpalaki ng walong anak. Ito ay malaking responsibilidad lalo na’t hindi lang basta ama ang role niya para sa kanila.
“As a single father, it is a big responsibility para sa akin kasi I have to do two things, the mother and the father. And they are 8 so mahirap”, sabi ni Joel.
Sa kabila nito, pagbabahagi ni Joel napakasaya niya na magkaroon ng maraming anak. Ito raw ang dream niya noong una pa lamang. Dahil bilang isang gay, sabi ni Joel ay hindi niya kaya magkaroon ng partner na babae. Isang katotohanan sa buhay niya na hindi niya itinatago sa kaniyang mga anak.
“They main reason that I love to have children, hindi ko kaya na may partner kasi. They know I am not a straight guy.”
Umabot sa halos P60 million ang gastos ni Joel Cruz sa walo niyang anak
Joel Cruz children/ Image from Joel Cruz’s Facebook account
Kaya naman para maisakatuparan ang pangarap niyang magkaanak ay talagang gumastos si Joel Cruz. Sa walo niyang anak ay umabot nga daw sa halos 60 million ang gastos niya. Dahil sa ang mga ito ay ipinagbuntis at ipinanganak sa Russia sa tulong ng IVF at surrogacy.
“Sa isang set ng twins umabot ako ng 12 million kasama na ang pamasahe ko, eroplano, hotel. Tapos deposit kasi is 6 million plus the COVID test.
Minsan kasi kapag nilagay sa surrogate mother minsan hindi kumakapit so you need to try again, ‘yong treatment may bayad yun. So all in all sa isang set umabot ng 12 million.”
BASAHIN:
Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak
Ano ang gestational surrogacy? Ang lahat ng dapat mong malaman
Ina ng mga anak ni Joel Cruz
Image screenshot from YouTube video
Dagdag pa ni Joel Cruz, wala daw siyang itinatago sa kaniyang mga anak. Alam umano ng mga ito ang tungkol sa kanilang ina na si Lilia, isang Russian.
Siya ang biological mother o nag-iisang egg donor ng walo niyang anak. Bagama’t ang anim sa mga ito ay dinala na ng apat na iba’t-ibang surrogate mother.
“I am telling them that their mom, she has a family. She has a daughter. I really have to be honest.”
“Ako, definitely wala akong itatago sa kanila. Kasi lahat naman ng lihim nabubunyag din.”
Kuwento pa ni Joel, si Lilia ang napili niyang maging biological mother ng kaniyang mga anak, dahil sa good looks at height nito.
“Lilia is 5’10 or 5’11 in height. So para tumaas naman at huwag magmana sa akin na maliit.”
“Siya ang biological mother, ako ‘yong biological father, kaya lahat sila magkakapatid.”
Image screenshot from YouTube video
Joel Cruz nais na mag-concentrate sa mga anak at isinantabi muna ang love life
Sa ngayon, sabi ni Joel Cruz nag-ienjoy siya na maging ama sa walo niyang anak. Sa katunayan ay wala nga daw siya ngayong ka-relasyon o partner para makapag-concentrate sa pagpapalaki sa kanila.
“I am really enjoying my children. Medyo mahirap kasi pagsabayin yun. Mahira siya lalo na yung i-explain din sa mga bata.”
Ito ang nasabi ni Joel Cruz sa kung bakit mas pinili niyang maging single father sa mga anak.
Si Joel Cruz ay may 8 walong anak. Ito ay binubuo ng tatlong set ng twins at dalawang lalaki. Ang una ay kambal na lalaki at babae na sina Princess at Prince, 9 yo . Sumunod ay kambal na lalaki na sina Harry at Harvey, 6 yo, kambal na babae at lalaki na sina Charlotte at Charles, 4yo. Sinundan ito ng pang-pito na si Zaid, 3yo at pang-walong si Ziv, 2yo.