X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak

6 min read
Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anakMagkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak

Milyones man ang gastos niya, Joel Cruz walang panghihinayang dahil very happy siyang maging ama sa 8 anak niya.

Joel Cruz kids na lahat ay produkto ng surrogacy, halos umabot umano ng P50 million ang gastos. Ganoon pa man, Joel Cruz sinabing masayang-masaya siya na maging ama sa 8 niyang anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Surrogacy journey ni Joel Cruz sa kaniyang walong anak.
  • Ano ang surrogacy?

Joel Cruz kids and surrogacy

joel cruz kids

Joel Cruz kids, Prince Harry and Princess Synne/ Image from YouTube video

Kilala si Joel Cruz bilang isang successful entrepreneur dito sa Pilipinas. Pero noong 2012 ay mas naging matunog ang pangalan niya ng proud niyang ipakilala ang kaniyang mga twins na sina Prince Harry and Princess Synne.

Ang kambal ay anak ni Joel Cruz na produkto umano ng surrogacy na kaniyang ginawa sa Russia. Si Prince at Princess ngayon ay nagkaroon pa ng mga kapatid. Sa kabuuan sila ay walo na. Tatlong set ng kambal at dalawang boys na solo o nag-iisa ng ipinanganak.

Kuwento ni Joel Cruz, pangarap niya ang magkaanak kaya naman ginawa niya ang lahat upang ito ay matupad.

“Okay ang adaption pero ayoko talaga ng adaption. Gusto ko sarili kong anak kaya pinilit ko na pero hindi ko naman kaya ng may babae. Kaya naghanap ako ng surrogacy.”

Ito ang pahayag ni Joel Cruz sa isang panayam sa kaniya ni Ogie Diaz na tampok sa pinakabagong vlog post nito.

Joel Cruz: “I believe na kaya kong maging isang ama.”

Pagbabahagi pa ni Joel Cruz, bago niya subukan sa ibang bansa, sinubukan niya ring gawin ang surrogacy dito sa Pilipinas. Pero ito ay hindi nag-materialize, dagdag pa na itinuturing itong illegal sa ating bansa.

Kaya naman pumunta siya sa Russia at doon nagbakasakali. Bagama't kuwento niya, ang surrogacy journey niya ay hindi naging madali. Higit sa lahat ay magastos ito.

“Bago iyon they have to interview me kung bakit gusto ko talagang mag-anak. Sinasabi ko talaga na noon pa 25 years ago, gusto ko talaga magka-anak.

Unfortunately hindi talaga mag-materialize. Marami akong pamangkin na minahal ko at inalagaan ko rin and I believe na kaya kong maging isang ama.”

Kahit umano sa pagpili ng magiging mommy ng anak niya ay hindi naging madali para kay Joel Cruz. Bagama't bago pa man ibigay sa kaniya ang kaniyang mga options ay sinala na ito at nakapasa na sa qualifications ng firm na tumutulong sa surrogacy procedure na pinagdaanan niya.

Iisa ang egg donor ng 8 anak ni Joel Cruz

joel cruz kids

Joel Cruz kids egg donor Lilia/ / Image from YouTube video

Suwerte nga lang umano ni Joel na ang unang egg donor at surrogate mother na napili niyang nagngangalang Lilia ay naging kaibigan niya.

Kaya naman si Lilia ang naging egg donor ng lahat ng kaniyang mga anak. Bagama't matapos ang first set ng twins nila ay inilagay na ang embryo niya sa ibang surrogate mother. Dahil sa ito ay hindi kumakapit sa kaniya at kailangan na ng mas batang surrogate na ina.

“Napili ko siya kasi matangkad siya parang 5'11 ang height. Maganda siya parang Julia Roberts ang mukha niya, smart at mayroon siyang isang daughter.”

Ito ang paglalarawan ni Joel Cruz sa egg donor ng lahat ng kaniyang 8 anak na si Lilia.

Hanggang sa ngayon ay nag-uusap pa rin sina Joel Cruz at Lilia. Sa katunayan ay pupunta umano sana ito dito sa Pilipinas kaso naantala lang dahil sa COVID-19 pandemic.

“Maganda kasi iyong relationship namin ni Lilia. I am very very thankful sa kaniya kasi sa kaniya lahat ng egg cells tapos siya iyong nag-aalaga. So nakita ko kung paano siya nag-alaga talaga.”

Ito ang kuwento pa ni Joel Cruz tungkol kay Lilia.

BASAHIN:

Gestational surrogacy: Paano nakakatulong ang prosesong ito sa mga gustong magkaanaak

Unusual conditions: When a woman’s uterus never develops due to MRKH Syndrome

#AskDok: Paano mabuntis kahit may PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome)?

Inabot ng halos sa 50 miliion ang gastos ni Joel Cruz sa surrogacy

Pagdating sa gastos ay hindi umano biro ang kailangang ilabas ni Joel Cruz na pera para magkaanak. Dahil sa kabuuan sa walo niyang mga anak ay umabot halos sa P50 million ang nagastos niya.

“Iyong unang set ko, kanila Prince at Princess lahat-lahat noon kasama gastos ko ng eroplano, hotel accomodation ko doon, lahat ng mga test umabot ako ng 12 million pesos. Saka inaabutan ko rin si Lilia, kumbaga may personal money binibigyan ko siya.”

“Alam ko medyo mas less sa pangalawa parang 11 million siya (twins, boy at girl), nasa 11 million sa 3rd set (twins, parehong boys). At sa dalawang single single (parehong boys) 9 million each.”

Sa kabila nito ay very happy siyang maging ama sa 8 anak niya

joel cruz kids

Pero ganito man kalaki ang gastos niya, para kay Joel ito ay balewala dahil masayang masaya siyang maging ama sa walong anak niya. Siyempre, ginagawa niya ang lahat upang mabigyan ng pantay na pagmamahal ang lahat sa kanila.

“Minsan alam naman nila iyong give and take. Minsan alam naman nila na iyong isa muna o iyong dalawa muna.

Lahat naman nai-embrace kong lahat. Lahat nagbibigyan ko ng pagmamahal. Ramdam nila iyon na mahal na mahal ko sila.

Kapag nakita lang nila ako nagsisigawan na sila ng Daddy! Daddy! And they are so excited to see me, na mag-mano yakapin ka. Napakasarap ng pakiramdam na sana huwag mawawala iyong ganitong pagsasama namin.”

Maliban dito ay may isang wish pa si Joel para sa mga anak niya. Ito ay ang sana tularan siya ng mga ito at maging inspirasyon rin sa iba.

“Gusto ko maging successful din sila tulad ng Daddy nila. Sana ganoon rin sila paglaki nila sana makapag-inspire rin sila ng ibang tao.”

Ito ang pahayag pa ni Joel Cruz.

Ano ang surrogacy?

Ang surrogacy ay ang method na kung saan gumagamit ng gestational surrogate o surrogate mother ang isang mag-asawa o gustong maging magulang para magdala ng kanilang magiging anak.

Madalas, ang surrogate mother ay nagbubuntis lang ng sanggol na mula sa pinagsamang egg cells at sperm ng mga magulang na hindi kayang gawing possible ang pagbubuntis.

Ang method na ito ay hindi legal na ginagawa dito sa Pilipinas. Bagama't may mga bansa tulad ng US at Russia na maaring puntahan ng mga Pilipinong mag-asawa na gusto itong subukan.

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Source:

Circle Surrogacy, Ogie Diaz YouTube channel,

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak
Share:
  • LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

    LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

  • Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

    Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

    LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

app info
get app banner
  • LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

    LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

  • Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

    Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

    LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.