John Lloyd Cruz doble ang ibinibigay na financial support sa anak na si Elias. Ellen Adarna tinatanggihan ang sobrang ibinibigay na pera ni John Lloyd para sa anak. Ito ang dahilan ni Ellen kung bakit.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ibinibigay na financial support ni John Lloyd Cruz sa anak na si Elias.
- Ellen Adarna tinatanggihan ang sobrang perang ibinibigay ni John Lloyd para sa anak.
Ibinibigay na financial support ni John Lloyd Cruz sa anak na si Elias
Hindi na pinalagpas pa ng sexy celebrity mom na si Ellen Adarna na sagutin ang tanong kung nagbibigay ba ng financial support si John Lloyd Cruz sa anak nilang si Elias. Si Ellen deretso ang naging sagot sa isang Instagram Q&A session tungkol dito na ayon sa kaniya ay marami ng beses na naitanong sa kaniya.
Sagot ni Ellen sa tanong ay oo. Sa katunayan pa nga daw ay doble pa ang ibinibigay ni John Lloyd na financial support kay Elias kumpara sa kailangan nito.
Okay, I’m going to answer this because I get this a lot. Yes, he does. When he asked me, how much Elias needs, I gave him a breakdown of his basic needs, just his basic needs, and that’s 10,000 pesos max. But he insisted on doubling it.”
Ito ang sagot ni Ellen.
Ellen Adarna tinatanggihan ang sobrang perang ibinibigay ni John Lloyd para sa anak
Larawan mula sa Instagram account ni John Lloyd Cruz
Pagpapatuloy pa ni Ellen, P20,000 daw sa ngayon ang maximum na tinatanggap niya mula kay John Lloyd kada buwan para sa anak na si Elias. Bagamat alam niyang mas malaki pa ang kayang ibigay ni John Lloyd sa anak ay tinatanggihan niya ito. Ito ang paliwanag ni Ellen kung bakit.
“I know he’s more than capable of giving more than that, but I told him I cannot accept anything more than PHP20,000, and that’s it. I also have, because we are co-parenting, I have my obligations and responsibilities for Elias, so it’s just fair. So, there. Anything more than PHP20,000 for me is just not right, morally not right, because he’s not schooling yet. He hasn’t started school, so that’s just basic needs.”
Ito ang sabi pa ni Ellen.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!