X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: "Finally, she found the one"

4 min read
John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: "Finally, she found the one"

May mensahe rin si John Lloyd para sa bagong kasal!

John Lloyd Cruz nagkuwento ng buhay niya ngayon sa KMJS!

Mababasa sa artikulong ito:

  • John Lloyd Cruz KMJS guesting.
  • Message to John Lloyd para ex na si Ellen Adarna at mister na nito ngayong si Derek Ramsay.

John Lloyd Cruz KMJS guesting

Nitong linggo, November 21, ay nai-guest ng beteranong TV reporter at host na si Jessica Soho ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa kaniyang programang KMJS sa GMA.

Nagpunta sila sa masasabing pangalawang tahanan ngayon ng aktor. Kung saan pinili niyang manirahan noong mga panahong nawala siya sa limelight ng pag-aartista, ang El Nido, Palawan.

Sa nasabing lugar ay sinubukan nina Jessica at John Lloyd ang ilan sa mga must-do activities sa El Nido. Siyempre hindi rin mawawala ang one-on-one interview na kung saan naglabas ng kaniyang saloobin si John Lloyd sa mga pangyayri na may kaugnayan sa buhay niya.

Partikular na dito ang pagpapakasal ng kaniyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna sa aktor na si Derek Ramsay. Si Ellen ay ang ina rin ng tatlong taong anak ni John Lloyd na si Elias.

Naging matipid man ang sagot ni John Lloyd tungkol sa kaniyang reaksyon sa naging pagpapakasal ni Ellen, ayon sa aktor ay masaya siya na nakita na ni Ellen ang kaniyang “the one”.

“Finally, she found the one. I have to put it in context and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at natatapos sa anak namin ‘yong aking masasabi patungkol sa kaniya o sa buhay niya.”

Advertisement

Ito ang nasabi ni John Lloyd na may pahabol ring mensahe para kay Ellen at sa mister na nito ngayong si Derek Ramsay.

“Sincerely I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital ‘yon sa welfare at sa growth ng anak ko.”

John Lloyd Cruz KMJS

Image from Ellen Adarna’s Instagram account

John Lloyd Cruz as a father to son Elias

Dahil nabanggit ang kaniyang anak na si Elias, ay natanong rin si John Lloyd ni Jessica kung kumusta siya bilang ama. Ang sagot ng aktor ay “Sana may kuwenta.”

Pag-amin ng aktor ay nag-struggle siya sa pagiging ama kay Elias. Pero lahat naman umano ay ginagawa niya para magampanan ang role niya sa anak.

“Sabi nung katuwang ko sa na nag-aalaga sa kaniya, si Ate Sol na tawag niya ay nanay niya pinapakinggan naman daw ako ng bata.

I tried my best to lead without imposing as much as possible. I tried to bring him closer with nature kung saan may alon. Mahilig siya sa animals.”

Ito ang nasabi ni John Lloyd tungkol sa anak na si Elias.

Sa isang hiwalay na panayam, nauna na ring sinabi ni John Lloyd na perfect timing ang pagdating ng anak na si Elias sa buhay niya. At nais niyang maging klase ng ama na hindi didiktahan ang anak sa mga gusto nito.

“As a father ako, simple lang I guess I want to lead without imposing. Dito lang ako on the side I’m not gonna dictate on you. If anything, ‘yon ‘yong gusto kong ma-hone niya I want him to think for himself.”

“Gusto ko lang makita niya and hindi mawala sa kanya na ‘yong timing niya sa buhay ko napakaganda!”

John Lloyd Cruz KMJS

Image from John Lloyd Cruz Instagram account

BASAHIN:

Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: “There’s no perfect person—it’s just the one that I choose”

6 co-parenting tips para sa mga mag-ex

LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz relationship

john lloyd cruz attends hearing

Image courtesy: Ellen Adarna Instagram account

Nito lamang Hunyo 2, 2021 ay ganap ng nag-tatlong taong gulang ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias. Ito ay magkahiwalay nilang ipinagdiwang kasama ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Matatandaang 2017 ng mapabalitang may relasyon sina Ellen at John Lloyd. Sinundan ito ng pagkawala ng aktor sa mukha ng telebisyon.

Sa pagdaan ng buwan at taon, napabalitang sila’y may anak na ngunit nanatiling tikom ang bibig nila ukol dito. Pati ang pagbabahagi ng mga larawan ni Elias noon ay pinipili nilang limitahan.

Hanggang sa nitong 2019 ay nabalitang naghiwalay na si Ellen at John Lloyd. Muling nagpakita si John Lloyd sa publiko at unti-unting bumabalik na ngayon sa pag-aartista.

Kasabay nito ang proud niya ring pagbabahagi ng mga moments kasama ang anak niyang si Elias na pinapalaki nila ngayon ni Ellen sa pamamagitan ng co-parenting set-up na napagkasunduan nila.

Nito nga lang November 11 ay ikinasal ang aktres na si Ellen Adarna sa aktor na si Derek Ramsay.

Source:

KMJS

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: "Finally, she found the one"
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko