John Lloyd Cruz sa kasal ni Ellen at Derek: "Finally, she found the one"

May mensahe rin si John Lloyd para sa bagong kasal!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

John Lloyd Cruz nagkuwento ng buhay niya ngayon sa KMJS!

Mababasa sa artikulong ito:

  • John Lloyd Cruz KMJS guesting.
  • Message to John Lloyd para ex na si Ellen Adarna at mister na nito ngayong si Derek Ramsay.

John Lloyd Cruz KMJS guesting

Nitong linggo, November 21, ay nai-guest ng beteranong TV reporter at host na si Jessica Soho ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa kaniyang programang KMJS sa GMA.

Nagpunta sila sa masasabing pangalawang tahanan ngayon ng aktor. Kung saan pinili niyang manirahan noong mga panahong nawala siya sa limelight ng pag-aartista, ang El Nido, Palawan.

Sa nasabing lugar ay sinubukan nina Jessica at John Lloyd ang ilan sa mga must-do activities sa El Nido. Siyempre hindi rin mawawala ang one-on-one interview na kung saan naglabas ng kaniyang saloobin si John Lloyd sa mga pangyayri na may kaugnayan sa buhay niya.

Partikular na dito ang pagpapakasal ng kaniyang ex-girlfriend na si Ellen Adarna sa aktor na si Derek Ramsay. Si Ellen ay ang ina rin ng tatlong taong anak ni John Lloyd na si Elias.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naging matipid man ang sagot ni John Lloyd tungkol sa kaniyang reaksyon sa naging pagpapakasal ni Ellen, ayon sa aktor ay masaya siya na nakita na ni Ellen ang kaniyang “the one”.

“Finally, she found the one. I have to put it in context and I have to be very careful because that’s her life. Nagsisimula at natatapos sa anak namin 'yong aking masasabi patungkol sa kaniya o sa buhay niya.”

Ito ang nasabi ni John Lloyd na may pahabol ring mensahe para kay Ellen at sa mister na nito ngayong si Derek Ramsay.

“Sincerely I wish her all the happiness in the world. And I wish them both a strong and fun marriage. Kasi vital 'yon sa welfare at sa growth ng anak ko.”

Image from Ellen Adarna's Instagram account

John Lloyd Cruz as a father to son Elias

Dahil nabanggit ang kaniyang anak na si Elias, ay natanong rin si John Lloyd ni Jessica kung kumusta siya bilang ama. Ang sagot ng aktor ay "Sana may kuwenta."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-amin ng aktor ay nag-struggle siya sa pagiging ama kay Elias. Pero lahat naman umano ay ginagawa niya para magampanan ang role niya sa anak.

“Sabi nung katuwang ko sa na nag-aalaga sa kaniya, si Ate Sol na tawag niya ay nanay niya pinapakinggan naman daw ako ng bata.

I tried my best to lead without imposing as much as possible. I tried to bring him closer with nature kung saan may alon. Mahilig siya sa animals.”

Ito ang nasabi ni John Lloyd tungkol sa anak na si Elias.

Sa isang hiwalay na panayam, nauna na ring sinabi ni John Lloyd na perfect timing ang pagdating ng anak na si Elias sa buhay niya. At nais niyang maging klase ng ama na hindi didiktahan ang anak sa mga gusto nito.

“As a father ako, simple lang I guess I want to lead without imposing. Dito lang ako on the side I’m not gonna dictate on you. If anything, 'yon 'yong gusto kong ma-hone niya I want him to think for himself.”

“Gusto ko lang makita niya and hindi mawala sa kanya na 'yong timing niya sa buhay ko napakaganda!”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from John Lloyd Cruz Instagram account

BASAHIN:

Ellen Adarna on husband Derek Ramsay: “There’s no perfect person—it’s just the one that I choose”

6 co-parenting tips para sa mga mag-ex

LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz relationship

Image courtesy: Ellen Adarna Instagram account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nito lamang Hunyo 2, 2021 ay ganap ng nag-tatlong taong gulang ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na si Elias. Ito ay magkahiwalay nilang ipinagdiwang kasama ang kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Matatandaang 2017 ng mapabalitang may relasyon sina Ellen at John Lloyd. Sinundan ito ng pagkawala ng aktor sa mukha ng telebisyon.

Sa pagdaan ng buwan at taon, napabalitang sila'y may anak na ngunit nanatiling tikom ang bibig nila ukol dito. Pati ang pagbabahagi ng mga larawan ni Elias noon ay pinipili nilang limitahan.

Hanggang sa nitong 2019 ay nabalitang naghiwalay na si Ellen at John Lloyd. Muling nagpakita si John Lloyd sa publiko at unti-unting bumabalik na ngayon sa pag-aartista.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kasabay nito ang proud niya ring pagbabahagi ng mga moments kasama ang anak niyang si Elias na pinapalaki nila ngayon ni Ellen sa pamamagitan ng co-parenting set-up na napagkasunduan nila.

Nito nga lang November 11 ay ikinasal ang aktres na si Ellen Adarna sa aktor na si Derek Ramsay.

Source:

KMJS