John Lloyd Cruz sa pag-handle ng mental health: "It’s important to go back and find your center."

Paano nag-comeup si John Lloyd at Ellen Adarna sa maayos na co-parenting set-up para sa anak na si Elias? Ito daw ang sikreto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Aktor na si John Lloyd Cruz ibinahagi kung paano niya inaalagaan ang kaniyang mental health at paano siya bilang ama sa anak na si Elias.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Paano inaalagaan ni John Lloyd Cruz ang kaniyang mental health.
  • Si John Lloyd Cruz bilang ama sa anak na si Elias.

Paano inaalagaan ni John Lloyd Cruz ang kaniyang mental health

Larawan mula sa Facebook account ni John Lloyd Cruz

Mahalaga ang paghinto at pagpapahinga. Ito umano ang number one na ina-aapply ng aktor na si John Lloyd Cruz para masigurong nasa ayos ang mental health niya.

Sa ultimate comeback ng aktor at celebration niya bilang celebrity endorser ng gamot na Biogesic for 15 years ay ibinahagi niya kung paano niya inalaagaan ang kaniyang sarili.

Ayon kay John Lloyd, ang pag-aalaga sa kaniyang mental health sa ngayon ay natutunan niya in a hard way. Sa katunayan ay na-take for granted niya raw ito noong una. Kaya naman ngayon ay pinapahalagahan niya na ito sa ganitong paraan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“There are more challenging days than the rest of the days. It’s important to go back and find your center. You start internally kung nakuha mo siya wala ka nang aalagaan for the rest of the day.”

“It’s important to be active especially the first two hours upon waking up. ‘Yong mga ganoong habits very elemental sa well-being natin.

For the longest time I’ve been taking for granted ‘yong internal care pero na-realize ko ang laki nung impact niya kung magagawa mo siya, mape-preserve mo siya at maging habit mo siya.”

Ito ang kuwento ng aktor kung paano niya hina-handle ang mental stress.

Dagdag pa niya, mahalaga rin daw ang saglit na pagbe-break sa mga bagay na iyong ginagawa. Dahil sa ganitong paraan ay nare-realize mo ang importance ng mga bagay sa paligid mo at kung paano ka mag-rereact sa mga nangyayari sa paligid mo.

“Mental stress siguro always take a beat, parang manahimik ka muna. Re-assess kung ano man ‘yong nasa harap mo. It’s very important. I had to learned it that the hard way.

Nung nagkaroon ako ng time to take a pause, isa ‘yon sa natutunan ko. ‘Yong importance ng silence, taking a beat ‘pag merong nasa harap mo na medyo overwhelming. 

‘Yong very brief moment na ‘yon before you say anything that’s the most crucial moment kung hindi mo siya babantayan.”

Ito ang sabi ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni John Lloyd Cruz

Mahalaga rin daw siyempre ang pag-aalaga rin sa ating physical health. Sa mga tulad ni John Lloyd nga na laging humaharap sa publiko at puhunan ang kaniyang good looks napakahalaga ang pagpapahinga bilang paraan ng pag-aalaga sa sarili.

“Kung ‘yong machine bumibigay so ‘yong katawan din natin. It’s important how we restore our energies, napalaking bagay especially if you represent yourself on a regular basis to a lot of people. Importante how you take care of yourself physically.”

“Kung wala kang tulog wag ka mag-eexpect na hindi ka magiging crumpy o hindi ka mukhang pagod o puyat.”

Ito ang sabi pa ng aktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si John Lloyd Cruz bilang ama sa anak na si Elias

Sa parehong event ay ibinahagi rin ng aktor sa isang hiwalay na panayam kung paano siya bilang ama sa anak na si Elias.

Tumatak sa marami ang bilin ni John Lloyd Cruz na “Ingat” sa kaniyang Biogesic commercial. Sa ngayon kung mayroong tao daw siyang laging sinasabihan nito ay walang iba kung hindi si Elias. Pero giit ng aktor hangga’t maaari ay ayaw niyang pinipigilan ang anak. Dahil gusto niyang matuto ito sa mga experience na nararanasan.

“I tend to say ingat kay Elias sa anak ko. Pero tingin ko in essence mas magiging maingat siya kapag ka hinayaan mo.”

“Kailangan mong i-respeto ‘yong opportunity niya to learn. Kailangan maging sensitive tayo dun sa totoong kailangan ng bata hindi lang ‘yong pinakamadali o convenient for us. Kasi ang dali lang salpakan niya na o ito ipad para tumahimik ka dyan pero ‘yon ba talaga kailangan nila?”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni John Lloyd Cruz

Si John Lloyd hinahayaan lang daw na maging free si Elias sa mga gusto niyang gawin. Habang itinuturo dito siyempre ang pagpapakita rin ng respeto sa mga bagay at tao sa paligid niya.

Patunay nito ang mga drawing sa mga dingding ng bahay nila na gawa ng anak na si Elias at mga bahagi ng bahay na iniiwasang guhitan ng anak na ayon na rin sa paalala niya rito.

“Gusto ko siyang maging malaya at the same time gusto ko rin siyang matuto kung paano i-respeto ‘yong value ng isang bagay.”

“Ayoko siyang may kinakatakutan pero gusto ko siyang maging ma-respeto.”

Kahanga-hanga ang co-parenting set-up ni John Lloyd at ng aktres na si Ellen Adarna sa anak nilang si Elias. Pero pagbabahagi ng aktor hindi madali o basta nalang sila nag-comeup sa level na ito ng pagiging magulang sa anak. Ang sikreto raw dito ay ang pag-lalagay sa anak na si Elias sa center nila.

“Si Elias ‘yong nasa center so ‘yon lang ‘yong kailangang protektahan lagi. Parang before ourselves, bago ‘yong pansarili namin si Elias muna.”

Ito ang sabi pa ng aktor. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement