John Prats, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay mula nang magka-pamilya

Narito ang mga bagay natutunan at na-realize ni John Prats ng maging daddy na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

John Prats, hindi lang basta nag-adjust ng maging ama dahil binago daw nito ang buhay niya.

Ito ang masayang ibinahagi ni John Prats sa isang interview sa ginanap na launching ng new product line ng Johnson & Johnson’s para sa mga bata.

Image screenshot from John Prat’s Instagram account

Mga pagbabago sa buhay ni John Prats ng maging ama

Ayon kay John Prats, ang pagiging ama ay hindi naging madali para sa kaniya. Lalo pa’t hindi lang basta adjustment ang ginawa niya ng maging daddy na. Binago daw nito ang buhay niya na nagturo rin sa kaniya ng maraming bagay. At naging daan para ma-realize niya ang mga bagay noon na hindi niya pa naiintindihan noong binata pa siya.

Nagkaroon ng purpose at sense of responsibility

“It changed my life, totally. Yung paglabas palang ni Feather, nag-iba talaga buhay ko. With my wife noong kinasal kami, ok lang, Parang mag-boyfriend kayo bineless lang kayo ni God pero ganoon parin. Pero noong dumating si Feather totally different, like the mindset and everything.”

“Yung sleep mo, yung lahat saka parang may responsibiltiy ka na sa mundo, may purpose ka na. Parang may isang tao na o dalawang bata na ngayon na hawak-hawak namin yung future nila. So you want to be careful and gentle when it comes to handling their lives.”

“Kaya noong nagkaroon na ko ng boy, si Freedom, ok na ko. Para mas maka-focus kami sa 2 kids. Pero masaya siya sobrang saya niya na mahirap din at the same time.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung may isang bagay nga daw talaga na na-realize ni John Prats na nabago sa kaniya, ito ay ang priorities niya. Dahil ng maging ama ay natutunan niyang isang tabi ang mga luho at unahin ang mga needs ng anak niya.

Nabago ang priorities sa buhay

“You know yung love mo sa cars, sa watch maiiba e. Lahat mawawala yan e. Lahat yan, stop yan. Bago ka bumili ng luho na gusto mo, you have to think muna kung kailangan ba ito o hindi. So mas inuuna ko yung future nila.”

“Like now, ang goal ko is to create this home na kung saan sila lalaki. Sa pangkalahatan mas iniisip ko yung para sa kanila na, like to have a good school for them.”

Nang maging ama ay may mga na-realize rin si John Prats na noong una ay naririnig niya lang sa kaniyang Mom and Dad. Tulad ng pagdidisiplina sa anak na mahalaga sa maayos na pagpapalaki sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ma-tetest talaga ng pagiging magulang ang patience mo

“Si Feather kasi 3 years old na siya so nakakaintindi na siya. So kapag may ginawa siyang mali, I talk to her at naiintidihan niya na e.”

“Alam niya kapag kapag nag-chachange reaction ng face ko. Kapag nalulungkot ako, nadidisappoint ako. Alam niya kaya hindi na niya gagawin ulit.”

“I don’t want them to grow na very violent. Pero totoo yun e yung patience mo matetest talaga e.”

“Kaya totoo yung sinabi ng magulang ko sakin na kung alam mo lang kung paano kami namin pinalaki tapos sasagot ka pa.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bilang isang ama ay maraming bagay na gustong ituro si John Prats sa mga anak niya. Kaya naman naging maingat rin siya sa mga kinikilos at behavior niya. Ito ay dahil na-realize niya na lahat ng nakikita ng bata ay ginagaya nila.

Maging mabuting example sa mga bata

“Ngayon, ang gusto kong ituro sa kanila is to share. Like sa toys you should ask npermission first and dapat i-share.”

“Gusto ko lang din maging humble sila with everyone and be nice to everyone. I mean lahat ng iyan susunod na yan, yung values mo, yung core mo. Kasi lahat ng nakikita ng kids ginagaya nila e.”

Advice ni John Prats sa ibang mga magulang

Image screenshot from John Prat’s Instagram account

Kung mayroon daw maipapayo si John Prats sa ibang mga magulang, iyon ay ang i-treasure ang mga oras na kasama nila ang mga anak nila. Tulad niya na limited man ang time sa kaniyang mga anak dahil sa pagtratrabaho ay sinisigurado niya na sa lahat ng oras nilang magkasama ay masaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Limited yung time ko with them so gusto ko kapag kasama nila ako, happy. Hindi yung minsan na nga lang ako sa house, nagagalit pa ako sa kanila. Tapos pinagbabawalan ko pa sila.”

Lagi niya rin raw silang nilalambing. Isang bagay na natutunan niya sa mga magulang niya na hanggang ngayon ay ginagawa parin niya sa kanila. Kaya naman alam niya na kapag lumaki na ang mga anak niya ay magiging malambing parin sila. Isang napaka-sarap na feeling para sa isang magulang.

“Ako, ma-hug ako and ma-kiss ako with my kids, Natutunan ko yan with my dad.”

“You just have to be malambing to them. You can say I love you, and lambingin sila growing-up.”

“Ako up to now ganoon ako sa mga parents ko e. I hug them. I always say I love you. Ganoon nakikita ko kay Feather, on random moment like naglalakad kami, she’ll say I love you Papa. Ang sarap lang.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si John Prats ay kasal sa model-actress na si Isabel Oli. Mayroon silang dalawang anak na sina Lily Feather (3 years old) at Daniel Freedom (9 months).

Basahin: John Prats gets emotional as he talks about becoming a father