COVID-19 advocate na si Joie Cruz nagbahagi ng kaniyang sentimyento tungkol sa hazard pay ng mga medical frontliners sa bansa. Ito ay matapos masawi ang nurse niyang ina ng dahil sa sakit na hindi man lang nakukuha ang hazard pay nito. Dagdag pa sa malayo ito sa halaga na ipiningako noon ng gobyerno.
Ina ng COVID-19 advocate na si Joie Cruz, namatay sa COVID-19
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Joie Cruz, ang kaniyang sentimyento tungkol sa pagkasawi ng kaniyang inang nurse dahil sa COVID-19.
Ayon kay Joie, ang kaniyang ina ay nagtratrabaho bilang nurse sa isang pampublikong ospital ng higit sa sampung taon. Ito ay isa sa magigiting na medical frontliners na lumalaban sa kumakalat na sakit sa bansa. Ngunit, sa kasamaang palad ay nahawa ito ng sakit at nasawi. Ayon pa kay Joie ay hindi agad ito naisailalim sa swab test. Ito ay na-deny sa naturang karapatan kahit na ito ay na-expose sa isang COVID-19 patient.
Ngunit maliban sa lungkot na nadarama sa pagkawala ng ina, naging dagdag na bigat sa kalooban ng kanilang pamilya ang hazard pay na hindi man lang nito nakuha hanggang sa masawi. Ang hazard pay sana na ito ay gagamitin sa pag-aaral ng kaniyang kapatid. Ang dagdag kabayaran sa 41 araw na pagtratrabaho ng kaniyang ina habang expose sa kumakalat na virus
“A few months before my mom passed away, she’s been telling me about how long she and her co-nurses had been waiting for their COVID hazard pay. My mom was eager to receive her hazard pay. Because she said she was going to use it for Maxene’s Groiler Home Learning Materials. She and her co-workers were expecting about PHP 30,000+ for their COVID hazard pay, based on the DOH announcement of PHP 500 per day for frontliners.”
“My mom died before she even got her hazard pay.”
Ito ang pahayag ni Joie sa kaniyang Facebook post.
Hazard pay ng kaniyang ina malayo sa halaga na kanilang inaasahan
Dagdad pa niya ay naayos naman nila ang mga dokumentong kailangan para makuha ang hazard pay ng ina kahit ito ay wala na. Pero ng ito ay kukunin na nila, doon lang nila nalaman na malayo pala ito sa halaga na kanilang inaasahan.
“Yesterday, I went to her workplace to process some of her docs and to claim her benefits. I was told that her COVID hazard pay is already available. Instead of the expected PHP 30,000+, what I received was PHP 7,000+.”
Mula sa dagdag na P500 kada araw na pangako noon ng gobyerno, tanging P150 a day lang ang nakuha ng kaniyang ina. Ito pa ay may mga deductions na hindi umano naipaliwanag ng pinagtratrabahuang nitong ospital.
Sa kaniyang komputasyon ay nakatanggap lang umano ng P64.18 a day ang kaniyang ina bilang hazard pay nito.
Pagmamaliit sa sakripisyo ng mga medical frontliners
Ayon kay Joie, ang paglalabas niya ng sentimyentong ito ay hindi lang basta dahil sa maliit na hazard pay na nakuha ng ina. Ito ay sa pagpapaasa sa mga medical frontliners ng mga pangakong hindi naman pala totoo. Habang inilalagay ang buhay nila sa peligro sa pagharap sa kumakalat na sakit.
“This issue is not about monetary value. This issue is about how governments lie and how we take for granted and exploit our frontliners in the face of this pandemic.”
Ito ang mga pahayag ni Joie.
Si Joie Cruz ay founder at CEO ng design and creative firm na Limitless Labs. Pinangunahan niya ang ilang COVID-19 campaigns na nakakakalap ng pondo at ginamit bilang COVID-19 relief. Sinimulan rin niya ang “LGU vs COVID PH”. Ito ay isang online platform na nagpapakita ng mga best practices na isinasagawa ng gobyerno laban sa kumakalat na sakit.
Nurse hazard pay Philippines
Ang sentimyento ni Joie tungkol sa hazard pay ng mga medical frontliners ay tulad rin ng ipinaglalaban ng grupong Alliance of Health Workers o AHW. Dahil mula nga sa inanunsyong P500 a day noon na hazard pay ay hindi ito nasunod. At hindi rin naibigay ng maayos sa mga frontliners na pinaka-expose sa COVID-19 virus. Ito nga daw ay panloloko at pagmamaliit sa ginagawang sakripisyo ng mga ito para malabanan ang kumakalat na sakit.
“In the midst of a pandemic and health crisis, where health workers are being put at the forefront of the battle against an unseen and deadly disease, the DOH and the Duterte administration have even managed to deceive, divide and insult health workers.”
“The government is not sincere in recognizing the contributions of health workers who are inevitably exposed to health risks and hazards. Especially those assigned to disease-infested places which pose occupational risks or perils to life.” he added.
Ito ang mga pahayag ni AHW national president Robert Mendoza.
Matatandaang noong Marso 23 ay inilabas ang Administrative Order No. 26. Nakapaloob rito ang pagbibigay ng hazard pay sa mga government personnel na nagrereport sa trabaho sa gitna ng implementasyon ng enhanced community quarantine sa bansa. Ang halagang itinalaga sa kada araw na kanilang ipinapasok ay nagkakahalaga ng P500.
Ngunit ang pahayag na ito mula sa nasabing batas ay kalaunang binawi ng Civil Service Commission. Tanging mga public health workers, pulis at sundalo lang umano ang makakatanggap na naturang benepisyo.
Pero tulad ng ina ni Joie at marami pang medical frontliners, hindi nila nakuha ng ipinangakong halaga ng COVID-19 hazard pay.
Source:
Inquirer News, Official Gazette PH
BASAHIN:
COVID-19 natagpuan sa frozen seafood sa China