Jolina Magdangal sa paglalaan ng quality time sa mga anak: “Those little things occupy the biggest part of their hearts”

May paalala si Jolina Magdangal sa kapwa parents. Maglaan ng quality time sa mga anak dahil mahalaga ito sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isang heartwarming Instagram post ang ibinahagi ng celebrity mom na si Jolina Magdangal. Makikita sa post ng aktres ang series of photos ng family day nila ng kaniyang mga anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Jolina Magdangal sa pagiging isang ina: “Never stop doing little things with your kids”
  • Hands-on sa pag-aalaga ng anak habang nagpapagaling ang mister

Jolina Magdangal sa pagiging ina: “Never stop doing little things with your kids”

Larawan mula sa Instagram ni Jolina

Masayang mga larawan ng kaniyang mga anak ang laman ng Instagram post ni Jolina Magdangal. Makikita na nakangiti ang dalawa niyang anak na tila enjoy na enjoy sa kanilang family bonding.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saad ni Jolina Magdangal sa kaniyang caption, huwag dapat na tumigil na gumawa ng maliliit na bagay kasama ang mga bata. Dahil ang mga maliliit na bagay na ito ay siyang pumupuno sa pinakamalaking bahagi ng puso ng mga anak.

“Never stop doing little things with your kids. Sometimes those little things occupy the biggest part of their hearts.”

Larawan mula sa Instagram ni Jolina
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang empowering pa ng karugtong ng caption na ito, kung saan ay niyakap ni mommy Jolens ang kaniyang pagiging isang ina.

"Ngayon ay Chooseday… i choose to empower myself as a Mama, bestie, teacher, singer, dancer, cartoon character, home service wellness to my kids,” aniya.

Hands-on sa pag-aalaga ng anak habang nagpapagaling ang mister

Larawan mula sa Instagram ni Jolina

Samantala, kalakip din ng Instagram post ang isang larawan kung saan ay makikita ang pamilya ni Jolina kasama ang asawang si Mark Escueta. Nakahiga sa kama ang mister ng aktres at mayroon itong cast sa binti.

Tinapos ni Jolina Magdangal ang caption ng kaniyang IG post sa pagbabahagi kung gaano na nila namimiss ang kanilang papa na makasama sa playground.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon ay nagpapagaling si Mark Escueta mula sa leg injuries dulot ng bike accident.

Instagram: @mariajolina_ig

Sinulat ni

Jobelle Macayan