Jollibee party at iba pang kiddie party packages para sa birthday ni baby

Jollibee party at iba pang kiddie party packages para sa birthday ni baby

There are different party options available from the different restaurants nationwide like Jollibee, McDonald's, Shakey's, and Max's. Here are 20 affordable kiddie party packages from your favorite fast food chain.

Nakaka-stress ang paghahanda para sa kiddie party. Ang paghahanda ng venue, pagkain, mga ipapamigay, at iba pang maliliit na detalye ay kumakain ng oras. Buti nalang mayroong mga restaurant at events place na nagbibigay ng kiddie party packages na nagpapadali sa buhay ng mga ina. Naisip na bang kumuha ng Jollibee party package o mag-celebrate sa paboritong restaurang ng anak mo? Lahat ng mga dekorasyon at pagkain, sila ang maghahanda!

Hindi lang nagpapabilis ang mga package na ito, pumapasok din sila sa mga budget. Ito ang aming listahan ng 20 abot-kayang kiddie party package na bagay para sa parating na party ng iyong anak!

1. Jollibee Party Package

Party Themes: Jollitown, Jollirace, Jollibee’s FUN-tastic Factory, Hello Kitty

Party Food Package: Nagsisimula sa P161-P236 para sa in-store party at P89-P164 para sa outside party. Maaari rin gumawa ng sarili mong food package para sa minimum na 30 na bisita.

  • Menu para sa P161 Food Package (in-store): Jolly Spaghetti, Regular Fries, Regular Softdrink, Sundae
  • Menu para sa P89 Food Package (out-store): Jolly Spaghetti, Peach Mango Pie, Sunkist

Theme Favors Party Fee: P1,500 para sa in-store party at P2,000 para sa outside party

Kasama sa Party Fee: Jollibee Mascot , 30 name tags, 30 balloons, 15 assorted na papremyo sa mga laro, 15 party hats, 15 invitation cards, 15 trayliners, 5 box ng crayons, 1 message board

Add-ons:

Theme favor: P7 (party hat + trayliner, invitation card, at name tag)

Jollibee Party Lootbags: P60 bawat isa

Jollibee Party Cake: (ang 8 x12inches ay P900, at ang 12×12inches ay P1,100)

Additional Mascot: P1000 bawat mascot para sa 30 minuto ng appearance

Maaari rin makakuha ng P200 na rebate kung gagastos ng P10,000 gamit ang iyong Happy Card Plus. Tandaan lamang na ang Jollibee party package na Kiddie Store Party ay mayroon lamang sa ilang piling branch ng Jollibee. Maaaring bisitahin ang kanilang website para i-check gamit ang Store Finder tool ang listahan ng mga branch na may Jollibee party package.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Pehpot.com

2. McDonald's Party Package

mcdonald's party package

Party Themes: Happy, Ronald and The Gang, Adventure Time, Ben 10, Winx Club and Spongebob Squarepants.
* Dagdag na P1,000.00 party fee para sa Adventure Time, Ben 10, Winx Club at Spongebob Squarepants Theme

Party Food Package: Nagsisimula sa P155 to P195 na food mixes

Menu para sa P155 Food Mix: Cheeseburger at McSpaghetti, Regular na Drink
* Maaari rin mag-customize ng inyong food package. Lahat ng food mix ay may party freebies:

Para sa minimum na 10 bisita, ang party ay may: 10 balloons, 10 party hats, 10 lootbags, 10 activity mats, party host at candle blowing. Ngunit kailangan ng 30 bisita para makapag-book ng McCelebrations Birthday Party.

Theme Favors Party Fee: Kasama sa P2,000.00 ang party room, full hosting, games at 30 na papremyo, 1 regalo para sa celebrant, 30 themed na giveaways at isang libreng McDonald Land character appearance para sa Ronald and the Gang na theme.

Add-ons:

Additional Party Fee kapag lagpas ng 30 bisita: P50 para sa additional set ng amenities (party hat, tray mat, giveaway).

Party Cake: 12x16 inches para sa P1050 at 8x12 inches para sa P650.

Kumpara sa Jollibee party package ay di na rin nagkakalayo ang package ng McDonalds. Ngunit siguraduhing I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: McDonald's

 

3. Shakey's Party Package

Party Themes: Barbie, Hot Wheels at Looney Tunes

Party Package: Ang plated package ay nagsisimula sa P12,500 para sa 30 pax habang ang Buffet package naman ay P17,000 para sa 30 pax na may kasamang libreng Mascot Appearance.

Package includes: 2 oras na paggamit ng function room, sound system, birthday cake, balloons, party host, games, papremyo, party hats, loot bags (crayons at coloring books), regalo para sa celebrant at 300 tokenspara sa FunZone arcade games sa loob ng restaurant.

Buffet food package: Large Thin Pizza, Chicken and Mojos, Spaghetti, Carbonara, Garlic Bread, Ice Cream, Iced Tea at isang Giant Pizza.

Add-ons: Magdagdag ng P4,000 para sa party boosters tulad ng magicians at balloon twisting.

Mas mahal kumpara sa Jollibee party package, pero mas okay rin dahil sa dami ng activities.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Tipid Mommy

4. Max’s Party Package

Party Themes: Carnival, Chickie Boy, Super Racer, Princess Palace, Outer Space

Party Package: Mula P15,000 hanggang P17,000 kasama ang mga sumusunod:

  • 20 party meals, 20 party kits (20 invitations, 20 party hats at 20 name tags)
  • 30 Balloon Sticks, 30 Balloon Clouds, 20 pcs gieaways (pumili kung Chikie Boy Stool o Kiddie Lunch Bag)
  • 1 set ng papremyo sa mga laro (12 activity booklets, 5 coin banks, 24 lapis sa 2 cases, 3 iba't ibang playballs)
  • Paggamit ng party amenities tulad ng libreng 3 Hours na paggamit ng venue, libreng Mascot Appearance, libreng paggamitng Party banner, libreng paggamit ng Party Standee, Themed Cake, Party Host

Sample Menu para sa P15,000 food package: 1 pc Max's Fried Chicken, 1 pc Barbebue, pipili kung Spaghetti o Carbonara, pipili ng Side Dish (2) Fish Fingers o Mac & Cheese balls, 1 baso ng Iced tea

Add-ons:

Party Kit: P300 (5 invitations, 5 party hats, 5 name tags)

Giveaway: P1,500 (5 Balloon Sticks, 5 Balloon Clouds, or choice of Chikie Boy Stool o Kiddie Lunch Bag)

Balloon Stick/Cloud: P75 each

Game Prize: P350 bawat set

Themed Cake: P2,000

Mascot Appearance: P1,500

Mayroon ding Party Enhancers: Magician, Balloon decor, Face painting, Photo Video, Bubble show, Event styling

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Max's

 

5. Pizza Hut Party Package

Themes: Racing Car at Fairy Land Party

Party Fee: P2,500.00

Nagsisimula ang Food Package sa P149 na may kasamang: 1 Slice ng Family Hawaiian Pan Pizza, Spaghetti na may Meat sauce at 1 baso ng Pepsi sa minimum na 30 bisita.

Mga kasama sa Party Package: 30 Invitation Cards, 30 Placemats, 30 Party Hats, 30 Party Balloons, 30 Name Tags, 30 Thank You Cards, Guest Folder, 30 Loot Bags (may lamang: memo pad, activity book at memory card)

Dagdag ang mga LIBRENG: Birthday cake, mascot appearance, party host/hostess, birthday gift para sa celebrator at mga papremyo (5 puzzles, 5 keychains, 3 coinbanks, 3 memory cards)

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Mommy Levy

 

6. Chili’s Kiddie Party Package

Party Package: Nagsisimula sa P260 hanggang P375 bawat tao para sa minimum na 30 tao.

Menu para sa P260 Food Package: Kid Cheese Burger Bite, Fries o Corn, Scoop ng Ice Cream, Bottomless Drinks. Maaari rin gumawa ng sariling food package

Party Package: Kasama ang paggamit ng amenities, balloons, paggamit ng party banner, invitations, name tags, paggamit ng sound system at party host para sa games.

Iba pang party activities (kakailanganin ng dadag na minimum charge): Balloon Twisting, Glitter Tattoo, Balloon Pillar, Face Painting, Bubble Show, Party Hosting na may kasamang clown, magic show, Photo Booth, Loot Bags

Para ma-avail ang party package ng Chili, alamin na kailangan ng 30 tao para makapag-reserve. Ang mga party rin nila ay ginaganap mula 3pm hanggang 6pm lamang; magkakaroon ng dagdag na kabayaran sa mga susunod na oras.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Chili's

 

7. KFC Kiddie Party Package

Party Theme: Colonel Sanders

Party Fee: P4,000 para sa 30 na tao na may kasamang paggamit ng party amenities tulad ng loot bags set, themed game prizes (4pcs), guest birthday poster, birthday gift para sa celebrant, party décor, sound system, party hosting, themed balloons, invitation cards, activity trayliners at party hat na may nametags

Food Package: Nagsisimula sa P140 na may kasamang 1 pc KFC chicken with gravy, mushroom soup, mashed potato, steamed rice at ang mapipili mong inumin. Maaari rin gumawa ng sarili mong food package.

Add-ons:

Mascot Appearance: P450

Birthday Cake: P750 (9" Round Cake Mocha o Vanilla) Chuckie design. Maaari rin makakuha ng mga themed designs.

Nag-ooffer din sila ng Smarty Party Package Fee na P5,000.00 (Tipid ng P200!) na mau kasamang partu favors, amenities, cake at mascot appearance.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: KFC

 

8. Kenny Rogers Kiddie Party Package

jollibee party package

Party Theme: Sports Party, Wonderland Adventure, Space Voyager

Party Package: Nagsisimula sa P9,400.00 na may kasamang pagkain at amenities para sa 30 na bata.

Party Kit: Kasama na sa package ang name badges, invitations, balloons, birthday banner,

Game prizes: Game boards, activity books, drawing books, foldable fans, pencil cases

Giveaways: lunchboxes, sticker sheets, memo pads

Food Package: Kasama na sa package ang 1pc OMG Chicken, Spaghetti, Choco Mousse at 12 oz Blue Lemonade

Optional add-ons: clown, puppet show, piñata, pabitin, chocolate fountain, photo/video coverage, balloon twisting, face painting, food carts, butterfly release

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Kenny Rogers

 

9. Don Henrico’s Kiddie Party Package

Party Package: Ang themed amenities ay nagsisimula sa P5,250 para sa 30 tao

Party Kit: Kasama sa package ang lootbags, nametags, party hats, balloons, birthday cake, game prizes, pinata, balloon table center pice

Freebies: 30 invitation cards, 30 thank you cards, birthday gift for the celebrant, birthday streamer, party hos, sound system, skirted table

Food Package: P280 hanggang P365 bawat tao

Menu para sa P280 Kiddie Plate: Spaghetti Bolognese, Capt. Crunch Fried Chicken w/ Gravy, Brownies o Ice Cream sa Cup, Single-Served na Drinks (Nestea or Soda)

Optional amenities: Balloon o floral arrangement, mascot appearance, bubble show, face painting, magicians, character host/clown, kiddie salon, food carts para sa ice cream at ice candy.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Don Henrico's

 

10. Burger King Kiddie Party Package

Party Theme: Burger King Crown

Party Fee: Para sa P10,000.00 halaga ng pagkain, bukas ang bahagi ng restaurant bilang party venue at maaaring mag- DIY o optional P3,000.00 para sa BK party amenities

Party Package: Ang 15 friends package ay may kasamang: crowns, kids club boxes (walang laruan),15 single serve ice cream cones, 5 regular whopper® with cheese combos, 1 bag ng ricolino sweets, 1 kit na may party napkins at stickers, 1 bag ng balloons, 12 pinta ‘caritas’, 3 oras na event, 1 host at lugar na may mga dekorasyon

Food Package: Nagsisimula sa P154 hanggang P284 bawat tao. Maaari ring subukan ang kanilang squad bundles na kasya sa 4 at nagsisimula sa P289 hanggang P499 bawat bundle

New Kids Menu: Kids Chicken Nuggets (6pcs) o Cheeseburgers o Chicken Burger at Ice Cream

Ang presyo dito ay hindi na rin nalalayo kumpara sa Jollibee party package, lalo na at maraming mga kakaibang activities at masasarap na pagkain para sa mga bata.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Burger King

 

11. Racks Kiddie Party Package

Themes: Little Pirate, Fairy, Candy Land

Party Package: Nagsisimula sa P35,990 para sa 30 katao. Ang package ay may kasamang kompletong set ng amenities ng mapipiling theme at 20 kids meal.

 

Kasama sa amenities ang balloon decorations, 20 loot bags na may iba't ibang laman para sa mga lalaki at babae, 20 themed name tags, game prizes, 1 oras na unlimited face painitng, 30 minutong magic show, electronic invite, themed cake na may fondant icing, candy buffet, kiddie tables at chairs, roving photo man na may 50 pirasong print-out photos, themed backdrop, guest table linen, party signage, basic sound system at event host

Kabilang sa Kiddie Meal ang 1 pc chicken, creamy pasta, juice at 2 scoop ng ice cream

Check the nearest store for more info.

Source: Racks Facebook

 

12. Friday's Kiddie Party Package

Party Package: Maa-avail ang standard party sa minimum na halagang P30,000 para sa reservation

Kasama sa package ang birthday invitations, loot bags, Friday's balloons, nametags, birthday gifts. Libreng paggamit ng venue nang 3 oras, libreng paggamit ng party banner, balloons on stick, standard party set-up, sound system, buffet set-up.

Food Package: Bukod sa buffet, naghahandog din ang Fridays ng menu packages para sam ga bata na nagsisimula sa P9,500 para sa 30 bata. Kabilang sa menu ang Uncle Sam's Chicken, Kid's Spaghetti, Ice Cream at Iced tea.

Iba pang aktibidad: May dagdag na bayad para sa Themed party set-up, hosting, magic show, balloon twisting, glitter tattoo, face paintings, photo booth, bubble show, birthday cakes. 

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Shining Mom

 

13. The Aristocrat Kiddie Party Package

Theme: Safari, Prince and Princess Party, Flower Party/ Butterfly Party, Little Chef's Party, Car Race Party

Party Package: Nagsisimula sa P20,650.00 hanggang P32,850 na may kasamang pagkain at amenities

Kiddie Meals Menu para sa P20,650 Package: Fried Chicken with Gravy, Steamed Rice, Scoop of Ice Cream, 12 oz Iced Tea

Party Amenities: Party host, (9x13”) themed birthday cake, balloon centerpiece, 30 balloons on stick, 30 invitation cards, 30 name hats, 30 activity sheets, 30 loot bags, 30 game prizes

Add-ons: Decorate-it-yourself cookies, face painting, salon na may glitter tattoo, photo booth, balloon arch, ceiling balloons, balloon pillars

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Aristocrat

 

14. Texas Roadhouse Kiddie Party Package

Food Package: Mula P200 hanggang P295 bawat tao na may 30 kataong requirement para magamit ang function room at amenities

Kids Set Menu P200: Kids spaghetti, fries o mais, scoop ng ice cream at bottomless drinks

Libreng Amenities: Balloons, paggamit ng party banner, invitations, name tags, paggamit ng amplified speakers, party host para sa mga games at party hats

Add-ons/Iba pang mga aktibidad: Theme Mascot, Face Painting, Party Hosting na may Clown, Magic Show, Balloon Twisting

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Texas Roadhouse

 

15. Wheatberry Kiddie Party Package

Party Package: Libreng amenities at paggamit ng party area na may P10,000 minimum reservation

Food Package: Nagsisimula sa P185 bawat tao hanggang P250.00

Kiddie Menu para sa P185 Package: Macaroni na maaaring piliin ang sauce (cream, tomato meat o cheese), chicken fingers, hotdog on stick, mini cake, orange juice.

Freebies: 12×16 chiffon cake O 10% off sa kahit anong Wheatberry specialty cakes, party area na may dekorasyon, libreng paggamit ng birthday banner, 3 oras na paggamit ng party area na may sound system, 10% off sa add-on stations/bars, libreng WIFI

Ang party are na may dekorasyon ay may kasamang 20 balloons para sa kalahati ng function room at 40 pcs. para sa buong function room. Ang dagdag na balloons ay magkakahalagang Php 12.00. Kasama rin ang flower centerpieces para sa bawat mesa.

I-check ang pinakamalapit na store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Wheat Berry

 

16. Dads World Buffet Kiddie Party Package

Kiddie Party Package: Para sa minimum na P20,000 makakakuha ng party freebies

Kasama sa freebies ang paggamit ng function room, cake table, gift table, kiddie chairs, balloons, invitations, name tags, pabitin, sound system, plus 1 free buffet para sa bawat 10 katao.

Food Package: Buffet
Nagsisimula ang Adult Rate sa P588 para sa tanghalian at P788 para sa hapunan kapag weekdays, P838 para sa weekends at holidays
Kid's Rate: 3' hanggang 4' ay P298 para sa weekdays at P348 sa weekends at holidays
*4' hanggang 4'6 feet ay P348 sa weekdays at P398 sa weekends at holidays
Ang mga batang masmababa sa 3' ay makakakain nang libre

I-check ang kanilang store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Dads

 

17. Papa John’s Kiddie Party Package

Themes: Speedy Cars, Circus and Clowns, Princess and Pirates, Sports, Animal and Friends, Fashionistas

Party Package fee: P5,000.00

Package inclusions: 20 pcs invitations, name tags, party hats, balloons, loot bags (may activity book at crayons), bag tags at placemats

Food Package: Nagsisimula sa P150 hanggang P215 bawat tao

Menu para sa P150 Package: Meatball Bolognese, cheese sticks, chicken strips, soda

Other amenities: themed backdrop, mascot appearance, hanging balloons, party host, regalo para sa celebrant, cake table, gift table, kiddie chairs at tables

Para sa minimum na P8,000, makakatanggap ng 1 libreng aktibidad tulad ng face painting, balloon twisting o glitter/henna tattoo. May kamahalan man kumpara sa Jollibee party package, ay sigurado naman na masarap at maraming activities na magagawa ang mga bata!

I-check ang kanilang store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Papa John's

 

18. Stacy’s Home Cafe

Party Package: Libre kung may 40 bisita na mag-aavail ng buffet

Food Package: Mula P495/tao Light Merienda hanggang P695 Full Course Dinner

Menu para sa Light Merienda: Grilled shrimp & Pomelo Salad na may Asian Dressing, Maaaring pumili sa Hearty Chicken Melt with Apples and Grapes, Potato Chip Fried Chicken with Mushroom Gravy, Spicy Shrimp Scampi with Angel Hair Pasta, Chocolate Cake Slices o Cupcakes na may Theme Colored Icing, Soda o Iced Tea (1 round)

Magagamit lamang sa * 3pm-6pm  na mga Party

Libreng Amenities: 3 oras na paggamit ng venue, handcrafted banner ayon sa mapipiling color theme, balloon o floral centerpieces, party placemats at runners ayon sa mapipiling color theme.

Mas mahal man ang Stacy's Home Cafe kumpara sa Jollibee party package ay siguradong magkakaroon ng unique at espesyal na birthday ang iyong anak.

I-check ang kanilang store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Stacy's Facebook

 

19. Active Fun Kiddie Party Package

jollibee party package, active fun party package

Themes: Royal Princess, Pirate, Safari Adventure, Carnival party, Race Party, Halloween Party, Under the Sea, magical Unicorn Party

Party Package: Ang standard package ay nagsisimula sa P31,000 para sa 40 katao

Kasama sa package ang paggamit ng air-conditioned party rooms nang 3 oras, paggamit ng basic sound system, paggamit ng tables na may linya, paggamit ng stage platform, a banquet service coordinator na tutuon sa bawat event, registration staff, paggamit ng active fun banner, libreng paglalaro para sa mga bata, libreng consultation sa Creative designer, Buffet menus para sa mga bata at matatanda, regalo para sa celebrant (gift certificate), mascot appearance at buffet set-up

Sample na Pagkain Para sa Kid Set Menu: Deep fried spring roll, baked penne with mushroom chicken nuggets, mini pork barbecue, iced tea at food stations para sa snow cone at cheese sticks

Themed Party package: P17,500

Kasama sa package: 20pcs Invitations, 20 name tags, 20 lootbags, rental ng themed decors, Rental ng themed banner, rental ng theme centerpiece, themed cake (2 layers’ fondant), themed food labels o pwedeng magdagdag ng P9,000 para i-upgrade ang party backdrop.

I-check ang kanilang store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Active Fun

 

20. Kidzoona Kiddie Party Package

Party Package: P18,750 para sa 30 bata (paggamit ng playground at party room)

Package Inclusions: 3 oras na playtime, Kidzoona balloons, birthday poster, birthday banner, Kidzoona Invitations, name tags, 30 minutong mascot appearance, regalo para sa celebrant at game prizes

Kidzoona Party Room: Ang party room ay maaaring mag-accommodate ng hanggang 70 bisita. Maaaring gamitin ang mga upuan at mesa; subalit, hindi bahagi ng package ang mga dekorasyon, kailangang magdala ng sariling banner, tablecloth, at iba pang kakailanganin sa party. Kakailanganin din kumuha ng catering services dahil hindi ito bahagi ng package. Pinapayagan ang pagdadala ng pagkain nang walang corkage fee. Maaaring i-contact ang kanilang tindahan para sa listahan ng mga accredited na caterers.

Kumpara sa Jollibee party package ay mas mahal ang Kidzoona, ngunit siguradong mas marami itong activities at mas mage-enjoy ang iyong anak dito.

I-check ang kanilang store para sa dagdag na impormasyon.

Source: Aeon

Sa listahan ng mga restaurant at mga events place na naghahandog ng masaya pero abot-kayang party package, sana ay mag-enjoy ang iyong anak sa pag-kolekta ng mga alaala at pagsasaya sa bawat minuto ng pagiging bata. I-enjoy ang iyong kiddie party!

Also read: 9 affordable party venues in Manila

Basahin: 20 Affordable kiddie party packages

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner