Partner ni Jomari Yllana, umalma sa diumanong pag-iwan sa kaniya at kanilang mga anak

Partner ni Jomari Yllana, umalma sa diumanong pag-iwan sa kaniya at kanilang mga anak

Hiwalay na nga ba si Jomari Yllana sa non-showbiz live-in partner nito na si Joy Reyes?

Reaksyon sa blind item

Nagkaroon nga ng isang blind item sa Inquirer Bandera patungkol sa isang dating aktor na ngayon nga'y naging politiko na inabandona di-umano ang ka-live-in partner nito na kapapanganak pa lamang.

Nag-react nga si Joy Reyes patungkol sa blind item na ito, kung kaya't ang mga netizens ay naisip na si Jomari Yllana ang tinutumbok ng blind item sapagkat dati siyang aktor na ngayon nga'y konsehal na ng Parañaque.

Ani Joy sa kaniyang caption, "I used to enjoy reading write ups about me and my sons and our happy family before the chronic womanizing destroyed my life and my baby boys' lives."

Aniya pa, "Now, unpleasant blind item na lang. Correction: The amount indicated in the article is not accurate."

"And the women are older than me but common denominator, all of them, including the current one, have money," simbulat nito.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Joy Reyes (@joyfullyenjoyingjoy) on

Sinundan ng live-in partner ni Jomari ang reaksyon post nito sa blind item ng isa pang post kung saan present si Joy kasama ang mga anak nilang si Jom Christiano Ayrton at ang bunso nilang si Jom Christiano Fangio.

Pahayag niya, "It's bad enough to cheat on a partner, worse to leave the family knowing the babies are still so young being just over a year old and a newborn one."

"But Sana mag stop na sa pag iisip at paggawa ng nonstop ways pa to make things difficult and miserable for me like pang iipit financially," dagdag ni Joy.

"I gave up my career bec u asked me to with the promise that u will take care of me, of us. Hindi ako ang may atraso sa inyo Para kayo pa Ang galit na galit sa kin," pagbabahagi pa ng non-showbiz live-in partner.

Aniya pa, "You could have at least considered giving even a tiny speck of respect to the woman who believed all your promises, gave you 2 adorable babies and looked up to you thinking u r capable of being a good husband and a father who our kids will be proud of."

"Nagawan mo na Ng masama, wag na salbahihin pa Lalo," pagtatapos nito.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Joy Reyes (@joyfullyenjoyingjoy) on

Wala pa ngang sagot sa kampo ni Jomari Yllana patungkol sa issue na ito sa kaniyang non-showbiz live-in partner pati na rin sa blind item na di-umano'y siya ang tinutukoy.
Source: Joy Reyes, Push, Inquirer Bandera

Basahin: 6 paraan para i-save ang relationship na papunta na sa hiwalayan

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner