Joy Mendoza sa pagpapatawad sa 7 lalaking nang-rape sa kaniya: “I have to trust God is bigger than the justice system.”

Basahin rito ang makabuluhang mensahe ni Joy tungkol sa pagpapatawad.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Joy Tan Chi Mendoza ibinahagi kung paano niya pinatawad ang pitong lalaki na nang-rape sa kaniya noong siya ay 15-anyos pa lang.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kuwento ng panggahasa kay Joy Tan Chi Mendoza.
  • Paano niya pinatawad ang mga lalaking gumahasa sa kaniya?

Joy Tan Chi Mendoza rape story

Sa kabila ng maganda at masiyahin niyang mukha ay may isang masamang karanasan ang author at council for women na si Joy Tan Chi Mendoza. Ito ay ang pangagasahang ginawa sa kaniya ng pitong lalaki noong siya ay 15-anyos.

Sa pinakabagong vlog ni Toni Gonzaga ay ibinahagi ni Joy ang karanasan niyang ito. Kung paano niya napatawad ang mga lalaking gumahasa sa kaniya.

Kuwento ni Joy naganap ang paggagahasa sa loob mismo ng kanilang bahay. Ito ay naganap araw ng biyernes, February 7, 1992 bandang alas-6 ng gabi.

Wala noon ang mga magulang niya sa kanilang bahay. Sila ay nasa Makati City at nagtuturo ng bible study. Nang mangyari ang insidente ay kasama ni Joy sa kanilang bahay ang mga nakababata niyang mga kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pati na ang kanilang mga kasambahay at ang pamilya ng pinsan ng kaniyang ama. Inaasahan niya rin ng gabing iyon ang pagdating ng dalawa niyang kaibigan na sina Irene at Lana na mag-o-overnight stay sana sa kanila.

Pagnanakaw at panggahasa ng masasamang loob sa kanilang bahay

Magde-deliver lang umano sana noon ng sako ng mga bigas ang pinsan ng tatay ni Joy ng hindi nito namalayan na sumunod pa lang pumasok sa kaniya ang 10 armadong mga lalaki.

Nang makapasok sa kanilang gate ay dere-deretsong pumasok ang mga ito sa front door nila. Sapagkat ang mga ito ay mga armado, ay iniisa-isa nilang itinali ang mga kapatid ni Joy, kasambahay pati na ang pamilya ng tito niya na kasama nito na magde-deliver sana ng bigas.

Habang si Joy noon ay nasa loob ng kaniyang kuwarto at maliligo sana. Pero dahil sa mga kakaibang mga tunog, malakas ang kutob ni Joy na may nangyayaring hindi maganda sa loob ng bahay nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman lumabas siya at sumilip kung ano ang nangyayari. Doon na nga siya pinuntahan ng mga isa sa mga lalaki at nagsimula ng gawin ang panggagahasa sa kaniya.

Kuwento ni Joy,

“When he got inside he had a gun so I am very scared na. Tapos I kinda froze. Then he was asking me kung nasaan ‘yong pera, ‘yong alahas. My parents have a jewelry business back then. And I knew where the stocks were, I showed him. And after that, I thought he was going to kill me. Tapos, he said something like, Ok I don’t want you to see this. So I was like oh my gosh he’s gonna shoot me. But that was when he proceeded to assault me.”

Ginahasa at pinagpasa-pasahan umano si Joy ng 7 lalaki

The young Joy Mendoza/ Image screenshot from YouTube video

Dagdag pa niya, noong mga tagpong iyon ay hindi niya alam kung ano ang mga susunod na mangyayari. Dahil siya noon ay 15-anyos pa lang at wala pang kamuwang-muwang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I didn’t know what to expect. I never had a boyfriend, never been kissed, never had sex, I was 15. So I was really a virgin and has no sexual encounter. The things that he did to me I can’t really talk about it. It is really vialed stuff. And it was a gunpoint. So when I was crying I remember he got very mad at me. Then he took me down the hallway to my bedroom and then there were different guys in there going around the room getting stuff. And then parang pinasa-pasa na ko. Like different guys, different rooms of the house.”

Hindi umano makapaniwala noon si Joy na nangyayari ang lahat ng iyon sa kaniya. Isang bagay lang umano sa tagpong iyon ang hindi niya makakalimutan. Ito ay pagsasabi niya ng salita ng Diyos habang siya ay ginagahasa.

“It was so surreal na parang I was there anymore. But I do remember very distinctly in my heart I was reciting Psalm 23.”

Sa kabila ng pinagdadanaan noon ay nanatiling kalmado si Joy dahil alam niyang kasama niya ang Diyos.

“I remember thinking you know I have given my life to Jesus when I was 9. So in my heart, I know that when they kill me I know where I’m going so I had that peace. And I just thought to myself, they can touch my body, they can all do these things to my body but they cannot touch my soul because it belongs to God.”

BASAHIN:

Stop victim blaming! 5 dahilan kung bakit hindi ito nakakatulong sa mga biktima ng rape

Paano maging mabuting bata: Tamang pagpapalaki

30 Bible verses for kids na nagtuturo ng magandang asal

Tulad niya naaubuso rin at ginahasa ang mga kaibigan niya

Pero naging masakit sa kaniya ang lahat ng malamang dumating pala noon ang mga kaibigan niyang sina Irene at Lana. At ang mga ito ay ginahasa at inabuso rin tulad niya.

“It’s the most heartbreaking part for me because I know they are walking into a nightmare. They were supposed to spend the night but they don’t have any idea what was happening.” “So I was raped by 7 men, one of my friends was raped by 3 men. and then another one I think she has her period so parang hindi natuloy but she was also abused.” “It became such a huge tragedy for everybody involved cause its multiple families.”

Matapos ang mga nangyari ay umalis naman umano ang mga armadong lalaki kung saan ginawang hostage ang pamilya ng kaniyang tito para tuluyang makatakas. Sa awa ng Diyos ang mga ito naman daw ay iniwan ng mga armadong lalaki at hindi na sinaktan pa.

Nahirapan din si Joy na sabihan sa mga magulang niya ang nangyari sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

The young Joy with her parents and siblings/ Image screenshot from YouTube video

Hanggang sa makauwi na ang mga magulang ni Joy na kung saan naging mahirap rin sa kaniya na sabihin sa mga ito ang nangyari sa kaniya.

“You know Mom and Dad, I was raped. And I felt so dirty and I felt so ashamed. I was embarrassed that time with my parents because I knew it would hurt them. I think it is like more painful for them than for me. Me as a parent now imagining if that happened to my daughter, it will be so hard to accept that.”

Pero wala umano ibang sinabi ang mga magulang ni Joy at niyakap lang siya ng mga ito at umiyak.

Sa kabila ng mga nangyari, hindi nagsampa ng kaso ang pamilya ni Joy at pinili nilang ipasa-Diyos ang karahasang naranasan.

“I also have to trust God is bigger than the justice system. So what we decide to do is we will trust God. Lord, you know what they did, you know what they deserve. And you know the amazing thing is some years later a lot of the gang members were caught. Some are actually killed not by our hand or the gang was disbanded. So it was like justice was served in God’s way, God’s time.”

Paano napatawad ni Joy ang mga gumahasa sa kaniya?

Dagdag pa ni Joy sa ngayon ay napatawad niya narin ang mga lalaking nanggahasa sa kaniya. Ito ay sa tulong parin ng mga salita at pagmamahal ng Diyos.

“What helped me to forgive was 2 things. The first was before I used to think I was a good person. So the people who raped, the people who murdered, the people who cheat on their marriages, these are evil people. I am not like that. That’s what I thought in my mind. But God reminded me during that season that Joy all people fall short of my glory. Romans 3:23 says that so compared to God as a standard and his holiness lahat tayo talaga wala. So we need grace, we need forgiveness.” God reminded me that Joy actually you are just like that those people and it’s only because of my grace and forgiveness that you are in the right relationship with me. So can you then extend that same grace and forgiveness that I have given you to forgive those people.”

Sa ngayon ang karanasan na ito ni Joy ay ginagamit niya para mag-inspire ng mga kababaihan. Ganoon din ng marami pang tao sa kung paano kumikilos ang Diyos at ipinaparamdam nito ang pagmamahal niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Joy tungkol sa pagpapatawad

Madali umano para sa kaniya na pag-usapan ang nangyari sa kaniya sapagkat ayon umano sa bibliya, “all things to work together for good.”

Ang trahedya na dumating sa iyong buhay at karanasan ay maaaring gamitin ng Diyos para maka-inspire ng iba, maibahagi ito, at kapulutan ng aral. Doon umano na-remind si Joy na ang kaniyang istorya ay hindi niya talaga istorya,

“There is no shame in being a victim because actually when you share your story and you choose to help others then there’s victory in that. Forgiveness is something that all of us can apply and all of us have to. Why should you be a victim two times? First on what they do and you victimized yourself because of that anger when you can be set free. You can live with joy; you can live with peace because you are no longer imprisoned to that anger.”

Ito ang makabuluhang mensaheng iniwan ni Joy tungkol sa pagpapatawad.

Si Joy ngayon ay happily married sa mister niyang si Edric Mendoza. Sila ay may anim na anak.

Image from Joy Tan Chi Mendoza’s Facebook account