Joyce Pring at Juancho Trivino, ibinahagi sa isang interview ang mga milestone at kung gaano ka-active ang kanilang baby boy na si Liam.
Mababasa sa artikulong ito:
- Joyce Pring at Juancho Trivino sa pagiging active ni baby Liam
- 5 New mom hacks mula kay Joyce Pring
Joyce Pring at Juancho Trivino sa pagiging active ni baby Liam
Isa si Joyce Pring at Juancho Trivino sa mga itinuturing at sinusubaybayang celebrity couple sa bansa. Hindi rin lingid sa kaalaman ng nakararami na last year lamang ay nagkaroon na sila ng kanilang baby number 1.
Sa isang interview sa Unang Hirit, ibinahagi nila ang ilang mga bagay na kanilang naransan bilang first-time mom and dad para kay baby Liam.
Ayon sa aktor na si Juancho Trivino,
“Challenging, parang bawat linggo ibang challenge ang nakakaharap namin.”
Gaya ng ilang mga new parent, hindi rin naging ganoon kadali para sa kanila mag-handle at mag-alaga ng baby. Marami ‘di umano silang challenges na kinakaharap sa bawat linggo na lumilipas.
7-month-old pa lamang si baby Liam, ngunit palaging nasusorpresa ang kaniyang mga magulang na sina Joyce at Juancho sa mga pagbabago na nakikita sa kanilang baby boy. Laging may changes, at natutuwa sila dahil sa panahon na lumilipas, marami na ding nadi-discover na skills si baby Liam.
“Ang bilis! As in first time ko ma-experience na totoo pala ‘yong in the blink of an eye.. parang pumikit lang ako, 7 months na agad si Liam,” pagbabahagi ng TV host at ina ni baby Liam na si Joyce Pring.
Hindi raw nila agad namalayan na ganun lamang pala kabilis lumipas ang panahon pag may baby ka na. Ayon sa kaniya, hindi niya agad napansin na pitong buwan na ang lumipas mula ng ipinanganak niya ang kaniyang first born child.
Samantala, ibinahagi rin ng mag-asawa na talaga naman napaka-active ni baby Liam. Napapansin nila ito lalo na tuwing sila ay bago matulog sa gabi.
Larawan mula sa Instagram account ni Joyce Pring
Bahagyang nahihirapan sina Joyce at Juancho sa pagpapatulog sa kanilang baby dahil “very active and very curious” daw ito. Nae-enjoy na raw ni baby ang mag-explore lalo na ang paglalaro sa loob ng kanilang room.
Isa sa mga natutunan ni baby nitong nakaraan lamang ay ang gumapang. Kaya naman hindi na rin mapigilan ang paglibot-libot nito sa loob ng kanilang kwarto.
Mahalaga para sa mag-asawa na makitang masaya at masiglang naglalaro ang kanilang baby boy. Dahil dito, binigyan nila ng sariling play area si baby Liam sa loob ng kanilang bahay na halos sumakop na sa isang kwarto.
“Kailangan you’re always watching him kasi super makulit na and malikot,” pagbabahagi ni Joyce.
Minsan nga umano, siya ay naiiyak at bahagyang nagiging emosyonal kapag naiisip niya kung gaano kabilis lumaki ang kaniyang anak.
Samantala, ibinahagi rin nila ang ilan sa mga daddy moment nina Juancho Trivino at kanilang baby Liam. Masayang-masaya na ibinida ni Juancho na “Dada” ang first word na binanggit na kanilang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Juancho Trivino
“Grabe, kakaiba ‘yong feeling. Parang gusto kong umiyak nung time na ‘yon,” pagbabahagi pa niya.
Bukod pa rito, masayang sinabi ng ina na si Joyce Pring na marunong na rin kumain ng solid foods si baby Liam. Hindi katulad ng ibang bata, imbis na prutas, gulay ang kaniyang paborito. Halimbawa naman ay ang pagkain ng broccoli, spinach, at ampalaya.
Masaya naman ang kaniyang magulang dahil kahit baby pa lamang si Liam ay natutunan na agad ang pagkain ng gulay na makabubuti sa kaniyang resistensya at pangangatawan.
BASAHIN:
Joyce Pring on purity before marriage: “We strugged A LOT”
Newborn baby care: 5 reasons why your baby is crying
Joyce Pring on weight gain: “I have days when I feel insecure… But I’m embracing the change”
5 new mom hacks mula kay Joyce Pring
Larawan mula sa Instagram account ni Joyce Pring
1. Satisfy yourself with easy delivery foods
“Let’s just be completely honest, food has been a sense of comfort to all of us,” sambit ni Joyce.
Ayon sa kaniya, maraming mga bagay ang ginagawa ng mga mommies na katulad niya. Busy sila sa gawaing bahay at pag-aalaga sa baby. Ang iba nga ay kailangan pang magpa-breastfeed.
Dahil sa breastfeeding, madali siyang magutom at maya’t mayang naghahanap ng pagkain. Sa panahon ngayon, marami ng delivery services kaya madali na lang din ang pag-order ng pagkain.
Para sa kaniya, hindi masama at mas mapapadali bilang ina ang magpa-deliver ng mga healthy at masarap na pagkain.
2. Have a bag ready for all your mom needs
“You pretty much don’t have anytime time to prepare a lot of things pag biglaan yung situation.” pagsasaad ni mommy Joyce.
Kailangan ng bawat ina na mayroon go-to bags, kung saan nakalagay lahat ng bagay na kailangan ni baby. Halimbawa na lamang ay ng diaper, toiletries, first-aid kit, at mga extrang damit.
Ayon sa kaniya, dapat laging may nakahandang bag lalo na in case of emergency. Maaaring umalis kasama si baby na hindi ka magwo-worry na baka may naiwan o kulang-kulang yung gamit dahil lagi itong naka-ready.
3. Exercise, exercise, Exercise!
“It doesn’t have to be full on exercises, you just have to get moving,” advises pa ni Joyce Pring.
Hindi kailangan ng extreme workout, ang mahalaga lamang ay maigalaw mo ang iyong katawan. Kahit simpleng paglalakad lang sa umaga ay malaking tulong sa iyong katawan.
Magandang idea rin umano ang lumabas tuwing umaga kasama si baby. Kung maaari ay kumpleto kayong tatlo upang magkaroon na rin ng bonding habang nag-eexercise.
4. Allow others to help you
“It’s important to really understand as a first time parent that it is okay to accept all the help that you can get.” pagbabahagi niya.
Karaniwang sa kababaihan ang pagiging independent. Subalit bilang isang ina, hindi mo kailangan pagdaanan ang iyong journey at phase ng ito ng iyong buhay nang mag-isa.
Ayon kay Joyce, hindi masamang humingi ng tulong kung kinakailangan. Lalo na sa iyong pamilya, magulang, kaibigan, at mga kapatid.
5. Get some “Me Time”
“Carrying and having a baby is no joke. So, we got to take that time to relax, unwind, and enjoy the little things,” sambit ni mommy Joyce.
Kahit na mayroon ka ng anak, mahalaga at malaking bagay pa rin ang pagkakaroon ng oras sa sarili. Ayon kay Joyce, kahit 30 minutes to 1 hours lamang ito kada araw ay malaking bagay na dapat ibigay sa mga mommies.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!