Sa isang Instagram post ibinahagi ng Kapuso actor na si Juancho Triviño ang kaniyang nararamdaman at karanasan sa kaniyang pagiging Tatay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay
- 3 tips para mas maging strong ang bond niyo ng iyong anak
Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay
Sa unang bahagi ng caption ni Juancho Triviño sa kaniyang Instagram post ibinahagi niya na hindi niya umano talaga lubos maintindihan noon ang mga tanong na, “Kumusta ang pagiging Tatay?”.
Larawan mula sa Instagram account ni Juancho Triviño
Subalit saad niya ngayon,
“‘Pag tatay ka na, one way or another maeencounter mo ang tanong na “Kamusta ang pagiging tatay?” Na tanong ko na din ‘yan dati noon, kahit na hindi ko maintindihan ‘yong
“Lagi kang excited umuwi” at “nakaka wala ng pagod”, ibang iba na ngayon, “yan na din ang sinasabi ko.”
Larawan mula sa Instagram account ni Juancho Triviño
Kuwento pa ni Juancho iba raw talaga ang saya na nadudulot ng kaniyang mga anak sa kaniyang buhay. Pagbabahagi niya,
“Ang saya sa feeling pag umuuwi ka may bago nanaman siyang ginagawa or sinasabi, ang saya sa feeling marinig ‘yong “Hi Dada!”
Iba rin umano ang feeling kapag yayakapin siya ng kaniyang anak. Ito umano ang mga pagkakataon na pinagdadarasal niya sa Panginoon na kahit kailan ay hindi niya ma-take for granted. Hiling din ni Juancho na ganito rin sana ang mga ibang Tatay dahil mabilis lang umano ang panahon. Lalaki na ang mga bata at mag-iiba na ang gusto o hilig ng mga ito.
Larawan mula sa Instagram account ni Juancho Triviño
“Ito ‘yong mga moments na pinagdadasal kong hindi ko kelan ma take forgranted, at sana ang iba ding mga tatay, dahil mabilis lang ang panahon, iba na ang trip nila kaagad.”
Si Juancho Triviño ay kasal sa host na si Joyce Pring at magkakaroon na sila ng dalawang anak, ang kanilang panganay na anak ay si Liam. Samantala malapit na ring manganak si Joyce Pring sa kanilang pangalawang anak.
Larawan mula sa Instagram account ni Juancho Triviño
3 tips para mas maging strong ang bond niyo ng iyong anak
1. Gawin mong priority ang iyong anak.
Mahalaga na maiparamdam natin sa ating mga anak na priority natin sila. Dapat umano na kapag kailangan ka ng iyong anak ay naroon ka. Ganun din kapag may gusto siyang sabihin sa ‘yo ay dapat nakikinig ka sa kaniya.
Kadalasan kasi sa sobrang busy nating mga magulang sa trabaho o sa iba pa nating ginagawa ay nakakaligtaan na natin ang ating mga anak, at hindi ito maganda.
Kapag nagawa nating priority ang ating mga anak mas magiging matibay ang bond natin sa kanila.
2. Magkaroon ng quality time sa iyong anak
Hindi biro ang pagiging magulang at pagkakaroon ng trabaho ng sabay. Alam nating mahirap ito at minsan mahirap magbalanse ng oras.
Subalit napakahalaga na magkaroon tayo ng quality time sa ating mga anak. Kahit isang beses sa isang linggo ay mahalaga na magkaroon ng bonding time o quality time kasama ang ating mga anak.
Puwede kayong pumunta sa park o kaya naman manuod ng sine, puwede rin kayong mag-isip ng mga fun activities sa loob ng bahay.
3. Subukan mag-develop ng friendly bond sa iyong anak
Maganda rin namang hindi ka lang magulang ng mga anak mo pero isa ka ring kaibigan nila. Sa ganitong paraan kasi mas mapapalapit ka rin sa iyong anak at hindi rin sila mahihiyang magsabi sa ‘yo ng kanilang mga problema o saloobin.
Subalit tandaan na dapat alam ng iyong anak kung kailan ka kaibigan at kailan ka magulang. Malagay pa rin ng boundaires.
Tandaang wala namang perkpektong magulang at kung minsan challenging din talaga ang pagpapali ng anak. Gayundin kung paano ba kayo mas magiging close, ang mahalaga maipakita mo sa iyong anak na mahal mo siya at nandiyan ka para sa kaniya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!