Sa official launch ng Coco Mama Fresh Gata, maswerteng nakapanayam ng the Asian Parent ang Reyna ng Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos, o Juday. Isa sa kanyang naibahagi ay ang kanyang pagiging part-time actress, part-time vlogger, at full-time mom, at kung paano niya naibabalanse ang mga ito.
Bukod dito, naikwento rin niya kung paano niya sinisigurado na healthy at happy ang kaniyang mga kids.
Para kay Juday, priority ang healthy food ng kaniyang mga anak
Ayon kay Juday, kahit super busy ang kanyang schedule sa mga taping at vlogging, sinisigurado parin niyang kumakain ng masusustansyang pagkain ang kanyang mga anak.
“Tinuruan ko ung angels ko sa bahay to be able to cook what the kids need and what the kids want… nakasulat na yan for the whole week,” ayon sa aktres. Ngunit hinahayaan rin naman daw niyang kumain ng junk food ang kanyang mga anak from time to time.
View this post on Instagram
A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on
“I try to balance everything pero I’m not a super strict mom. I allow them to eat junk food. Siyempre after training it’s very important that they have their fresh juices. Kapag weekend, I let them indulge in whatever food they want para naman di ko naman sila masyadong dinedeprive,” dagdag pa niya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang hilig sa pag-grocery shopping sa kanyang free time. Hanggat maaari, gusto ng beteranong aktres na siya mismo ang mamimili ng kanilang kakainin. Dito lamang daw niya na-eenjoy ang kanyang alone time.
Pagdating sa mga pihikang anak
“You have to try it first before you say no.” Iyan ang isa ring tinuturo ni Juday sa kanyang mga anak. Sinasabi niya ito sa kanila upang mas ma-engganyo silang i-try ang iba’t ibang klase ng pagkain.
View this post on Instagram
A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on
Hindi itinanggi ni Juday na pinagdadaanan rin niya ang isa sa mga problema ng mga lahat ng nanay. Ito ay ang pagpapakain sa mga pihikang mga anak. Ayon sa kanya, kailangan ng ‘tough love’ sa pagpapatikim ng mga bagong putahe sa mga bata. Sa ganitong paraan raw nila nadidiskubre ang iba’t ibang pagkain na maaari nilang magustuhan.
Inamin niya ring strikto siya pagdating sa pag-uubos ng pagkain ng kanyang mga anak sa kani-kanilang mga plato. “We let them understand that whatever amount of food you put on your plate, basta ikaw ang naglagay nyan, kailangang ubusin kasi pag hindi sayang.”
Kinuwento rin niya na sinisimulan na niyang turuan ng simpleng pagluluto ang kanyang panganay na si Yohan. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang anak pag dating ng kolehiyo. Para sa kanya, importanteng malaman ng mga anak kung paano mag luto para sa kanilang sarili sa maagang edad. “[cooking] is not just a skill, it’s a survival skill,” dagdag pa nya.
Also read: Safe ba sa mga bata ang pagkain na mayroong artificial food coloring?
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!