Sa nakaraang Klook event, nagkaroon ng pagkakataon ang The Asian Parent na makausap ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Sa mga ilang travels na nagawa na ng mag-asawa kasama ang kanilang tatlong anak na sina Yohan, Lucho, at Luna, tinanong ang mag-asawa kung paano nga ba mag-travel nang may kasamang mga bata.
First rule sa mga tatay
Unang nagbigay ng saloobin si Ryan tungkol sa kung paano nga ba mag-travel nang may kasamang mga bata. Natatawang sagot ng actor at host, “Sa mga, mga tatay when you’re traveling with your wife and then your kids—the best plan is to ahm… pagpasok naman kasi sa budget, um-oo ka na lang. Yun lang yun, huwag ka ng kumontra.”
“Happy wife, happy life,” sambit ng event host na si Joyce Pring.
Sumang-ayon naman si Ry, “Oo. Pick your battles na lang kasi, especially like my wife is in the habit of planning the trips herself and with the kids. So ako kung hindi naman problema yung budget, of course the husband and the wife has to determine the budget. You can’t go overboard.”
Dagdag pa niya, “But once it’s puwede, kung posible, umoo ka na lang and then umentra ka na lang kapag medyo may mga ia-adjust na lang. Ako yun yung suggestion ko sa mga tatay.”
Number one when traveling ay research
Ayon kay Ryan when it comes to family trips ang number one is planning and research.
Pahayag nga ni Ry, “We have many tools around us, mayroon naman tayong Facebook, may Instagram, there’s Google—you know, use these tools that we have to plan your trips properly even down to the last minute.”
“Maganda sana para maging spontaneous yung trip is you plan it very well, because once you’ve got the backbone covered, then you can freestyle everything,” dagdag niya.
Consider kung saan ang trips
Ayon naman kay Juday, each kid di-umano is different, kung kaya’t dapat i-consider din kung anu-anong mga lugar ang mga dapat puntahan. Iba-iba na rin kasi daw di-umano ang mga gusto ng bata lalo na kung iba-iba din sila ng edad.
Kuwento ng Kapamilya actress, “Like ate [Yohan] is 14, Lucho is 8, and Bunny [Luna] is 3 na, so you also have to consider kung ano talaga yung gusto nila even before ka pa magplano. Kami ni Ryan we love surprising our kids with trips and paminsan sa way na yun kapag sinu-surprise namin sila naplano na namin.”
Dagdag pa niya, “Before nung magkakasabay pa sila na ano, puwedeng it’s either Universal kasi everybody loves universal, I love Universal—lahat naman nage-enjoy dyan.”
Consider kung saan kakain
Pinahayag din ni Juday na dapat din i-consider ang mga lugar kung saan kakain.
“Everyone loves a good food, pero siyempre kung kasama mo ang mga anak mo lalo na iba’t-iba pa ang mga edad, dapat i-consider mo rin ang mga paborito ng bawat isa.”
Natutuwang shinare ni Judy Ann, “Yung food isa yan sa dapat i-consider. Each one of them is different. Like kuya loves beef, Luna loves pizza and pasta, Ate loves everything.”
I-consider ang mga medication
Ang pinaka-importante di-umano kapag nagta-travel ka kasama ang mga anak, dapat dala mo lahat ng medications nila. Siyempre importante rin daw na ang mga medications na ito ay may reseta ng kani-kanilang mga doktor.
“Bring each child’s medication, yun yung pinaka-importante,” payo ni Juday.
Pagpapatuloy na kwento ng aktres, “Especially in a country na iba yung lingguahe, it’s hard. It’s hard to converse sa drugstore na kung ano yung kailangan nila. So it’s important that you equip yourselves with right medication.”
Dagdag niya: “Ako kasi yun yung talaga, may checklist ako sa bahay kasi tatlo sila e, tatlong iba-ibang gamot yun. So kailangan nakalista and then kailangan may reseta rin from the doctor kasi kapag nakita sa immigration or sa x-ray para wala ng tanung-tanong.”
Isama ang mga anak sa pagpa-plano
Importante rin di-umano na isama ang mga anak sa pagpa-plano. Bigyan din sila ng sense of responsibility at attentiveness para aware din sila.
Kinuwento nga ni Juday ang kanilang first travel trip nung wala pa ang kanilang bunso ni Ry na si Luna.
“The first time na kaming apat lang, siyempre there’s Disneyland and ano, it was in Hong Kong nung una kaming nag-travel. Ang in-equip ko talaga sa kanilang dalawa para they can go and play whenever and wherever—nagpagawa ako ng name tags, dog tags na may name nila, na may number namin, at saka may age nila.”
“Suot lang nila the whole time kasi napa-praning ako, e. Baka mamaya anong mangyari, at least if they have that I’m actually confident na kung ano mang mangyari,” dagdag pa niya.
Sinambit rin niya na may briefing din di-umano ang mga bata, “‘Oh whatever happens you stay calm, don’t panic, you go to a police station and you show them your dog tags para they will contact mommy or daddy, and the name of our hotel,'” payo niya sa mga anak niya.
“It’s very important that you include your children when planning, para they also become responsible while on the trip,” aniya pa.
Basahin: Traveling to Seoul with kids: getting there, where to stay, what to do