Paano ba nagdiriwang ng Pasko ang pamilya ni Judy Ann Santos?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawat pamilya ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagdiriwang ng pasko. At siyempre, kasama na rito ang ating mga paboritong artista, tulad na lang ng ina at aktres na si Judy Ann Santos.

Nakapanayam namin ang aktres sa isang interview, at ibinahagi niya kung paano sila nagdiriwang ng pasko, mga paboritong pagkain ng mga anak niya, at kung bakit espesyal palagi para sa aktres ang pasko.

Paano nagdiriwang ng pasko ang pamilya ni Judy Ann Santos?

Nakakagulat malaman na para sa pamilya ni Judy Ann, hindi gaanong engrande ang pagdiriwang nila ng Pasko. Simple lang daw ang kanilang selebrasyon, at magkakasama ang buong pamilya.

Ayon sa aktres, “Alam mo naman tayong mga Pilipino, very traditional sa’tin ang Christmas, it’s always with family, it’s always the gift-giving, and at the same time, gusto mo lang ng simple.” Dagdag pa ng aktres, “Yung magkakasama lang kayo, Pasko na ‘yun diba?”

Bukod dito, gustong-gusto niyang nakakasama ang kaniyang mga kapatid tuwing Pasko. Dahil raw sa ngayon, bihira na sila magkita dahil busy silang lahat sa trabaho. Kaya daw pag Pasko, doon silang lahat “nagbo-bonding” bilang isang pamilya.

Mapili ba sa pagkain ang mga anak ni Juday?

Ayon kay Judy Ann, hindi naman daw gaano mapili sa pagkain ang kaniyang mga anak. Ito ay dahil sinasama daw niya ang mga anak sa paghahanda ng kanilang pagkain.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya raw hindi tulad ng ibang bata na ayaw kumain ng gulay, game na game ang mga chikiting ni Juday pagdating sa pagkain ng gulay.

Ang anak niya na si Lucho daw ay mahilig sa broccoli at string beans, at si Luna naman daw ay mahilig sa lahat ng gulay.

Ano ang hinahain nila sa Noche Buena?

At alam niyo ba na bukod sa pagiging artista ay nag-aral din si Judy Ann Santos na magluto? Isa rin daw sa nagiging bonding nilang magkakapatid tuwing Pasko ay ang pagluluto ng Noche Buena.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang isa raw sa pinakahinahanap na ulam sa hapag-kainan nila tuwing Noche Buena ay ang kaniyang Cheesy Prawn Thermidor na recipe pa raw ng kaniyang ina.

Kwento pa ng aktres, “I remember kapag galing siya ng Canada tapos sa amin siya magpapasko, yun talaga yung dish na nirerequest namin sa kanya.”

Sinabi pa ni Judy Ann na ang Pasko raw ay para talaga sa mga bata, at kahit anong request daw ng kaniyang mga anak, lulutuin daw niya. “Kahit sampung dishes, gagawin ko yan,” aniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano sila magregalo sa isa’t-isa?

Pagdating naman sa kaniyang asawa, sabi ni Judy Ann na nakikiramdam daw sila sa isa’t-isa pagdating sa mga regalo. Hindi daw sila nagrerequest ng regalo sa isa’t-isa kaya’t pakiramdaman palagi ang ginagawa nila.

At ngayon daw ay hindi na sila masyadong naghahanap ng mga materyal na regalo, at mga magagandang alaala na raw ang hinahanap nila. At madadala rin daw nila ang mga alaala hanggang sil ay tumanda, at maibabahagi pa nila ang mga kwentong ito sa kanilang mga apo.

Mahalaga din daw sa kanilang mag-asawa ang magkaroon ng mabuting asal ang kanilang mga anak. Gusto daw nila na lumaking maayos at mabuti ang kanilang mga anak, at magiging masaya na sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Basahin: Celebrities nagsimula nang mag-decorate para sa Pasko

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara