Judy Ann Santos to Ryan Agoncillo: “We made it!! 15 years married almost 20 together”

Juday sinabing si Ryan ang naging daan para mas maging matapang siya at confident sa buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nagdiwang ng kanilang 15th wedding anniversary.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo 15th wedding anniversary.
  • Relasyon ni Juday at Ryan.

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo 15th wedding anniversary

Larawan mula sa Judy Ann Santos PH Facebook account

Nitong April 28 ay nagdiwang ng kanilang 15th wedding anniversary sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Si Juday may sweet na mensahe sa kaniyang mister na si Ryan sa Instagram. Ayon kay Juday, malaki ang naging tulong sa kaniya ng mister para mas maging matapang at confident sa buhay

“We made it!! 15 years married almost 20 together. I wouldn’t have it any other way.. your love, honesty, support in so many ways have given me so much courage and confidence to be more.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Juday para sa mister. Dagdag pa niya, si Ryan rin ang nagpakita at nagpatunay sa kaniya na nag-eexist ang true love.

“You showed me what love truly is.. pwede palang magmahal ng ganito katindi, at pwede kang mahalin ng tapat at totoo. Mahal na mahal kita .. habang buhay.,❤️❤️❤️😘😘😘”

Ito ang mensahe pa ni Juday kay Ryan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Judy Ann Santos

Relasyon ni Juday at Ryan

Isa ang relasyon nina Juday at Ryan sa pinakamatagal at hinahangaan sa mundo sa showbizness. Sa isang panayam ay minsan ng ibinahagi ni Juday ang sikreto kung bakit long-lasting ang marriage nila. Mababaw kung pakikinggan ang sinabi niyang dahilan pero ito daw ang naging dahilan kung bakit peaceful ang pagsasama nila ni Ryan. Ito daw ang pagkakaroon nila ng kaniya-kaniyang kumot sa tuwing matutulog sa gabi. Ito ang paliwanag ni Juday kung bakit.

“Kasi ‘pag magka-share kami ng kumot, naaagawan ko siya ng kumot. Tapos, aagawin niya sa akin, magigising ako. So, sira na ‘yung tulog namin. Pag gising namin, bad trip na kami pareho.”

Maliban pa dito, pag-amin ni Juday dumaan din sa pagsubok ang pagsasama nila. Pero sa pagdaan ng panahon ay mas naging mature na silang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pag-amin pa niya, may mga naging pag-aaway o hindi rin sila pagkakaintindihan ni Ryan. Pero sa tagal ng panahon at pagiging mature nila ay natutunan nilang mag-adjust at mapakisamahan na ang isa’t-isa.

“Through the years, nag-mature na rin kami, alam na namin makipag-usap sa bawat isa, we already know how to deal with each other’s issues.”

Ito ang sabi pa ni Judy Ann sa isang panayam.

Si Judy Ann At Ryan ay may tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement