Posible nga ba na maging gadget-free ang mga bata sa panahong ito? Ayon sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo hindi na maiiwasan na hindi humawak ng mga gadgets ang mga bata ngayon tulad ng laptop, tablet, o cellphone. Kung kaya’t naisip ng mag-asawa imbes na ilayo ang gadgets sa kanilang mga anak, ang magandang approach na lang nila ay turuan ang mga ito na gumamit ng gadget ng tama.
Ni-revise ni Juday ang gadget rules ng kanyang mga anak
Noong taong 2016, ang mga anak ni Judy Ann na sina Yohan at Lucho ay pinayagan ng gumamit ng iPad para sa kanilang mga research lamang.
Mariing sinabi ng aktres, “Hindi puwedeng mag-games, hindi puwedeng mag-YouTube, nothing. So they always research on something and they have to learn something from that research.”
At ngayon ngang 2019, may kaunting pagbabago sa gadget rules nila Juday at Ry.
Gadget rule para kay Lucho
Ngayong walong taong gulang na ang anak nilang si Lucho, pwede na siyang manood ng mga bidyo na interesado siya.
Kwento ni Juday, “I know naman, all sites, ang pinapanood naman niya ay football and funny videos… I check their history, e.”
Gadget rule para sa bunsong si Luna
Nakakakuha naman ng mga dalawang oras ng screen time araw-araw ang bunso niyang si Luna, pero sinisigurado ni Juday na mayroon pa rin siyang activities na hindi nire-require ang paggamit ng gadgets.
Dagdag niya, “Dapat may iba siyang activity ginagawa na hindi konektado sa gadget at all. It’s either I bring her to the kitchen, tulungan niya ako magluto. Punta kami sa dollhouse niya o mag-trampoline kami. Basta something hindi talaga konektado.”
More devices para sa panganay na si Yohan
Ang labing-apat na taong gulang na teenager na si Yohan ay hindi pa pwedeng magkaroon ng kahit anong social media account hanggang wala pa siya sa legal na edad na 18.
Striktong sinusunod ang gadget rules
“There are content in this social media thing na baka ikakagulat mo, ‘tapos hindi ka pa ready for your age,” sambit ni Juday.
Aniya nga, “In fairness naman sa mga anak namin, we’re blessed to have kids that are very obedient. Hindi mahirap pagsabihan, hindi sila mahirap bigyan ng rules kasi they listen.”
Source: PEP.ph
Basahin: Juday at Ryan: Tips sa pag-travel kasama ang mga bata