Julia Barretto ready to get married to Gerald Anderson: "I'm not scared."

Julia gusto na raw magkaroon ng anak at sarili niyang pamilya sa edad na 25-anyos.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa aktres na si Julia Barretto na kung sakaling mag-propose ng kasal si Gerald Anderson sa kaniya, ‘yes’ na ang isasagot niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Julia Barretto ready ng magpakasal at magkaroon ng sarili niyang pamilya.
  • Dahilan kung bakit gusto na ni Julia na bumuo ng sarili niyang pamilya sa edad na 25-anyos.

Julia Barretto ready ng magpakasal at magkaroon ng sarili niyang pamilya

Image from Julia Barretto’s Instagram account

Sumalang sa one-on-one interview ang aktres na si Julia Barretto sa pinakabagong programa ng beteranong talk show host na si Boy Abunda. Ito ay ang programa niyang “Who Are You When No One Is Watching” na tampok sa kaniyang YouTube channel.

Doon ay tinanong ng ilang personal questions ni Boy Abunda si Julia. Kabilang na nga rito ay ang kung sakaling mag-propose na ng kasal si Gerald sa kaniya ay ano ang magiging sagot niya.

Ang mabilis na sagot ni Julia ay “yes”. Dahil ayon kay Julia, siya ngayon ay ready ng magkaanak at magkaroon ng sarili niyang pamilya. At kung para sa iba nakakatakot ang pag-aasawa, sa kaniya daw ay hindi.

“I’m not scared. Marriage is exciting and (I’m) curious.”

Ito ang sabi pa ni Julia tungkol sa ideya ng pag-aasawa para sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sabi pa ni Julia, maswerte siya na magkaroon ng boyfriend na tulad ni Gerald. Dahil ito daw ang tumutulong sa kaniyang mas maging mature at responsable. Kaya naman pakiramdam niya ay ready na siya ng bumuo ng pamilya kasama ito.

“I always tell him how I lucky I feel that I’m with somebody who can guide me. Just in life, in general, who can ground me, who can put sense in my head and I can talk to him about anything. And he put everything into perspective for me.”

Ito ang pagmamalaki ni Julia sa boyfriend na si Gerald Anderson.

Julia nais tularan ang kaniyang ina na tinitingnan niyang inspirasyon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Julia Barretto’s Instagram account

Isa pa umanong dahilan ni Julia kung bakit gusto niya ng magkaanak ngayon ay dahil narin sa impluwensiya ng kaniyang ina.

Nakita niya daw kung paano sila pinalaki nito at kung paano naging close ang relasyon nila dahil sa hindi nila nagkakalayong edad. Isang bagay na gustong maranasan ni Julia sa magiging anak niya.

“I think it also comes with my mom and I are the best of friends. That’s because our age difference is not so far apart. She had me at 21, 22. We are so close and I think I just want to have that kind of relationship with my children as well.”

Ito ang sabi pa ni Julia sa naging panayam sa kaniya ni Boy Abunda.

Nito ngang Mother’s Day ay hindi nakaligtaang batiin ni Julia ang ina niyang si Marjorie Barretto, ganoon rin ang kapatid niyang si Dani. Ang mga ito daw ang inspirasyon ng aktres para maging best version ng sarili niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy Mother’s Day to two of the strongest women I know and look up to. You both inspire me to become the best version of myself every day and for that I am thankful.”

Ito ang pagbati ni Julia sa inang si Marjorie at kapatid na si Dani Barretto. Ang mga ito hindi naman kinaligtaang sagutin si Julia at ipabatid dito ang pagmamahal nila.

marjbarretto: “Thank you, Julia. Im so blessed to Mom to all 5 of you. Its been so rewarding.”

danibarretto: “I love you so much Juju!”

Image from Julia Barretto’s Instagram account

BASAHIN:

Julia Barretto asks dad Dennis Padilla kung ano ang biggest regret niya

PANOORIN: Mensahe ng mommy ni Gerald Anderson para kay Bea Alonzo at Julia Barretto

Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: “Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako.”

Julia Barretto and Gerald Anderson relationship

Samantala, noong nakaraang taon ay na-interview narin ni Boy Abunda si Gerald Anderson tungkol sa kung may plano na ba itong lumagay sa tahimik na. Ito ang sagot naging sagot ng aktor.

“Alam mo Tito Boy, gusto ko sagutin ‘yan talaga, and siguro alam niyo po kung anong isasagot ko diyan.”

“Pero dahil siguro she’s still very young and ang dami pa niyang mai-offer sa industriya natin and ang dami pa niyang ipapakita sa inyo, sa audience natin, ‘yong talent niya, so ayaw ko maging hadlang dun.”

Matatandaang naging usap-usapan ang pagsisimula ng relasyon ni Julia at Gerald dahil sa sinasabing si Julia ang naging dahilan ng hiwalayan ni Gerald at aktres na si Bea Alonzo.

Unang nagkasama sina Julia at Gerald sa pelikulang ‘Between Maybes’ noong 2019 kung saan sila ang parehong gumaganap sa lead role.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa parehong taon ay sinabi ni Bea Alonzo na niloko umano siya ni Gerald para sa ibang babae. Bigla nalang daw siyang hindi kinausap nito at pinalalabas na siya ang may kasalanan sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Noon ay itinanggi ni Julia na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay ni Gerald at Bea. Hanggang sa nitong Marso noong nakaraang taon ay isinapubliko na ni Gerald at Julia ang relasyon nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement