Ayon sa Executive Secretary na si Salvador Medialdea, idineklara ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng June 5 holiday. Ito ay para i-commemorate ang pagatatapos ng Ramadan para sa mga muslim, na kung tawagin ay Eid’l Fitr.
June 5 holiday, idineklara para sa Eid’l Fitr
Sa ilalim ng awtoridad ni pangulong Duterte, pinirmahan ni Medialdea ang Proclamation No. 729, na nagdedeklarang ng non-working holiday sa ika-5 ng Hunyo.
Ayon sa proklamasyon, “The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance of Eid’l Fitr.”
Bukod dito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na kailangan raw magkaroon ng holiday “to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness.”
Bilang isang non-working holiday, hindi kinakailangang pumasok ng mga mag-aaral at mga nagtatrabaho.
Source: Inquirer
Image: Philstar
Basahin: Philippine Holidays 2019: Mga araw na walang pasok ngayong darating na taon