TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Fun run, art installation, toycon at iba pa! 8 Family-friendly events ngayong June

5 min read
Fun run, art installation, toycon at iba pa! 8 Family-friendly events ngayong June

Mahalaga ang pagba-bonding para mapatibay ang samahan ng pamilya. Narito ang mga event ngayong June na pwede niyong puntahan para sa fun-filled family bonding.

Mahalaga na naglalaan tayo ng panahon para sa family bonding. Kaya naman, kung naghahanap kayo ng maaaring gawin ngayong June kasama ang pamilya, narito ang mga June events in the Philippines na pwede niyong puntahan kasama ang mga chikiting!

Family-friendly events ngayong June 2024

Mebuyan’s Colony by Leeroy New (CCP Earth Day Installation 2024)

April 25 to June 25, 2024 | CCP Front Lawn | FREE Admission

june events

Larawan mula sa website ng Cultural Center of the Philippines

Hindi lang ito basta art installation event. Magandang pagkakataon din ito para i-introduce sa ating anak ang sining at ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Ang Mabuyan’s Colony ay work of art ni Leeroy New. Kung saan ay makikita ang fascination ng artist sa Philippine mythology at science fiction. Bilang celebration ng Earth Day 2024, isasagawa ang Mebuyan’s Colony installation sa front lawn ng Cultural Center of the Philippines. Tampok rito ang tema ng Earth Day na “Planet vs Plastics.” Ang multisensory installation na ito ay binubuo ng mga recycled materials tulad ng foliage, mga plastik na bote, kawayan, at bakal.

Ang maganda pa sa event na ito, FREE ADMISSION ito at ALL DAY event. Kaya ano mang oras ay pwede kayong pumunta ng CCP mula April 25 hanggang June 25, 2024.

TOYCON 2024

June 14-16, 2024 | SMX Convention Center Manila

june events

Larawan mula sa website ng TOYCON

Perfect para sa mga bata pati na rin adults na mahilig sa laruan at collectibles ang isa sa mga events ngayong June, ang Toycon 2024! Tampok sa evet na ito ang iba’t ibang toys, hobbies, at collectibles na siguradong ikatutuwa ng mga bata at pati na rin ng mga young-at-heart!

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang website ng TOYCON.

Likhaan 2024

June 22, 2024 | LaunchGarage Innovation Hub, Industria Mall, Quezon City | Entrance is FREE

Isang makulay at masayang pop-up event para sa mga Filipino creators ang Likhaan 2024. Maaari mong dalahin ang buong pamilya rito lalo na kung mahilig kayo sa sining. Mag-enjoy sa exhibits ng mga local artists at craftsmen, makinig sa meaningful talks, at manalo sa exclusive raffle prizes. Isang araw ito ng creativity at inspiration para sa buong pamilya.

LoveLaban 2 Everyone

June 22, 2024 | Quezon Memorial Circle, Quezon City | Entrance is FREE

Fun run, art installation, toycon at iba pa! 8 Family-friendly events ngayong June

Larawan mula sa Facebook page ng Quezon City Memorial Circle

Celebrate Pride Month with a purpose! Ang LoveLaban 2 Everyone ay isang malaking pagdiriwang at movement para sa pagbabago, pagmamahal, at pagkakapantay-pantay. Magandang pagkakataon ito upang ipaliwanag sa inyong anak ang SOGIE o sexual orientation, gender identity, at expression.

At kung may anak kang isa sa LGBTQ+ community, magandang pagkakataon din ito para ipakita sa kaniya ang inyong suporta bilang ally ng community.

Syempre hindi mawawala ang performances ng iba’t ibang artist sa event na ito.  Tampok sina Vice Ganda, Bini, Marina Summers, at marami pang iba. Isang araw ng kasiyahan at pagmamahalan para sa buong pamilya!

QUEERLAYAAN: A Pride Celebration and Art Market

June 16, 2024 | Whitespace Manila, Makati City | Entrance Fee: 100 pesos

Isa ring event para sa Pride Month and QUEERLAYAAN. Isang araw na puno ng sining at suporta para sa lokal na queer artists community. Mag-enjoy sa mga art exhibits, bumili ng unique crafts, at makilahok sa mga masayang activities. Perfect ito para sa mga pamilyang mahilig sa sining at kultura!

KIDS NEXT DOOR

June 10-14, 2024 | Farmers Plaza, Araneta Cubao

june events

Larawan mula sa Facebook page ng Robinsons Easymart

Punong-puno ng mga activity na talagang mae-enjoy ng mga bagets ang event na ito ng Robinsons Easymart. Mayroong games, activities at surprises para sa kids at sa kids at heart.

Sa June 10 hanggang June 14 ng alas-10 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi ay ang selling at exhibit day. Ang main program event naman ay magaganap sa June 14 ng alas-3 ng hapon.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

The Green Run 2024

June 30, 2024 | Vermosa, Imus Cavite

Healthy and fun activity na pampamilya ang hanap? Sumali na sa The Green Run 2024 ng Pinoy Fitness. Mag-exercise at tumulong sa environment at young athletes kasama ang buong pamilya. Pwede pang isama ang alagang aso! Ang The Green Run ay isang masayang activity for a cause na layuning tumulong sa young athletes, sa kalikasan, at sa mga alagang hayop. Perfect para sa healthy bonding time ng pamilya.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa link na ito.

Halaman at Sining (A Plants and Crafts Fair)

June 14-16, 2024 | Flower Garden, Quezon Memorial Circle

Para sa mga plantito at plantita, at sa mga mahilig sa crafts ang event na ito! Pumunta sa Halaman at Sining at makibahagi sa mga seminar, at suportahan ang local crafters sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang mga likha.

Pinangungunahan ng The Crochet Philippines and event na ito. Kaya asahan ang mga plant-related crochet crafts. Kung mahilig ang anak niyo sa sining ng crochet o gantsilyo, pwedeng-pwedeng isama siya sa event na ito.

Ano man ang trip ng inyong pamilya, siguradong may event na para sa inyo sa listahan namin na ito ng June events. Kaya naman, tara na’t mag family bonding ngayong buwan.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Fun run, art installation, toycon at iba pa! 8 Family-friendly events ngayong June
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko